Prince pov.
Tambak ang trabaho ko,pero hindi ako makapa-concentrate.
Paano ba naman kasi,nasa isip ko pa rin yong sinabi ko kay Yesha.
Alam ko nabigla ko sya. Hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko. Kinain na ng selos ang sistema ko kaya ko nagawa yon.
Hindi naman totoong kumakatok ako nang oras na yon.
Ang totoo dapat ang secretary ko ang magdadala ng papeles na yon sa kanya,kaya lang minabuti kong ako nalang,para makita na rin sya.
Tanda ko pa noong araw na yon ang ganda pa ng ngiti ko,kasi masosolo ko ang oras nya. Balak ko kasing magtagal sa opisina nya.
Sisimulan ko sanang magdrama na. Ang sabi kasi ni Sabrina simulan ko na daw,kunin ang simpatya nya. Magdrama daw ako na nanglalamig na ang relasyon namin.
Pero hindi ko nagawa yon.
Nang papunta na ako,narinig ko ang mga empleyadong nag-uusap. Ang sabi nila,nandoon nanaman daw yong gwapong bagong business partner namin. Hindi ko na sana papansinin,kaya lang binanggit ng isa ang pangalan.
Julian.
Kaya nagtanong ako sa kanila kung saan tumuloy ang bisita. Ang sagot nung isa,nasa opisina daw ng girlfriend. Tapos lagi naman daw nagkukulong ang dalawa sa opisina.
Kaya wala na akong inaksayang sandali,dali-dali akong pumunta sa opisina ni Yesha.
Nakahinga ako ng maluwag nang hindi lang pala silang dalawa ang nasa loob. Naroon rin pala ang secretary ni Yesha.
Pero bigla ring sumikip ang dibdib ko nang halikan ni Julian si Yesha. Kahit pa sabihin sa pisngi lang yon,nanggalaiti parin ako.
Walang ibang pwedeng humalik kay Yesha,kundi ako lang.
Tanging ako lang.
AKO LANG.
Natigil ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina ko.
Naka busangot na pumasok si Sabrina.
Ano nanaman kaya ang problema ng babaeng to?
"Bweset,,,,bweset talaga"galit na sabi nya.
"Kung puro bweset lang ang lalabas dyan sa bibig mo,umuwi kana o pumunta ka sa bundok. Doon ka magtatalak"baliwalang sabi ko sa kanya.
"Hoy Prince,huwag mo akong maganyan-ganayan. Dahil kung hindi dahil sayo,hindi ako napipikong ngayon"ako? Bakit?
"Nanahimik ako dito Sab. Huwag mo akong idawit dyan"sagot ko sa kanya.
"Yon na nga nanahimik ka lang dyan ako lang yong nagtatrabaho"
Tinaasan ko sya ng kilay.
Pina-ikotan naman nya ako ng mata.
"Haler? Para sabihin ko po sa inyo,sinimulan ko na ang ''oplan akitin si Julian". At yon ang dahilan kung bakit ako nababadtrip ngayon"gigil na sabi nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/149771851-288-k410409.jpg)
BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Bestfriend
Kısa HikayeMayward story Tags Ranking. #53 in mayward as of June,6,2018 #61 in mayward as of May,30.2018