Unexpected happiness..." Oy, ingatan mo si Ayie. Iuwi mo sa bahay mo yan." natatawang sabi ni Allan. habang nakatanghod sa kanyang kotse. agad ko siyang pinandilatan ng mga mata kaya't agad siyang bumanat ng " Este, sa bahay pala niya. me and my stupid mouth talaga." then he tapped his mouth habang natatawa pa din.
napatawa nalang si Alvin sa kanya habang ako naman ay napapailing nalang.
tamang pahaging na naman si bakla...
Asa naman na iuwi ako ng isang to'
Hmp!....
" Don't worry, I'll make sure she'll go home safe. ihahatid ko siya mismo sa pinto ng condo niya just to make sure na nakauwi talaga siya ng maayos." nakangiting sabi ni Al.
Hayst. siguraduhin mo lang yan Al. Umaasa na ako ngayon pa lang.
" Sure yan papa Al ha. oh, sige na. gora na ang beauty kong pagod. Salamat sa pa- live show kanina. mas bumongga ang kita ng shop ko. Sa susunod ulit ha, and kung pwede paki dalas dalasan ang ganung eksena. para maging masaya si Ayie, este ako at ang mga fans." mapang asar na sabi ni Allan kaya naman napisil ko ang kanyang cheeks rason para mapahiyaw siya sa sakit. natatawa nalang si Al sa amin ng pinsan ko. pero ang hindi niya alam, Totoo ang mga birong iyon.
" kung papayag ba si Ayie na gawin ko ulit yun eh, ayos lang sa akin." He said rason para mapahinto ako sa pag pisil kay Allan. he was looking at me na parang nag papacute. pakshet! Gwapo na nag papacute pa.
pero Ano daw?
kung papayag? is he asking permission?
Tang'Ina. don't ask Just do it!! GANUN!!!!..
" Ay nakakaloka. may pagpaparinig si Papa Al. Naku, Huwag ka na mag paalam, basta gawin mo nalang. Para mas bongga diba?" Sagot ni Allan na kinikilig pa. promise kung nasa labas lang ang isang to' kanina ko pa to nasakal.
" Sige, I'll surprise her nalang." then he winked saka umalis na sa harapan namin at pumasok sa kabilang kotse.
" Tang'ina cousin. anong alindog meron ka para makakuha ng isang tulad niya. Tang'ina ulit, nakakainggit ka! pwede palit tayo kahit isang araw lang." Malanding sabi ni Allan habang parehas kaming nakatingin sa sasakyan ni Jeron.
" Gaga, Sakim ako. this time hindi ako papayag na may pumalit sa pwesto ko, kaya ikaw umuwi ka na...." i said saka inilahad ang palad ko sa mukha niya saka iyon pinaglaruan.
" Oo na aalis na. lintek! ang ganda nga ang damot naman para isang araw lang eh!" padabog niyang sabi saka nag start ng sasakyan.
akmang uulitin ko ang ginawa ko sa kanya ng pigilan niya ako . " Oops... Oo na aalis na talaga." Sigaw niya rason para mapatawa ako.
" Ingat sa pag uwi and thank you sa pa dinner mo kanina." Then we made beso.
" Thanks to you. may kilig moments na, may tripleng profit pa. dalasan niyo ha!" he said saka pinaandar na ang sasakyan. nagawa din niyang bumusina rason para kawayan ko nalang siya.
napasinghap ako habang as i faced his direction. heavy tint ang kanyang kotse kaya hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o ano.
habang papalapit ako nagkakaroon ng transition ang kabog ng dibdib ko.
from calm to Party mode ang datingan...
yung hindi mo alam kung lalabas ba o ano...
habang papalapit ng papalapit, andoon ang excitement..
pero andoon yung thought na ayaw ko Umaasa..
pero kasi....
nakakainis pero, WILLING AKONG UMASA NGAYON!!!
ang gulo, nakakagago pero bat ganun?
parang payag na payag naman ang puso ko...
pati kaluluwa ko nga approve..
isa lang naman ang kulang...
yun ang totohanin niya ang lahat...
At mahalin ako ng tuluyan..
Suddenly. he opened the car and went outside. napakunot naman ako ng noo dahil doon.
" You okay?" he asked me. nagtataka naman akong napatango.
" Akala ko kasi kung anong nangyari sayo. ang tagal mo kasing nakatayo diyan." he said saka nilapitan ako.
Pakshet.... I overthink again.
pagod + windang + him = Lutang Ako.
" Tara iuuwi na kita." he said saka inalalayan ako.
Saan mo ako iuuwi? your place or Mine?
malanding banat ng utak ko.
Matapos pag buksan ng pinto, inalalayan niya ako hanggang sa pag upo. it feels so good. Sana totoo nalang ang lahat. matapos nun' mabilis niyang sinara ang pinto at lumipat sa kabila.
tila nag slow motion ang datingan ng dumaan siya sa harapan ko. I can see his face while smiling. kung anong meron sa utak niya yun ay wala akong ni isang idea. basta sa puntong ito, isa lang ang alam ko, Masaya ang puso ko.
As he sat down, nagkatinginan lang kami.muling nagparamdam ang kabang hindi ko mawari. sa mga titig niya, parang ang daming gustong sabihin. sa dahan dahan niyang pag lapit, mas Umaasa ako na may gagawin siya Ulit.
he gently caress my face saka mas lumapit sa akin. naeexcite ako na natatakot pero andoon ang saya.
" Ayie..." he said.
" Yes?" marahan kong tugon.
" I" he said pero hanggang doon lang. akmang mag aangat ako ng tingin ng agad niyang hinalikan ang Noo ko. matagal at ramdam ko ang pag diin ng kanyang labi.
hindi ko alam pero with that kiss, parang natunaw ako at hindi ko mapigilan ang mapaluha.
Am I disappointed?
Nope!.. Just happy.
sa mga halik na naranasan ko noon pa man, ang isang ito ang pinaka kakaiba. hindi lang dahil galing ito sa kanya, bagkus may hatid itong saya sa puso ko ng walang dahilan.
Sandaedate88

BINABASA MO ANG
The Benefits
Fanfiction" Oo mag gagamitan tayong dalawa. Ikaw para makatakas sa eskandalo mo na pinasukan at Ako, para bumango muli ang pangalan ko at mabura sa utak ng marami ang epic fail na exit ko. if you agrees on this deal. pareho lang tayo mag be-benefit. basta mag...