1

30 2 0
                                    

Sa tuwing may nalulungkot o umiiyak.nalulungkot ako kaya binibigyan ko sila ng yakap.

Hindi ko kase mapigilan ang sarili ko kase sa tuwing malungkot ako walang nag bibigay ng mainit na yakap para gumaan ang kalooban ko.walang yakap o kahit ano.

Sarili ko lang ang meron ako.

Kaya sa tuwing may nakikita akong nasasaktan.umiiyak.o malungkot binibigyan ko sila ng yakap kase alam kong yun din ang kailangan nila.alam ko kung gaano kabigat kasaket ang mararamdaman nila.kaya kailangan nila ng mainit na yakap na magpapagaan ng kalooban nila at magpaparamdam na may nakakaintindi sa kanila

Parang ako lang pala......

Alam mo...sana may nakakaintindi saken at handang magbigay ng mainit na yakap sa tuwing ang malamig na luha ay babagsak nanaman sa aking mga mata.


Tinitigan ko ang batang umiiyak ngayon sa harapan ko.inagawan sya ng candy nung kalaro nya tapos tinulak tulak pa sya.

Parang ako lang pala.....inagawan din ako......inagaw  sakin ang taong mahal ko na parang candy.....

Tumayo ako sa kinauupuan ko.pumunta ako sa tindahan at bumili ako ng sampung candy tyaka ko inabot dun sa bata.tinitigan nya lang ung mga candy na hawak ko kaya iniwan ko nalang un sa harap nya..

Kinabukasan,maaga akong gumising para hindi naman ako malate sa unang araw ng pasukan.nakakaloka naman kung malalate ako.




Nandito na ako ngayon sa tapat ng gate.naka titig lang ako sa kabouhang lawak ng paaralang ito.sa katunayan hindi ko talaga alam kung kakayanin ko pang mag aral dito nang another one year nanaman.pwedeng pwede naman akong lumipat pero napagdisisyunan kong mag stastay ako dito.ayoko namang isipin nilang dahil lang sa iniwan ako ni ano lilipat na ako.tyaka gusto kong ipakita sa kanya na binabaliwala ko nalang sya ngayon,maraming lalake ang naghahabol sakin,mas masaya ako ngayon at hindi ko na sya kailangan.kahit na ang lahat ng yan ay kasinungalingan lang pipilitin kong gawin kase kung hindi ako lang naman ang magmumukang tanga sa huli.

Sinuot ko na ang napaka gandang ngiti na kaya ko tyaka ko dahan dahang nag lakad papasok.



Nandito na ako ngayon sa room kung saan ang lahat ng istodyante ay maayos na maayos ang pagkakaupo may kaunting bulungan pero lahat sila ay maayos na maayos ang dating.ano kayang nanyari?

Nakalipas ang ilang minuto biglang pumasok ang isang babae na tinatawag ng mga mag aaral dito na maam jane nagpakilala siyang advicer namin for this year.sobrang tahimik ng lahat dahil nasa harapan nila ngayon ang kilalang isa sa terror na teacher dito sa campus.aha!kaya naman pala ang tahimik nila.

Inayos na din ni maam ang seating arrangement namen.nakapwesto sa bungad si alvin.richelle.ken.at jana nasa likod ako ni jana naka pwesto at nakaupo naman si vince sa kanan ko habang ang kaliwa ko naman ay ang distansya sa kabila pang helera ng upuan.

Napalingon ako sa kaliwa ko kung saan naka upo si patrick at sa harap niya ay isang bakanteng upuan.Nakakapag taka naman kung bakit walang naka upo sa upuan na to.lalake babae lalake babae ang arrangement namin so ibig sabihin lalake ang uupo sa banteng upuan na to dahil naka upo si haydel sa tabi nito.





Ilang beses akong napamura sa isip ko nang marealize kung sino ung lalakeng biglang pumasok........



Ang ex ko.........

Umupo sya dun sa bakanteng upuan.nakakaloka bigla nalang akong nanahimik shocks namumula ako.so ganon?one year akong hindi makakalingon ng maayos sa blockboard dahil pag lumingon ako makikita ko sya.at one year din kaming magkikita sa apat na sulok ng room na to?kaya ko ba un?kaya ko bang ipakita sa lalakeng to na nakalimot na ko kahit hindi pa talaga?ibig sabihin nasa iisang mundo nalang kame at sa apat na sulok ng room na to hindi maiiwasang talaga namang magkakatagpo kami ng bonggang bongga.

Dinadaldal ko si vince kaya medyo naiiwasan kong mapatingin kay ex.pogi din naman itong si vince eh kaya pwede na din.naisip ko tuloy kung anong maiisip ni ex pag nakita nya kami ni vince na mag kakwentuhan.magseselos kaya sya?siguro hindi sya magseselos kasi wala naman na syang pake sakin eh.......

Hhhmmmmm.......try ko kayang asarin tong si ex.

"Oh anong tinitingin tingin mo jan?"pabiro kong sinabi sa kanya.napatahimik ako sa sinagot nya.

"Hindi kita tinitignan,Sa bintana ako naka tingin"sagot nya naman.napahiya ako ng bongga dun teeee.....ung tipong gusto kong magwala pero diko magawa hays nakakaloka to.gusto ko nalang magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan.p*tangina talaga.....


Dear:journal.

First day of school kanina at kaklase ko si ex.pero ang mahirap pa don napahiya ako sa kanya ng bonggang bongga.kung pwede lang akong magpakakain sa lupa ginawa ko na dahil sa sobrang kahihiyan.sa oras talaga na maka move on ako humanda sya sakin!!!!!!!!!mag hitay kalang marco de guzman!!!!malapit na kitang sapakin....

Napahiya
Sara💔

YakapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon