4

8 0 0
                                    


Friday na ngayon.maaga akong pimasok kanina hindi pa nga ako naligo para lang hindi na ako malate tapos pag dating ko sa room walang tao ako palang ang tao.nakakaloka talaga.

Biglang pumasok si adrian dumiretyo sya sa upuan nya tyaka umupo.

"Uy ang galing kong kumanta kahapon noh?"panimula ko.

"Oo halata namang pinapatamaan mo si marco eh"sagot nya naman.

Kasalukuyan kong kinakanta yung kinanta ko kahapon with acting acting pa pero napatigil kami ni adrian lalo na ako ng biglang dumating si marco.

Nalunok ko tuloy yung susunod na lyricks.

Kinuha ko nalang yung beng-beng ko sa bag.inalok ko si adrian pero ayaw nya.tahimik lang si marco kaya inalok kona din nakakahiya naman kung si adrian lang ang aalukin ko.pagkatapos ko syang alukin ng beng beng umiling lang sya kaya lumabas nalang ako ng room

At doon na nga nag simula ang mag hapon namin.

Ang hirap pala talagang maka sama sa iisang kwarto ang ex.nakakaloka ng bonggang bongga.

Alam kong may pag ibig kapa para sakin marco wag mo nang itago pa.






Maaga akong lumabas ng room pero hindi pa ako umuwi.nandito ako ngayon sa likod ng school dito sa may puno.kahit pa umuulan sinikap ko paring pumunta dito buti nangalang at may dala dala akong payong.


Last day of school non pero pumasok parin kami kahit na wala na talaga kaming gagawin dito sa school.lakad lang kami ng lakad ni marco hanggang sa makarating kami dito saktong may dala dala akong pentel pen kaya sinulat ko ung pangalan namin pero ngayon hindi kona makita yung sinulat ko.nawala na yung sinulat ko kasabay ng pagkawala nya.

Pansamantala akong napapikit ng maalala ko ang mga alaala na meron kami.nakakainis bakit ba kung sino pa ang totoong nagmamahal sya pa ang iniiwan?hindi ba pwedeng magkatuluyan ang dalawang taong siryoso para sa huli walang mangiiwan at masasaktan?


Tumayo na ako at dahan dahang naglakad.sana ganon nalang kadaling kalimutan ang isang bagay na halos pumapatay saakin araw araw.

Naglalakad ako pauwi kayang kaya ko namang lakadin kaya nilakad ko nalang kahit na umuulan pa.

Muntikan pa akong madapa dahil sa busina ng jeep na ang bilis bilis ng paandar.wala naman akong magawa kundi sundan nalang ng tingin yung jeep buti nalng hindi ako nadapa dahil baka magkaputik pa itong  uniform ko.

Napa tingin naman ako sa kabilang kanto.shocks sya ba un?teka nga.....oo sya nga!!teka bakit sya naglalakad pwede naman syang mamasahe tyaka nakita ko pa syang nag hihintay ng tricycle kanina ah.

Tssk bakit ba iniisip ko parin sya?aba pasalamat sya hindi pa talaga ako nakakamove on pag ako naka  move on.hays


"Uy ano ba?ang layo layo ng bagay mo bakit ba ihahatid mopa ako?mapapagod kapa kakalakad niyan."pagsusunget ko sa kanya dahil sa kakulitan na ihahatid nya daw ako.
"Hanggat nandito ako ihahatid at ihahatid kita."tugon nya naman.napa tahimik nalang ako.
Binibilisan ko pa nga ang lakad ko pero naaabutan niya parin ako.hanggang sa tumatakbo na kame. Pero wala namang nangyari kundi napagod lang kame dahil hindi ko naman siya matakasan.
Kahit na hindi pogi o kung ano pa mang katulad ng ibang lalake nakakaakit parin siya para saakin dahil napaka buti ng puso ng allaking ito.siguro nga hindi talaga siya katulad ng iba kaya siguro minahal at nagpapaka tanga ako hanggang ngayon sa kaniya.para siyang droga na hindi napapansin ng iba pero sa oras na makilala mo siya lubos na nakakaadik siya.

Aaminin kong medyo malayo naman talaga itong kalsada pauwi.pero mas pinipili kong mag lakad dahil sa gusto ko talagang mapag isa .at ngayon ako nalang mag isa.oo parehas nga kameng naglalakad ngayon pauwi pero nasa kabilang kanto naman sya.batid kong hindi niya alam na nandito ako o kaya naman ay kung alam nya wala naman siyang pakialam.


Bawat hakbang ng aking mga paa ay isa isang pumapasok ang mga alaala namin sa aking isipan na masnagpapabigat ng aking pakiramdam.hindi kona napigilan ang aking sarili at dahan dahang bumaba ang mga luhang tanging siya lamang ang makakapag patahan.

YakapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon