:CHAPTER TWO ♡

27 2 0
                                    

JAVI ANGELES..

••••••••••••••••••••••••••♡

    So after a day, nagkita kami uli ni Javi sa isang café malapit sa unit ko. Of course, dapat lang. Di ko pa siya nagigisa sa mga pinanggagawa niya sa buhay no.

    Pero!! TEKA LANG!! Kanina pa talaga ako naghihintay dito sa café at nakailang coffee frappe na ako. Actually, mga isang oras na!

     IMAGINE?! Ako pa talaga ang pinaghintay! At mukha niya! Alam na alam kong alam na alam niya na ayokong pinaghihintay ako! IS THIS REVENGE?!  Javi talaga!!!! Grrrr.

    Tatayo na sana ako at aalis nang may nagmamadali at pagod na pagod na lalaking pumasok. Siyempre lahat tumingin sa direksyon niya.

      And geez, tanga! Si Javi lang naman pala. And oooh! Ang gwapo-gwapo talaga ng twin brother ko kahit pawis na pawis. UYYY! COMPLEMENT YUN! DI YUN PANLALANDI. EWWW LANG HA! Lumapit siya sa table namin na kamuntik ko ng iwan.

    "Thank God I made it!"

    "I made it?! You're over an hour late Javi! And you know how much I hate waiting!"

    "Yeah. Yeah. Yeah. Im so sorry ATE!" with the emphasis pa talaga sa word na ATE.

     "My car was pulled by that flipping arsehole tow truck and I have to run here because cabs can't help. There's a big incident downtown.. And I know. I know. It won't happen again."

    "YOU LET YOUR CAR GET TOWED? Naman Jav! Kala ko ba matalino ka, tapos nag'park ka sa maling area. Boooooho!"

    "Well sorry. Di ako pamiliar dito. You can expect me to make mistakes!"

    "Kaya nga, sinasabi ko sayo noon pa na bawas-bawasan mo na yang kayabangan mo! Dahil di ka perpekto!.... Ooooh heto tubig! Ayusin mo nga yang pagmumukha mo!"

      Agad niyang ininom yung tubig saka humingang malalim. Tinawag ko yung waitress sabay order ng 2 pang coffee frappe at red velvet cupcake tsaka triple chocolate cake, sa pagkakatanda ko kasi paborito niya yung frappe at yung cake.

    "OK kalang?! Bat ka naman tumakbo. Sana nag'txt ka nalang na di ka makakapunta o mali'late ka! Tanga mo naman eh.. Alam mo namang may hika ka eh."

    "Akala ko kasi kakayanin ko. At wala na akong hika. Louisa, you can stop caring for me like I'm a seven year old brother."

    "O-U-C-H! You just hurt your ate's feelings."

    "Mas matanda kaya ako sayo."

    "But I've been treating you like a brother since highschool ha! Ngayon mo pa ako pagbabawalan?! Arte mo naman!"

     Well..

    Ganito kasi yun. Nung kapanahunan namin... WOW! Parang ang tanda lang ha.

     Pero nung highschool talaga kami, dahil close na close kaming lahat, nauso yung pamilya-pamilya, hindi yung grupo-grupo. Walang kasing faction samin.. Lahat magkakadugo at nagmamalasakit sa isat-isa.. Ohaa!

     At dahil nga noon na kasing-laki ko pa si Javi, at sabi ng mga teachers namin eh magkamukha talaga kami... napagpasyahang ang role namin eh twins. Ang cute diba...?

      Kaso mas mataas pa ako noon keh Jav kaya ate ang role ko at siya ang little twin brother ko. At kaya ako umagree sa kanya na gwapo siya kasi nga twins kami... ibig sabihin lang nun, maganda ako.. HAHAHAHAHAHHA!

Skip to the Good PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon