Yesha pov.
Akala ko ok na kami ni Prince.
Nakapag-usap na kasi kami.
Pero nang matapos ang 18th birthday ko,lalo kong naramdaman ang paglayo nya.
May nagawa ba akong mali?
Hindi ko kasi sya maintindihan.
Papunta akong locker ngayon.
May inaabangan kasi ako,ang sulat galing sa isang secret admirer.
Ilang araw na rin kasing hindi nagparamdaman yon,parang si Prince.
Noon araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak,teddy bear,chocolate at love letter.
Aaminin ko,lagi akong excited pumasok dahil don.
Iniisip ko kung kanino ba galing yon.
Minsan nga nagpasama pa ako kay Prince. Inabangan namin kung sino maglalagay,pero hindi namin nakita.
Walang dumating.
Walang pumunta.
Nang makarating ako sa may locker,nadismaya ako.
Wala nanaman syang nilagay.
Bakit kaya?
Siguro alam na nyang hindi na ako single.
Matapos kasi nang kaarawan ko,agad na kumalat dito sa school na may boyfriend na ako.
"Hon,nandito ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap"sabay yakap at halik sa pisngi ko.
"May nilagay lang ako hon,papunta na rin ako sa room namin"
"Ganoon ba? Halika na,hatid na muna kita sa room mo,bago ako papasok sa room namin"sabi nya.
Isa ito sa nagustuhan ko kay Julian,masyado syang caring,mabait at sweet.
Pero iba parin ang gusto sa mahal.
Di bale,darating din kami don.
Pagkahatid nya sa akin sa room,umalis na rin sya agad. Late na rin kasi sya.
Nakita kong naka-upo sa may dulo si Prince,kaya nilapitan ko ito.
"Oy,best ba't dito ka naupo? Di ba sa harap tayo?''tanong ko sa kanya.
Sa harapn kasi talaga pwesto namin.
Tiningnan nya lang ako.
"Uy Prince. Galit ka nanaman ba?''
"Hindi"sagot nya.
"Hindi? Yan din ang sinabi mo sa akin nung bago ako mag birthday. Pero pagkatapos non umiwas ka nanaman sa akin"hinanakit ko sa kanya.
Hindi sya sumagot.
Tumayo sya at lumabas.
Nagulat ako,kasi ngayon lang nangyari na kung kailan malapit na ang prof namin,saka sya umalis.
Kaya sinundan ko sya.
Hindi na rin ako pumasok sa subject na yon.
Nang maabutan ko sya.

BINABASA MO ANG
Im Inlove With My Bestfriend
Cerita PendekMayward story Tags Ranking. #53 in mayward as of June,6,2018 #61 in mayward as of May,30.2018