5

10 0 0
                                    

     Monday nanaman ngayon at nandito nanaman ako sa upuan kung saan abot na abot ko siya kung gugustuhin ko pero hindi ko parin magawa dahil kahit nandito lang siya sa harapan ko masasabi kong malayo at ang hirap na nyang abutin pa.

"Ok.may malilipat sa section naten dahil sa sobrang ingay ninyo hindi ko kakayanin iyon kaya naman mag isip na kayo kung sino ang lilipat at para makapag volunteer na kayo."diretang wika ni maam.nagulat at kinabahan naman kaming lahat.

Hala pano na to!baka malipat ako ayokong mahiwalay kay marco!

Hindi naman ganon kababa ang grades ko pero kinakabahan parin ako!shocks kahit na malipat lang ako ng upuan basta hindi lang ako malayo kay marco...wag naman sana.

"Bibigyan ko kayo ng ilang araw para sulitin na kasama ninyo ang section na ito."wika pa ni maam.

"Sana bukas na bukas ay makapag disisyon na kayo"sabi pa ni maam sabay upo sa likod.



Maghapong mabigat ang loob ko.gumugulo sa aking isipan na baka malipat ako ng section.ayoko talaga.





Nang medyo mahimas masan na ako.tumayo ako para magsuot ng head band.

Kasayukuyan ko pang sinusuklay ang buhok ko nang mapalingon naman ako sa kanan ko.

Oohhh!tssk naka tingin siya.

Dahan dahan naman siyang tumayo papunta din dito sa salamin.habang ako naman tumingin ulit sa salamin kunware nagsusuklay ulit.nararamdama kong nanjan lang siya sa likod kaya bahagya akong tumagilid para makita siya.parehas na kami ngayong naka harap sa salamin.

"Uy.naaalala mo nung sinusuutan kita nang headband tapos nililipstikan pa kita?tapos sabi ko sayo nun dapat mag magingkamuka mo  si hellokitty?haha ang cute mo dun."panimula ko kasi nauna naman na siyang ngumiti eh,tumango nalang niya sabay ngiti.sinuot kona ung headband tyaka ko siya iniwan dun sa tapat ng salamin.

Kung malilipat man ang isa sa amin gusto kong meron parin kaming huling paguusap dahil alam ko namang magiging madalang un.


Dear:journal

     Sana hindi ako malipat ng section dahil minahal kona agad ang section na ito at tinanggap kona din na ganto na talaga ang sitwasyon namin kaya plss wag naman sana.environment kona to this year eh nakapag adjust na din ako ng onte kaya pls wag naman sana!!!

Nagmamakaawa
Sara.





After 1week

Kompleto na ang mga nagvolunteers  na lilipat na ngayon sa ibat ibang sections.wala  kaming ginawa kanina kundi magpakiramdaman kung sino sino ang tatayo pero di naman nagtagal may mga bumigay din.kala ko nga tatayo si marco eh pero buti nalang hindi.

Tumayo na kaming lahat para ayusin ang arrangement ng upuan namin.pinoproblema ko na ngayon kung mahihiwalay ba ako ng upuan kay marco.

Inisa isa muna ni maam ang mga lalake na naka one sit apart ngayon.Mga nagtitinginan nalang kami nang marealize na sinimulan ni maam ang mga surname ng mga babae mula sa Z-A kaya naman kinabahan na talaga ako ng bongga.

Nandito na ako ngayon sa likod nakaupo.masikip.malayo sa tv.walang bintilador.malayo din sa black board.at higit sa lahat malayo kay marco.hala ano nang gagawin ko ang layo kona sa kanya.

Ung felling ng gusto kong tumayo at palayasin ung naka upo ngayon sa dati kong upuan sa harap.buti pa nga itong si marco eh dun parin siya naka upo sa dati niyang upuan.eh ako?nandito sa upuan sa likod kung saan wala na ngang hangin na pimapasok wala pang space!!kainis talaga...

Bakit ba nangyayari sakin to?!gusto ko nang magwalaaa!!!tssk napapahampas nalamg ako sa arm chair ko eh..

Grrr...

YakapTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon