TB 13

131 7 2
                                    


Rules...



starting over again?

DONE!

Yes, Alvin and I decided to start all over again.

Not just as Partners in crime but as real Friends.

walang halong benepisyo na kung ano...

walang halong kapekean

walang halong pagpapanggap.

Real na Real gaya nga ng sabi sa isang commercial.

and it feel so good.

so good enough para mas mapasaya ang puso ko.

at mas lalong nakakadagdag sa rason para mas lalo ko siyang magustuhan.

for the past days after ng masimulan namin ang bagong yugto ng friendship namin, naging madalas sa shop si Alvin. minsan pa nga, nagagawa niyang tumulong dito ng Libre kahit na medyo iika ika pa din siya.

Funny right? can you imagine him walking around, wearing apron while holding a tray or cleaning one of the tables here kahit medyo di maayos ang paglalakad? Well, somehow medyo nakakatawa but then....

I find him more attractive.

geez, if only you guys could see him while doing those things, im sure hindi niyo iyon kakasawaan.. you'll definitely love it.

yung habang nag pupunas siya ng tables naka smile siya.

yung kahit medyo napawisan siya, pero parang ang bango bango pa din niya...

tapos nung minsan, natapunan siya ng coffee sa shirt niya, geez, yung abs niya bumakat kaya naman halos napalunok nalang kami ni Allan ... he's so hot!

Hayst! yung mga ganung pagkakataon, parang gusto ko nalang siya ikulong sa office para wala ng makakitang iba sa kanya.

Nakakainis man pero aaminin ko na mas lalong dumami ang nag pupunta sa shop kapag nandito si Al. syempre andoon ang mga pacute na babae na siya lang naman talaga ang habol. gustuhin ko man silang batuhin ng kung ano sa paligid pero syempre Hindi pwede.

Dahil hindi naman kame...

kaya naman patago nalang ang Selos ko. which is mas kinakatuwa ni Allan dahil kahit daw complicated ang sitwasyon at kahit di ko ibroadcast sa lahat. Andoon ang pag papaubaya ko sa sarili ko na maging masaya. kahit na one sided love lang ang love story namin.

Well, wala naman akong magagawa kasi. hindi ko naman kasalanan ang hindi niya magustuhan. but then partly, Im thankful to be in this situation. kung hindi kasi siguro ako napunta sa ganito, hindi din ako magkakaroon ng pagkakataon na makasama ang taong matagal ko ng gusto. kaya naman iniisip ko nalang na Benefits to ni God sa akin.

or should i say Good karma sa ilang bagay na nagawa ko noon sa ilang taong naging malapit sa puso ko.

but then.... natatakot ako ng bahagya.

dahil hindi ko alam kung ano ang kakahinatnan ng lahat.

Oo, maayos ang plano namin ni Jeron sa lahat, pero hindi ko alam ang ibang bagay na pwedeng mangyari sa daan na tatahakin namin.

Im Afraid that one day, magising ako na mas doble na pala ang sakit na naramdaman ko kesa sa sitwasyong pinagdalhan sa akin ni Ricci.

nakakaloka diba?

but for now, I guess ieenjoy ko nalang muna ang mga benefits ni God.

I'll treasure all his blessings until magets ko kung ano ba ang talagang mga dapat kong gawin sa sitwasyon namin....

" Nakakaloka ang Mga to'!" Allan appeared infront of me. hindi ko alam kung paano siya napunta doon. I was in my deep thoughts and day dream a while ago kaya wala akong alam sa paligid.

" Where did you get that?" I asked saka kinuha ang papel na halos ipasak niya sa mukha ko.

" Well, naipit yan sa reports ko kanina na pinagawa ko sayo. ikaw ha!" He explained pero andoon ang teasing voice and looks. napailing nalang ako sa kanya saka kunwaring nag check ng order list sa may gilid malapit sa pinto ng office.

" So bakit may mga ganyang achuchuchu?" tanong niya sa akin pero may kahinaan dahil dumaan si Niko.

napasinghap nalang ako ng hangin saka inaya siya maupo sa isa sa mga tables. " Just to be safe. you know." i said right away as we sat down.

napatawa naman si Allan. sa reaction niya tila hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. well, he wouldn't understand me anyways unless he could fit in my shoe.

" Ano ba ang kinakatakot mo?" natatawang tanong niya. here we go again. Interrogation 101.

kinakatakot ko? ano nga ba?

Sa dami kasi parang hindi ko alam ang nasa top.

or should i say, Indenial lang ako.

napabuga nalang ako ng hangin with those thoughts. sabay matamlay na napasandal sa upuan. i even looked down and just focus my eyes sa design ng mesa. geez, etong mga biglaang usapan na ganito ang pinaka ayaw ko. ipakiramdam ko ngayon gigisahin ako sa sitwasyon ko.

" Natatakot ka mahulog lalo kay Al?" mahinahon na sabi niya sa akin. napaangat naman ako tingin sa kanya. In just a snap, napatango ako ng walang halong pag aalinlangan.

he looked at the paper saka nag scan ng mga nasulat kong Rules kanina. then he looked back and smiled. " Rule no. 3 Do not fall for his actions. Rule no. 4 if you can't avoid no.3, pigilan hanggat maaga. " then he laughed like a crazy one.

" Eto ang pinaka malala, Rule no.10 kapag natapos na ang lahat. let go... huwag hahabol, huwag aasa... huwag lilingon at huwag ng babalik kahit na gustong gusto mo." then he puts down the paper and look at me.

" Hanep! mala script sa movie ang datingan, sana dinagdagan mo ng scene yung tipong habang nagpapaalam kayo sa isa't isa biglang uulan ng bongga mababasa kayo tatalikod ka na at maglalakad papalayo trying to control your feelings for him. ganern!" sabay tawa ng malakas , napailing nalang ako sa kanya.

hayst! he wouldn't understand what's inside me.

mahirap ang sitwasyon ko.

yung nakakasama mo ang taong matagal mo ng gusto pero alam mo'ng may dahilan kaya nasa tabi mo.

at ang mas masakit pa, pumapayag ka din na manatili siya, dahil alam mo sa sarili mo na MAS kailangan mo siya.

It's a Win win situation for both of Us..

pero pag dating sa feelings ko ang pag uusapan. ngayon palang, Talo na ako.

dahil na imbes na pigilan at kalimutan ko ang feelings ko na matagal ng nakaimbak dito sa puso ko.

mas lalo pa itong lumalago..

kahit na alam kong hindi pwede, dahil kahit kailan, isang kaibigan lang ako para kay Al.

ilang sandali pa nag scan si Allan sa papel. ilang saglit din siyang tumawa pa, hanggang sa sumingit si Anna para mag papirma ng ilang papeles para sa deliveries namin. with that, nakahinga na ako.

i was enjoying the view outside when my phone suddenly lit up. lowbat iyon. as i pressed some button, hindi ko mapigilan ang malungkot when i saw my wallpaper.

it was a stolen shot of Alvin smiling while looking outside the window he was holding a cup of coffee as well. kuha iyon dito sa store nung kelan. i just secretly took a photo para sana pang asar pero it turns out to be my favorite one.

kaya naman ito ang ginawa kong wallpaper. at least dito man lang mapagbigyan ko ang puso ko na maging masaya. yung tipong kahit sa ganung kaliit na bagay, masabi ko sa sarili ko na Akin siya.





Sandaedate88

The BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon