Sabrina♥Julian

1K 52 17
                                    

Sabrina pov.

Masaya ang lahat. Ngayon kasi ang araw ng pag-iisang dibdib nila Prince at Yesha.

Masaya ako para kay Prince. Sa wakas nagkaroon na rin sya ng bayag para ipaglaban ang pagmamahal nya para kay Yesha.

Saksi ako noon sa mga lungkot nya at paghihirap. Sinusubukan nya kasing kalimutan ang babaeng minahal nya. Mula ng matuto syang magmahal hanggang ngayon.

Nang matapos ang seremonyas ng kasal. Isa-isa nang nagsisilabas ang mga tao.

Sa aking paglalakad nakita ko ang lalaking ilang araw nang gumugulo sa isipan ko.

Si Julian.

Muli ko nanaman naalala ang nangyari sa amin.

Tama may nangyari sa amin. Nangyari yon noong nasa bar ako. Hindi naman sinasadya na iisang bar ang pupuntahan namin. Nong time na yon kasi nalaman ko rin na ikakasal na sila Prince at Yesha.

Kaya siguro nandoon tong lalaking to.

Nung una tinitingnan ko lang sya. Napagtanto kong gwapo sya. Sabagay gwapo naman talaga sya. Naisip ko nga ang swerte ni Yesha dahil minahal sya ng isang Julian.

Nang mga oras na yon. Habang tinititigan ko sya,may nararamdaman akong kakaiba.

Na noon ko lang naramdaman sa isang lalaki.

Habang lumalalim ang gabi no. Padami na ng padami ang naiinom nya. Lasing na lasing na sya.

Kaya ipinasya ko nalang na lapitan sya.

Napagkamalan nya siguro akong si Yesha,dahil sinasabi nya noon na sya nalang daw piliin ko. Bago nya ako hinalikan. Nabigla ako kaya naitulak ko sya.

Kaya lang naawa ako kung iiwanan ko sya doon. Napagpasyahan ko nalang na ihatid ko sya sa bahay nya.

Pag dating namin sa bahay nya doon,muli nanaman nya akong sinunggaban ng halik. Sa pagkakataong yon. Hindi ko na rin sya pinigilan. Gusto ko rin naman. Kaya nangyari ang di dapat nangyari.

Kina-umagahan,kasabay ng pag gising ko. Ang pagbalik ng katinuan sa utak ko. Kaya dali-dali akong umalis,para di nya ako makita.

Natigil ako sa pagbabalik tanaw ng tamaan ako ng isang bagay.

At nang makita ko ito,nanlaki ang mata ko.

Anaknang titing. Sa akin lang naman tumama ang bulaklak na inihagis ni Yesha.

"Nice one Sab. Kaw na kasunod" pang aalaska sa akin ni Prince.

Sinamaan ko lang sya ng tingin. Wala pa naman sa plano ko ang magpakasal.

Bakit pa? Wala naman na akong maipagmamalaki sa mapapangasawa ko. Naibigay ko na sa taong,tingin ko may puwang na sa puso ko.

"Tsk. Mga girl's sinong may gusto neto?" Tukoy ko sa bulaklak.

"Baliw ka talaga Sab. Kahit na gusto ko yan,hindi pwede noh. Tanggapin mo na kasi" sabi sa akin ng kaibigan ni Yesha. Jenny ata to?

Pina-ikotan ko lang sya ng mata. Ngunit sa pag ikot neto,nasilayan kong muli si Julian na matiim ng nakatingin sa akin.

Shocks ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Para saan?

Pwedeng baka naalala nya ang nangyari sa amin at alam nyang ako yon. O sadyang ganito talaga ako,mula ng makilala ko sya.

Im Inlove With My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon