" Ayie, kinausap ko naman na lahat ng Coaches natin telling them na it was just a big mistake at hindi niyo sadyang makalat iyon." Ate Wensh told me. nandito kami ngayon sa coffee shop sa baba ng condo ko. dito nalang ako nakipag kita dahil ayaw ko na lumayo muna. pakiramdam ko kasi ang sikip ng mundo para sa akin at lahat ng taong makakasalubong ako ay huhusgahan ako ayon sa kanilang mga nakita.napasinghap nalang ako sa sinabi ni Ate Wensh. Alam ko na hindi lang iyon ang sasabihin niya . halata sa kanya na may iba pa siyang hatid na balita kaya naman ako na mismo ang nanguna para masabi na niya ang lahat.
" Tell me everything. handa naman na ako sa consequences Ate." mahinahon kong sabi saka napainom ng iced coffee ko.
She held my hand habang naluluhang tumingin sa akin. with that kind of look, alam ko na hindi maganda ang balita but still, i manage to look strong para hindi naman mahirapan si Ate wensh na mag sabi ng lahat.
" The Boses and Coches decided na tanggalin ka muna sa Team. " mahinahon niyang sabi sa akin. with those words, para akong tinusok ng ilang kutsilyo sa puso.
" Ayaw nila ng gulo at issues kaya naman ayun ang naging desisyon nila. hindi daw kasi makakatulong sa image ng team natin kung hahayaan nilang andoon ka pa. mostly kasi ng magulang ng mga fans ay nag protest. hindi ka daw bagay sa team na ang goal ay maging inspiration sa mga kabataan." naluluhang sabi ni Ate wensh.
i just smiled bitterly. pinilit ko kahit babagsak na ang mga luha ko. " Ayos lang yun. tama sila. hindi makakabuti sa lahat kung andoon ako. Well, i guess tama na muna din ang desisyon nila. i badly need some rest. gusto ko muna manahimik at mag focus sa pag aayos ng sarili ko." Ate Wensh hugged me matapos kong sabihin iyon. ramdam ko sa kanya ang simpatya niya sa mga nangyayari.
Ate Wensh is like my sister from another Mother na talagang makikipag away sa iba mapagtanggol lang ako. alam ko na ginawa niya ang lahat para maisalba ang career ko pero dahil sa laki ng gulo na nagawa ko, Alam ko na hindi na niya mababago ang lahat. and worst, baka kapag lumaban pa siya, maging ang sarili niya ay madamay sa gulo ko, which is hindi ko na talaga kakayanin kapag nangyari iyon.
" I'll be fine soon ate... " i said.
" You'll be Ayie. basta if you need anything. andito lang ako, Okay?" she said habang nakatingin lang sa akin. napatango nalang ako saka napangiti sa kanya.
pero deep inside, parang mas lalong nawasak ang sarili ko dahil sa balitang iyon.
pero wala na akong magagawa...
kailangan ko itong harapin ng buong tapang.
dahil alam ko na may Mali ako.
kung hindi lang ako pumayag sa gusto ni Ricci, walang gulo ngayon...
walang scandal....
walang problema...
at higit sa lahat, tahimik ang mundo ko.
stupid? Yes, I am.
pero wala na akong magagawa sa ngayon kundi ang maging matapang na harapin ang lahat at ayusin ang buhay kong nagulo ng isang pagkakamali.
BINABASA MO ANG
The Benefits
Fanfic" Oo mag gagamitan tayong dalawa. Ikaw para makatakas sa eskandalo mo na pinasukan at Ako, para bumango muli ang pangalan ko at mabura sa utak ng marami ang epic fail na exit ko. if you agrees on this deal. pareho lang tayo mag be-benefit. basta mag...