Nagising ako ng maaga dahil sa cellphone ko na naka tapat pala ngayon sa tenga ko.
Bumangon na ako kaagad para hindi na ako malate.
Naka tayo lang ako ngayon sa shawer nang mapansin ko ang bracelet na nakakabit sa kaliwang kamay ko.
Suot suot nya parin ba ung bracelet?kasi ako oo....naaalala nya parin ba ako o sadyang tinapon at isinawalang bahala nya na talaga ang lahat?
Wala parin kaming ginagawa ngayon.Nag lalaro lang kami ni vince ng S.O.S kaya medyo nagkakatuwaan kami. Pero kahit ganon hindi ko parin maiwasang hindi mapatingin kay marco.
Dapat talaga magmukang naka move on na ako para hindi ako nagmumukang tanga.kase pachill chill lang sya tapos ako naiistress dito no waaayy!!
So ayun nag bayad ako ng 6 pesos dahil tatlong beses akong nailista sa maingay.pano ba naman kase natatawa ako sa bawat tira na nakukuha ni vince.kahit pala kaibigan ako ang incharge sa paglilista wala parin akong takas hay nako....
Tumunog ang bell na hudyat na pwede na kaming magmeryenda.sumabay ako ng lakad kay jerson na president ng room at kaibigan ko din.habang nakikiramdam naman ako kay marco at iba ko pang kaibigan na kasunod lang namin dinaldal ko si jerson pero nagtaka naman ako nang biglang magsalita si marco na ngayon ay katabi kona.
"Sunod ng sunod satin si sara noh!"pabiro nyang sibani habang nakatingin sakin ng mapangasar.syempre hindi ako magpapatalo sa kanya.
"Wow assumero"tugon ko sakanya habang naka taas ang kanang kilay ko.hmm kala nya ba sinusundan ko sya?eh sya nga ang sumusunod eh.
Napa tigil naman kaming mga kaibigan kong mga babae nang makasalubong namin ang isang lalake ang pinsan ng kaklase namin.maganda ang kilay.ilong.at lips nya.ibig sabihin ang ganda ganda ng muka nya.bagay na bagay din sa kanya ang hair cut nya.para syang taga ibang bansa. At tyaka bagay din sa kanya kahit kulay brown ang kulay nya.
Heto kami ngayon at naka tingin sa lalakeng ito.kinikilig na si maria kasi ang pogi nga naman talaga nung lalake na ang pangalan pala ay ken.kahapon pa namin nakikita itong si ken pero syempre ako ang unang nakakita sa kanaya kaya ayan inaasar ako ni maria at binabansagan pa kameng 'SaKen' tssk no comment nalang ako.wala naman akong magagawa dahil aasarin nya parin ako...
Napansin kong napahinto din sila jerson at marco na ngayon ay nakatingin samin.habang si maria ay patuloy parin akong inaasar.kaya sumakay nalang ako at nag pretend na kinikilig kahit na hindi naman talaga.
Uwian na lumabas na ako agad para pumara ng jeep medyo malas ngalang dahil punong puno na ang jeep na nasakyan ko kaya sumiksik nalang ako,
Nandito na ako ngayon sa bahay pumasok nanaman si marco sa isip ko panatingin ulit ako sa bracelet na suot suot ko.pasimple ko ng tinignan kanina ang kanan nyang kamay kung saan kinabit ko ang bracelet na binigay ko sa kinya date pero wala na ung bracelet.
Gumagawa ako noon ng bracelet gandang ganda ang mga kaklase ko sa bracelet na to at gusto nila itong hingiin pero hindi ko binigay.ibibigay ko to kay marco.para kay marco to.tanda ito ng pangako nya.simula nung araw na yun hindi na namin hinuhubad ang bracelet.
Tapos isang araw napansin kong nawawala ung bracelet.nagtampo ako kase pinaghirapan ko ang bracelet na iyon tapos mawawala sa kanya.pakiramdam ko hindi nya pinahalagahan yung bracelet kase hindi nya manlang napansin na nawawala pala.kaya dali dali nyang hinanap hindi rin sya huminto kahit na sabihin kong ok lang o kahit sabihin kong pabayaan na nya na ok lang sakin na nawala nya.pero ngayon wala syang pakelam kung ok lang ba o hindi sakin.sabagay wala na nga pala syang pake kinalimutan nya nalang ang lahat at ngayon kumikilos kami na parang wala lang ang nakaraan.
Hinawakan ko ang bracelet at dahan dahan itong hinubad mula sa pagkakasuot sa aking kamay.nagmumuka lang akong talaga kung susuotin ko parin to.mas lalo lang akong masasaktan sa tuwing marerealize na hindi nya na suot suot tapos ako hindi ko pa hinuhubad parang pinamumuka ko lang sa sarili ko na ako nalang ang kumakapit sa pangakong matagal na nyang binitawan.
Nilagay ko nalang ung baracelet sa pocket ng bag ko hindi naman siguro mawawala to dito.
Humiga na ako at tyaka ko ipinikit ang aking mga mata......