CHAPTER FOUR

40 0 0
                                    

"Mackii! Mackiiii!" Malakas na sigaw ni Yuan habang kinakalabog ang gate nila Macki.

"Oh Yuan, hijo. Tara pasok ka nalang, andun ang bespren mo, nakanganga pa." aya ni Mang Marco habang binubuksan ang gate.

12:30 na ng tanghali, sa oras na iyon ay normal lang na tulog pa si Macki.

"Sige po. Ako napo magsasara ng gate." sabay diretso sa kwarto ng kaibigan.

Pagpasok nya, as expected, makalat sa kwarto. Parang nag-date sa loob nun si Yolanda at Ondoy.

"Hoy baho gising ka na jan! Baka malibing ka dito sa mga damit na nakakalat!!" sigaw nito habang niyuyugyog ang nahihimbing na kaibigan. Di maitatago ang kagandahan nitong taglay. Her long eyelashes nearly touched her cheeks. No, no. This can't be. Erase erase. Sabi nalang nito sa isip niya. Agad nito nakita ang cellphone ng kaibigan. Binuksan niya ito. Biglang nagising ang noo'y nakangangang si Macki.

"Pare di ko sinasabi sakin na hinihingi pala ni Cher number ko! Bakit di mo tinext sakin kagabi?" makulit na tanong nito habang kinikiliti ang paa ng kausap.

"Eh kung sa ayaw ko? Atsaka baka tulog kana non e. Malay ko ba." walang kaemo-emosyon nitong sabi. Halat ang antok at bwisit sa muka nito.

"Wag ganon men. Wag ganon. Kinuha ko na number niya ha? Thanks pare. Labyu." bagamat normal sakanila ang asarang "labyu", may ibang pitik ito sa puso ng isa sakanila.

"Langya ka pare. Taluhan?! Labyu mo muka mo. Dun ka na nga! Tsinelasin kita dyan eh. Layas maglalaba pa ako" Iritableng taboy nito.

"Sungit mo! Meron ka ba, ha?" pang-aasar nito.

"Ulul. Umalis kana."

"Sige baby. Labyu."

"Lul."

"Pakyu."

Keagaga badtrip agad si Macki. Nakalkal pa ng kaibigan niya cellphone niya. Nakasimangot itong tumayo at walang mumog o hilamos e kumain agad ng tanghalian.

"Oh Maggy bakit ang aga aga e nakasimbakol ka?"

"Wala puds. Ang init lang. Kumain kana?"

"Oo kanina pa. May juice dyan sa ref. Bakit di ko manlang pinakain si Yuan?"

"Yaan mo yon. Sapakin ko pa yun eh."

"Nag-away kayo?"

"Di puds." Sabay ligpit ng pinagkainan nya.

"Alis muna ako puds. Dun muna ako sa computeran."

"Sige anak."

I'm in love with you, pare.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon