4

773 57 26
                                    

Prince pov.

Ilang araw ko ng iniiwasan si Yesha.

Nasasaktan kasi ako pag nakikita kong masaya sya sa piling ng ibang lalaki.

Pero,ilang araw lang naman,hindi ko pa rin sya matitiis. Lalo na't malapit na ang 18th birthday nya.

Iniisip ko,ano kayang magandang eregalo sa taong nasa kanya na ang lahat?

"Prince,anak. May bisita ka"base sa ngiti ni mommy,alam ko na kung sino.

Gusto nila mommy si Yesha para sa akin.

Minsan ko nang narinig sa mga magulang namin na pinag-uusapan na ipagkasundo nalang kami.

Pero parang imposible na.

"Prince?''rinig kong tawag sa akin ni Yesha.

"Sige mga anak maiwan ko na kayo. Magpapa akyat nalang ako ng makakain"sabi ni mommy.

"Salamat tita"

Nang maakalis si mommy,saka lang sya nagsimulang magsalita.

"Uy"kalabit nya sa akin.

"Oh?"

"Galit ka?"tanong nya.

"Hindi"nagseselos lang.

"Bakit hindi mo ako pinapansin? Iniiwasan mo pa ako"

"Marami lang akong ginagawa ngayon,kaya hindi ko nagagawang sumama sayo"tsaka busy ka na,masaya ka na. Gugulo pa ba ako?

"Marami. Yong sa canteen nga eh,tinutulungan na nga kita,tinabig mo pa kamay ko"nguso nya sa akin.

"Yung sa canteen nga pala Yesha,dapat hindi mo na inaway yong babae. Napahamak ka tuloy"napagalitan kasi sya nila tita. At ang sabi ni mommy hindi daw sya pinalabas ng weekend. Ngayon lang.

"Kasalanan nya yon noh. Tsaka para na rin malaman nya na mali ang mga ginagawa nya. Hindi porke maganda sya,may karapatan na syang manglait"

"Yesha,hindi mo na dapat pang pinatulan ang mga ganoong tao. May karma naman sila"

"Teka sino bang bestfriend mo? Ako ba o sya?"yan ganyan sya pag galit na. Pinapapili na nya ako.

Iniba ko na ang topic namin. Kasi pag tumagal pa ito,mag aaway lang kami.

"Ano nga palang plano mo sa birthday mo?''

Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon