TB 11

128 6 0
                                    



Its been a Month full of Sweetness...

Sweetness na alam kong isang Pagkukunwari lamang. but then, nandoon ang saya sa puso ko. Aangal pa ba ako, si Al yun. Si Al na minsang pinangarap ng puso ko.

" Ayos ka lang? pagod ka na ba?" Tanong ni Allan. ang pinsan kong may ari ng coffee shop kung saan ako ngayon nag tatrabaho.

Simula pumutok ang issue ko, hindi lang career at puri ang nawala sa akin. pati Pamilya ko itinakwil ako. Daddy was so mad at me. kahihiyan daw ako ng pamilya at Ayaw daw nila akong makita pa. So, dahil sa nangyari, Pinutol ni Daddy ang sustento niya sa akin maging ang ilang credit cards na siya mismo ang nagbabayad. Ganun siya ka galit sa akin.

Good thing i have someone like Allan. medyo malayong pinsan ko na siya but then Close kami. halos sabay kaming lumaki at nag aral. We both took the same course sa Paragon pero magkaiba ang naging career path namin. with him, napursue niya ang pag nenegosyo in line with our Business course. habang ako, I pursue my Volleyball na kahit late ko na nasimulan eh talagang minahal ko.

napasinghap nalang ako sa tanong ni Allan. aaminin ko medyo nakakapagod ang pag aayos ng mga papeles at pag audit ng mga items. pero hindi iyon ang main reason. It was Al.

" Hmm... yang itsurang ganyan, mukhang dalawa lang ang problema. Pagod at gutom O yung Super hot mo'ng manliligaw kuno." Saka ngumisi siya sa akin at malanding nag pamewang. yes, Allan is Gay. but then hindi siya cross dresser. at kapag nakita mo, matutuwa ka at igagalang mo.

" Yeah its him." malungkot kong sagot saka pinaikot ang swivel chair na inauupuan ko.

" Oh ano naman ang ikinaaangal mo kay Al. Diyos ko lord! sobrang hot nun' kung pwede nga lang na makipag palit ng katauhan sayo, Game na game ako! kahit na kunwari lang ang lahat." Natatawang sabi ni Allan. pero ako nanatili sa ginagawa ko.

Oo, Alam ni Allan ang lahat sa amin.

hindi ko naman sadya na masabi, sadyang lasing lang ako at medyo problemado sa mga pangyayari kaya naman nung nag inuman kami sa condo ko, ayun! nasabi ko ang deal namin ni Al.

" Alam mo ienjoy mo nalang ang lahat. sakyan mo ang mga bagay bagay. who knows, one day magising ka nalang na From Reel to Real na kayong dalawa." Banat ni Allan na halatang nag pinapalakas lang ang loob ko.

Sana nga....

" Hay naku! tulungan na nga lang kita sa labas." I said, saka tumayo at kinuha ang isang apron na nakasabit sa wall ng office namjn.

" Buti naman at lalabas ka na sa lunggang ito. abay sayang ang ganda dear cousin.!" he said saka inakbayan ako at niyakag na sa labas. in some way, napangiti ako sa kanya.

Almost two weeks na akong nandito. nung inoffer kasi ni Allan na tulungan ko siya sa coffee shop niya, medyo hesitated ako. syempre ang dami ko na namang taong pwedeng makasalamuha.

mga taong pwedeng humusga sa akin.

As we stepped outside, medyo napatigil ako. " Bakit?" tanong ni Allan.

" Parang natatakot ako." kabado kong sabi saka napahawak ng mahigpit sa kamay niya.

" Keri lang yan. hayaan mo na sila sa mga kuda nila. isipin mo nalang, Naiinggit sila dahil ikaw natikman mo si papa Ricci. sila haggang picture lang." Seryosong sabi ni Allan saka tumingin ng derecho sa akin. dahil doon napatawa ako. nakakatawa kasi ang mukha ni Allan kapag seryoso. at alam niyang yun ang weakness ko. kaya naman mukhang ginawa niya iyon, para pagaanin ang loob ko.

" Yan ganyan nga! tawa lang pinsan! keber na ang negativity! taas noo dapat sabay sabing Bukas luluhod ang mga tala!" Madramang sabi ni Allan saka nauna ng lumakad papunta sa ilang customers.

" Saglit lang po." Ani ni Miko na isa sa mga crew namin. nakalingon ito sa isang table na may customer na sumenyas na magpalinis ng table. may dala din siyang tray na nag lalaman ng ilang pinggan at cups. halata dito ang pagod dahil straight duty ito.

" Ako na Miko." i said ng mapalapit sa akin.

" Sigurado po kayo?" Tanong niya sa akin. i just smiled saka kinuha ang pang spray at basahan sa may gilid. saka naglakad na papunta sa table na iyon. Andoon ang kaba pero this time, Kailangan ko silang palewalain.

I have to move on...

" Its Ayie Reyes right?"

" Yeah, why is she here?"

" Diba siya yung kaanuhan ni Ricci?"

yan ang mga usapan sa likod ko habang nililinis ko ang table. I wanted to cry and slap those girls behind me, pero naisip ko na hindi ko kailangan gawin ang mga iyon.

I don't wanna stooped down on their levels at dagdagan ang mga pagkakamali ko. I want to gain my reputation and have a normal life just like before.

Bangon Ayie!.

I told myself saka napabuga ng hangin matapos ko punasan ang table. I even took the tray saka napangiting humarap sa mga babaeng nagbubulungan pa din.

" Table is ready. Have a great day Ma'am." sabi ko saka taas noong naglakad papalayo sa mga babaeng parang hindi makapaniwalang hindi ako nag react sa kanilang usapan.

Habang nag lalakad, tanaw ko ang pag slow clap ni Allan. sa itsura niya, tila bilib at proud siya dahil nakayanan ko na humarap sa mga tao.

One down... Many to go Ayie!

kakayanin mo ang lahat....

and soon, ipapakita mo na nakaya mo'ng bumangon...





Sandaedate88

The BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon