TB10

126 6 0
                                    




" basta talaga gusto kahit ano pa ang lagay may paraan ano?" Natatawa kong tanong kay Al habang nakaupo kami pareho sa likod ng kanyang pick up.

" Syempre! nakakabagot na din sa bahay eh. hindi pa ako sanay sa transition ng buhay ko." he said saka ibinigay sa akin ang isang bote ng beer na kanyang inilabas sa maliit na cooler na nasa likod namin.

" Sabagay, ganyan din naman ako. pero kasi yung akin, Kahit hindi pa ako sanay, kailangan ko na masanay since day One ng pag labas ng issue ko. hindi ko naman kasi akalain na may isang tulad mo na mag aaksaya ng panahon para sagipin ako sa putikan." Natatawa kong sabi saka nakipag cheers sa kanya. sabay kaming napainom sa kanya kanyang bote namin saka tumingin lang sa mga nag dadaanang sasakyan.

tamang chillax kasama siya.

" Paano kaya kung wala tayong mga issues sa buhay? magkakaroon kaya tayo ng Chance na magkasama ng ganito?" Tanong ni Al na nakapag palingon sa akin. nanatili siyang nakamasid sa di kalayuan at panaka nakang umiinom sa beer niya.

oo nga naman, if walang issue may ganito kaya?

Me and Al ... Together?

Me being with him?

Me having so close to him?

Me experiencing his God damn sweetness?

Me and this Feelings na parang isang multong nag travel from the past?

hay buhay.... isang tanong lang niya, Ilang milyong tanong ang katumbas sa akin.

Fuck this mind...

" You okay? half bottle palang natamaan ka na ata." Natatawang sabi niya as he looked at me.

Damn it.

" Hindi pa naman. iniisip ko lang yung tamang sagot sa tanong mo." After i said those words, agad akong napatungga.

whew! kailangan ko ng pampalakas ng loob.

" So what's your answer?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. napatingin naman ako sa basang lips niya.

Holy guacamole! he's fucking hot!

" Earth to Ayie?" he said as he snapped infront of me. Bahagya naman akong na napatingin sa iba saka kunwaring nag kamot ng ulo. i can hear his little laughters rason para mahiya ako ng kaunti.

Stupid Me!.

" Well, maybe hindi tayo ganito. maybe busy pa din tayo sa kanya kanyang buhay natin." Agad kong sagot ng hindi tumitingin sa kanya. andoon ang pagkailang ko sa kanya at this moment.

I heard him sighed rason para mapatingin ako sa kanya. he was looking somewhere. seryoso at tila nag iisip.

His usual Looks na dati'y pinag mamasdan ko lang sa di kalayuan.

Now i get to see him closely.

his perfect angle.

his smooth skin.

Ang lapit at mas kita ko.

" bakit nga ba tayo hindi na nagkausap." Biglang tanong niya sa akin, rason ng panlalaki ng mga mata ko sa gulat.

Wtf? of all the questions bakit yan pa.

" Pagkakaalam ko nag kakausap naman tayo dati diba? tapos biglang natigil..." there is so much curiosity in his voice. saka muling tumingin sa mga sasakyan.

" Kasi naging busy tayo?" I simply said.

then he sighed again. " Oo nga pala. busy tayo sa kanya kanyang sports natin." as he said those words, bakit parang andoon ang Sadness..

pero Bakit? may dapat ba siyang ikalungkot?

" Pero alam mo Ayie, you're one of the nicest person na nakilala ko sa Paragon." he simply said then smiled at me ng makalingon siya sa akin.

my heart's not in the usual state.

parang lalabas at sasabog.

but then...

It felt so Good!.

so Good na parang hindi ko gugustuhin na tumigil.

" Thank you." wala sa sarili kong sabi sa kanya.

Ano daw? thank you! kaloka!!

singhal ng natatawa kong utak sa sarili ko. what can i do, parang hindi ko pa madigest sa sarili ko ang mga words ni Al.

" Totoo yun. walang halong pambobola. I still remember kung paano mo ako iligtas noon sa mga ilang pasaway moments ko." natatawa niyang sabi saka mas humarap sa akin.

Oh lord, yung side view sobrang thankful ko na, Pinaharap niyo pa lalo! advance Merry Christmas, Happy New year at kung ano pa'ng events na po ba ito? or baka mamatay na ako soonest, kaya nabibigyan niyo ako ng blessings.

" Thank you Ayie for those things. I owe you big time kaya naman ngayon Ako naman ang tutulong sayo." Then he smiled at me.

napangiti nalang din ako ng bahagya sa kanya.  he was Thankful sa pang sasagip ko sa kanya noon, which is ginawa ko ng buong puso. And now he's giving back the favor.

pambayad sa utang na loob niya.

Teka bakit medyo masakit?

natamaan ata ang Ego ko?

geez! I felt stupid.

Okay, sadyang Tanga lang. medyo nag expect lang naman ako ng very very slight na kaya niya ako tinutulungan dahil may iba pa'ng rason gaya ng He likes me in some way.

pero wala eh, Gumuho na mga Meng'! badtrip. bakit pa kasi napunta kami sa topic na ito. Okay na sana, kaso  sinapak na naman ako ni Pareng Reality.

" Uhm Ayie.." Al said.

" I guess tara na Al, medyo malayo din tayo sa atin. and medyo pagod na ako." I said saka nauna ng bumaba sa sasakyan. Napatango nalang siya saka dahan dahan na bumaba sa tulong ko. Siya na ang kumuha ng kanyang saklay saka inayos na namin ang ilang gamit na nagamit namin.

As soon as maging okay na ang lahat, Tinulungan ko na siyang pumunta sa driver's seat. without looking at him, agad na akong umikot para mag tungo sa passenger seat.

before i open the door, napatingala muna ako saglit sabay sabi sa sarili ko ng mga salitang:

He's still the same....



Sandaedate88

The BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon