10

765 71 57
                                    

Yesha  pov.

Wala ne isa samen ang nagsasalita.

Nagpapakiramdaman kaming dalawa.

Ano nga bang sasabihin ko?

Ang totoo nabigla ako sa mga narining ko. Hindi sukat akalain na mahal pa rin nya pala ako.

"Yesha--"

"Prince--"

Sabayan pa naming bigkas.

Muling katahimikan nanaman ang namayani sa amin.

"Uso magsalita" biglang sabi ni Sabrina.

Nandito pa pala sya?

Akala ko,umalis na to?

"Sabrina" asik ni Prince.

Inikutan lang sya ng mata ni Sabrina.

"Common Prince,ano ba? Hanggang ngayon napaka-torpe mo parin. Nandito na nga oh. Alam na nya,aamin ka na lang. At ikaw naman Yesha,huwag mong sasabihing hindi mo rin mahal si Prince? Ako ang nababaliw sa inyo." Sabay walk out.

Pero narinig namin ang pag-click ng pintuan.

Nagkatinginan kami ni Prince.

Dali-daling tinakbo ang pinto.

"Sab,buksan mo nga tong pintuan" sigaw ni Prince.

"Sab,may meeting kami. At isang oras na lang yon,mag uumpisa na" paki-usap ko.

Totoo yon. May meeting ako ngayon para sa bagong project namin. At malaking tao ang kikitain ko,namin ni Prince. Kaya nga ako pumunta dito para sabihin na may meeting kaming dalawa,pero hindi ko inaasahan na ganon ang madadatnan ko.

Umpisa palang nakita na ako ni Sab. Senenyasan lang nya ako na manahimik. Kaya hindi ako nagsalita.

Nagulat nalang ako nang mag umpisa syang magtanong kay Prince. Aangal na nga sana ako nang pandilatan nya ako. Kaya ayon nanahimik nalang at nakinig.

"Hayy,,bahala kayong dalawa. Hindi kayo lalabas dyan hanggat hindi kayo nagkaka ayos" sagot ni Sab.

"Pero Sab,isang oras nalang yon,magsisimula na" sabi ko naman.

"Problema ba yon? Di bilisan nyong mag-usap dalawa. Orasan ko kayo. Lahat ng empleyadong nandito sa building na ito,papalabasin ko. Nang wala kayong mahingan ng tulong. Huwag kayong mag alala,sinisigurado kong babalik ako. Pero. Pero ha? Pag hindi pa rin kayo nagkaka ayos,goodbye new project na kayo"mahabang litanya nya. Shit. Mukhang hindi nagbibiro itong babaeng ito.

Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon