CHAPTER TEN

27 0 0
                                    

YUAN'S POV

Fiesta na nga pala bukas dito samin. Magkakalat nanaman ang samu't-saring mga pagkaing bigay ng mga kapitbahay. Magpapalaro nanaman sila Mommy sa mga bata. At syempre, dahil gwapo ako, iimbitahan nanaman akong magescort sa Reyna Elena sa sagala. Uggh nakakaumay!

Magkatext kami ni Macki. Mehehe. Napikon ko nanaman ata! ლ(´ڡ'ლ)

*Flashback*

"Akin na yang bike ko! Huhuhu isusumbong ko kayo *hik* sa daddy ko *hik*" ang iyak ko non kasi kinuha nila Jordan Baluga yung bike ko.

"Iyakin ka pala eh! Bading ka ba? Bading bading bading!" Asar nila Jordan Baluga and his minions sakin.

"Di.. Ako.. Bading.. Huhuhu akin na kasi yan.. Wag kayong bad.. Huhuhuhu!"

"Bading ka kasi iyakin ka! Nyenyenye!" Bumelat pa. Baluga na ang taba taba at namamawis pa. Nanggigitata yung sando niyang pang1 year old ang size kahit ang laki laki nya na may tatak pang Voltes V.

"Hoy Jordan Baluga tigilan mo yan! Gusto mo sapakin kita?!" Sigaw ng batang boses.. babae?

Agad ko nilingon ang pinanggalingan ng boses na yon habang pinupunasan ang sipon-luha tandem ko.

"Oh bakit Macki may magagawa ka ba?!" sigaw ng batang patpating alalay ni Jordan.

"Bibilang ako ng tatlo!" sabi ng batang nasa tantsa ko e kaedad ko lang. Babae nga sya. Hanggang balikat yung buhok, full bangs. Mukang kutuhin. Kayumanggi sya, typical na kulay ng batang kalsada. Nakamaluwag siyang tshirt na may drawing na power rangers. Ang dungis nya.

"Edi bumilang ka!"

"Isa.."

"Dalawa.." Napatigil na ako sa pagiyak.

"Tatlo!" Sabay ambang susugudin nya ang mga batang hooligans. Ang bilis magsitakbuhan!

"Ang.. galing. Pano mo nagawa yon. Bakit sila takot sayo?" Nanginginig kong tanong.

"Hah! Syempre ako pa. Power ranger kaya ako!" Pagmamayabang niya na may kasama pang pamewang ng dalawang kamay.

"S-salamat.. Ano p-pangalan mo?"

"Ako si Macki!" Buong ngiti nitong sabi sakin. Bungal pala siya.

"A-ako si Yuan."

"Hello! Hehehe." minulto ulit ako ng bungal niyang ngipin. "Bago ka lang ba dito na lipat?"

"A-ah.. Hindi.. 3 months na kami dito.. Dyan kami nakatira oh sa may green na gate.."

"Talaga? E dyan lang kami sa talyer sa tapat nung green na gate eh! Bakit di kita nakikita?"

"Ah.. eh.. di kasi ako palalabas. Lumabas lang ako ngayon para bumili ng chichirya.."

"Ay ganun. Tara samahan na kita! Hehehe"

"O-osige.."

Naglakad na kami papunta sa tindahan habang bitbit ko ang bike ko. Nilibre ko sya ng 5 pisong Yahoo. Favorite daw niya yun eh.

"Tenkyu dito ah! Hehehe"

"Thank you din sa kanina.."

"Sa susunod na awayin ka nila.. Tawagin mo lang ako! Patutumbahin ko silang lahat!" Sabay pakita ng "muscle" niya sa braso.

"Hehehe.. Sige!"

"Simula ngayon magkaibigan na tayo ha? Hehehe bespren!" Abot tenga pa ngiti niya. Nasulyapan ko nanaman gums niya.

"S-sige.. Hehe."

*End of flashback*

Oo. Bully-hin ako nung bata ako. Patpatin kasi ako noon. Ang puti kopa kaya muka akong delicate na delicate. Di kasi ako sanay makipaglaro sa mga bata. Di ako lumalabas ng bahay. Puro playstation lang. Puro Crash Bandicot lang.

Pero simula nung naging kaibigan ko si Macki. Natuto akong makipaglaro. Nalaman ko kung ano yung tumbang preso, patintero, luksong baka at kung ano ano pang kadapa-dapang mga laro. Tinuruan niya ako kung pano maging isang normal na bata. Diba dapat lalaki ang nagtatanggol sa babae? E kaso nga lampa ako kaya ganon. T__T

Pinangako pa niya sakin noon na ipagtanggol niya ako kahit kaninong umaapi sakin. KAHIT SINO. Kahit sino daw ay papatumbahin ng maskels niya.

Magkasama naming winelcome ang puberty. Naaalala ko pa..

*Flashback*

"Ayoko Macki.."

"Dali na kasi! Duwag mo naman!"

"Ayoko nga kasi.. Natatakot ako."

"Bilis! Huhubadin mo lang naman short mo tas hihiga ka."

"Eh baka masakit eh!"

"Hindi yan!"

"Ayoko nga." 〒_〒

"Bilis na ikaw nalang SUPOT sa barkada mo!"

*End*

Sinamahan pa niya ako magpatuli nun. Di alam nila Mommy yun kaya nagulantang sila nung umuwi ako e nakapalda na ako at ikaika maglakad. Ang masaklap e sa Operation Tule ako sinamahan ni Macki non. Program ng barangay. Galit na galit sakin si Daddy nun. 〒_〒 May pera naman daw panghospital bakit sa ganun pa. Si Macki kasi ee. Tawa pa siya ng tawa nun. T___T

Si Macki na bata palang kami e kahit bungal nung bata kami e napakaganda..

Kahit gusgusin maganda padin..

Kaso sayang siya.

Maganda din pala ang gusto.

Bakit hindi ko naramdaman dati na ganun pala siya?

Oo boyish sya at puro lalaki ang kalaro..

Pero di naman siya alanganin.

Isang araw bigla nalang sya nagkaganun.

Bigla babae ang nagustuhan niya.

Sayang.

SAYANG TALAGA.

------------------

Sa tingin niyo? Bakit kaya biglang naging lalaki si Macki? '(*∩_∩*)′

ig: @enchongmindee

fb: www.facebook.com/Hiimannemindy

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon