CHAPTER 14

18 0 0
                                    

Nagsimula na ang sagala. Gaya ng nakagawian ng mga pinoy, paputok ng kwitis dito at doon. Tutok ng emergency light sa mga nagsasagala. Mga tambay na may hawak ng arko. Mga beking naghahanap ng papable na escort. Mga chicser na naghahanap ng maganda nagsasagala.

MACKI'S POV

Mabadtrip pa ako ng mga to. Si papa naman kasi pinilit pa akong manood dito sa labas. Nasan na kaya sila Yuan?

Teka.

Si Cher yun ah.

Napakaganda niya talaga.

Saglit.

Sino yon.

"KIEFER?!" di ko napigilang mapasigaw.

"Uyyy Mackiboyyyyy!" nakangisi pa nyang sigaw.

"Hi Cher."

"Hello." nag-smile pa siya sakin. :)))

"Nasan si Yuan? Akala ko sya partner ni Cher?"

"Andon sa bahay.." mahinang sagot ni Kiefer with matching laki ng mata pa. Alam ko na to. Pinasalo lang nya to kay Kiefer.

"Ah. Osige! Puntahan ko nalang pinsan mo ha? Sige. Bye Cher!"

"Okay, bye Macki. Pakikamusta nalang ako kay Yuan ha?" may halong pagaalala sa mga mata nya.

"Bakit? Ano bang nangyari sakanya?"

"Sabi niya, nag-LBM daw."

"BWAHAHAHAHAHAHAHA! SI YU- BWAHAHAHAHA! LBM?! HAHAHA!"

"Uy. Shh. Wag kang maingay nakakahiya." pananaway ni Cher.

"Ay sorry! Eh kasi naman e.. Hahaha!"

"Macki. Pre. Punta ka na kay Yuan." seryoso-seryosohan pa tong si Kiefer.

"Okay.. pero. May nakapagsabi naba sayo na.."

"Na ano?"

"Na ano.."

"Ano nga?!"

"Na muka kang bading dyan sa ayos mo. Hahahahahahaha."

"Babawian kita Maggy akala mo lang!"

Sabay takbo ng mabilis. Hahahaha. Ang sarap kayang pagtripan ni Kiefer, pikon kasi. Ang sarap kaya nya pikunin dati pa. Kiefer iyakin, Kiefer lampa! Yan tawag ko sakanya dati. Hahahaha.

"Yuaaaaan! Yoooohooooo!" inuugat nako dito sa labas ng gate nila.

"Oh, Maggy, iha. Come in!" si tita pa pala bumungad sakin.

"Ay. Goodeve po. Si Yuan po?" tiklop talaga kamacho-han ko pag sa mommy ni Yuan. -_-

"He's inside. Kanina pa nga nakasimangot e. LQ kayo no?" LQ DAW?! -_-

"Ay, sabi po ni Kiefer, may lbm daw po sya."

"Hahahaha! What? Parang di naman sya pabalik balik sa cr? Hahahaha loko talaga yung batang yun na si Kiefer. Oh halika na, pasok. May foods dun sa loob. May salad sa ref. Help yourself nalang iha ha? Dami ko pa inaasikasong bisita e." sabay ngiti. Napakabait talaga niya.

"Okay po." nagoyo nanaman ata ni Kiefer pinsan nya. Hahahaha. Maasar nga.

"Hoy singkit."

"Oy. Sup?"

"Musta tyan natin?"

"Ha?"

"Naguusok na ba pwet mo?"

"Anong pinagsasasabi mo?"

"LBM pala ah. Hahahahahahaha! Taena kasi ang timawa mo! Hahahahaha!" di ko talaga mapigilan may matching tadyak tadyak pa yan! Hahahaha.

"Luh? Baliw ka na ba?" takang taka siya eh. Mwahahahaha.

"Nakita ko kasi sila Kiefer. Tas ang sabi nya, may LBM ka daw. Hahahahahaa!"

"Ano?!"

"Yun yung sinabi nyang dahilan kay Cher kung bat di ka sumipot. Hahahaha!"

"Wat da fak?! Gago talaga yon humanda sya sakin!!!"

"Easyyyy. Hahahaha. Nga pala, bat di mo sinipot si Cher? Suko ka na ba?"

"Hindi no. Gusto ko lang maging patas sayo. Di ako susuko."

"Ah. Okay. Tara kain tayo!"

"Makapagyaya ka akala mo naman handa niyo yung kakainin."

"Ulul. Tara na!"

Mmmmm. Napakasarap talaga ng luto ng mama ni Yuan! Dabes! Eh yung luto naman kasi ni Aling Baby parang mantika ang main ingredient. -___-"

------

SABAW! Sorry. Next chapter promise matino na. :)

xx

EnnaP.

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon