6

767 64 28
                                    

Yesha pov.

Parang may laging kulang sa buhay ko,mula ng iwanan ako ni Prince.

Ilang taon na rin ang lumipas pero hindi pa rin ako sanay na wala sya sa tabi ko.

Ang sabi ni mommy nangungumusta naman daw si Prince sa kanila,pero pag babanggitin na daw ni mommy pangalan ko,nagmamadali na daw sya lagi.

Ang sakit lang,kasi kahit di nya sabihin alam kong iniiwasan nya talagang may malaman tungkol sa akin.

Maraming beses kong sinubukan na tawagan sya,pero laging operator ang sumasagot sa akin.

Namimiss ko na sya.

Namimiss ko na ang bestfriend ko na minamahal ko.

"Yesha,hindi laruan ang pagkain"sita sa akin ni dad.

Muntik ko nang makalimutan nasa harapan nga pala kami ng pagkain.

"Pasensya na po dad"

"Yesha,anak matagal ko nang napapansin na parang lagi kang wala sa sarili mo. May problema ba? "Tanong ni daddy sa akin.

"Wala po,iniisip ko lang po ang pagpasok ko sa companya. Baka po kasi hindi ko magampanan ng tama ang pagiging amo nila"sagot ko. Sa kanya.

Pero may katotohanan din naman kasi yon.

Ngayon ang araw na ipapakilala ako ni Daddy,bilang bagong CEO.

Ang totoo dapat dalawa kami ni Prince,kaya lang hindi pa naman daw sya uuwi. Kaya pansamantala solo ko muna.

"Kaya mo yan anak. Mana ka sa akin eh"sabi ni Daddy.

Bigla namang nagreact si mommy.

"Naku Juanito,pag tungkol sa papuri sayo nagmana"naka-nguso pa sya sa lagay na yan.

At ito namang tatay ko,nilapitan sya at inamo.

Pabebe pa si mommy,bibigay naman,tsk.

"Mom,Dad ang sagwa"pang aasar ko sa kanila.

Sinamaan lang ako ng tingin ni mommy. Samantalang si daddy natawa lang.

"Uy Yesha. Tigil-tigilan mo ako. Baka kapag ikaw ang nagka-asawa mas malala ka pa sa amin ng ama mo"biglang nawala ang ngiti ko.

Kung alam mo lang mommy.

Iniba ko na agad ang usapan namin,baka humaba pa.

At mapaamin pa nila ako.

Knowing mommy,hindi ako titigilan neto.

Noon pa man,gusto na nila si Prince sa akin.

Pinagkakasundo nga kami nila tita,kaya lang mukhang hindi na mangyayari pa.

Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon