12

886 66 58
                                    

Prince pov.

Kanina pa ako gising. O mas tamang sabihing hindi ako nakatulog.

Buong magdamag kong tinitignan si Yesha.

Alam kong mali ang ginawa ko. Pero yon na lang ang huling paraang naisip ko,huwag lang nyang bigyan ng pag-asa si Julian.

Tama pag-asa. Narinig ko kasi yong usapan nila ni Jenny.

Hindi naman lahat narinig ko. Ang tanging malinaw lang na narinig ko ay yong bibigyan na nya ulit ng pag-asa si Julian.

Napagtanto ko na baka hindi naman sila. Kasi kung sila,bakit ganon ang sinabi nya di ba?.

Laking tuwa ko nang maisip kong wala naman pala silang relasyon. At hindi ko papayagan na humantong ulit na maging sila.

At kagabi nga,naisip ko nang isakatuparan ang plano ko.

Wala eh,kahit alam kong wala silang relasyon ni Julian. Mas nanaisin ko na yong ganito. Para wala na syang kawala.

Naramdaman kong gumalaw si Yesha. Tanda na magigising na sya.

"Aww shit" paupo sana sya nang biglang napabalik ng higa.

"Yesha ok ka lang?" Tanong ko.

Sinamaan nya ako ng tingin.

"Nagtanong ka pa. Anong ginawa mo sa akin?" Nanlilisik na matang tanong nya sa akin.

"Pawarin mo sana ako Yesha. Ginawa ko lang yon dahil desperado na ako"

"Desperado? Saan? Desperado ka ng pagtripan ako?"

"No. Yesha. Mahal kita alam mo yan. At hindi kita pinatitripan lang"

"Hindi? Kaya pala matapos ang palabas nyo ni Sabrina noong isang araw basta ka na lamang hindi nagpakita?"

"Look Yesha. Hindi ako nakikipag kita sayo dahil kinukumbinse ko mga magulang mo. Pero hindi dahil pinagtitripan ka"

"Ano tingin mo sa ginawa mo ngayon ha? At anong pinag sasabi mo sa mga magulang ko?"

"Kina-usap ko sila na gagawin ko to"

"What? At pumayag sila?"

"Nong una hindi. Galit na galit ang tatay mo sa akin mali daw kasi gagawin ko. Pero pinaliwanag ko sa kanila na kapag hindi ko ginawa ito baka tuluyan ka ng mawala sa akin. At ikamamatay ko yon Yesha. Mamatay ako pag nawala ka ulit sa akin" madamdaming sagot ko sa kanya.

Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon