01 <> Coincidence or Faith

1.1K 11 12
                                    

ANGELS WITH DIRTY FACES 

Copyright  © 2014 by AZULAN

All right reserved.

No part of this books may be reproduced, stored in a retrieval systems, or transmitted in any form or by any means, electronic, mechanical, photocopying, recording, or otherwise, without written permission of the publisher.

__________________________________________________________

"HAPPY worst day Yana." Bulong niya sa kanyang sarili habang naglalakad siya sa bago niyang paaralan. Ibang-iba ito kaysa sa dati niyang pinapasukang kolehiyo dahil sa mga war freak at hindi manlang marunong gumalang ang mga tao dito. Tama ba namang pagwewelga kaagad dahil sa pag taas ng tuition fee ang dali-daling sumalubong sa kanya sa gate palang ng universidad na ito. Ayaw pa naman niya ang maingay. Sanay kasi siya sa likod ng dati niyang pinapasukan kolehiyo kung saan puros puno at sapa ang makikita. Call her a probinsiyana. Wala siyang pakielam.   

Naglalakad na siya ngayon sa isang mahabang isle na puno ng mga istudyanteng nakatambay. Hindi niya alam kung ano ang topic for the day ng mga ito. Basta na lamang naririnig niya mula sa mala boses bubuyog nitong mga tinig ang ibat-ibang pangalan na sa kanyang palagay ay makikilala rin niya afterwards. Paminan-minsan ay pinagtitinginan din siya ng mga tila spice girls na grupo. Pare-pareho kasi ito ng mga suot sa di niya maipaliwnag na dahilan. Napatingin tuloy siya sa kanyang sarili. Ano ba namang masama sa white t-shirt, skinny jeans at sneakers na suot niya ngayon? Wala siyang ideya. Mas komportable pa nga siyang suotin ang mga ito. Kaysa sa magsuot siya ng micro mini skirt at mag high heels na kahit kailan ay hindi pa niya nasusubukan.

Tumingin ulit siya sa buong paligid. Pakiramdam tuloy niya ay mini pyesta sa unang araw ng klase ngayon sa Holy Angels University. Lahat ay may dala-dalang kwento. Lahat may dala-dalang problema sa buhay. Katulad nalang niya. 

"Hi I'm Maronette. Ikaw anong pangalan mo?" Isang babae ang agad na kumausap sa kanya pagkaupong-pagkaupo niya sa loob ng kanilang class room. Mukang matino naman ito ayon sa tingin niya.

"HI I'm Arianna." Bati niya dito.  "Pero Yana nalang for short."

"How cute "Yana." Okay Yana. Nice meeting you." Inilahad nito ang kamay sa harapan niya. Nakipag kamay naman siya dito.  "At dahil ikaw ang katabi ko ngayon sa clasroom na ito eh bibigyan kita ng isang gift." Agad itong naghalungkat sa bag nito. Di hamak na maliit yun kaysa sa bag niya pero obvious na marami iyong laman. "Ito sayo nalang to." Binigyan siya nito ng isang head band."

"Sorry pero hindi ako nag he-head band."

"Ay sayang naman. Pero please suotin mo ito para sakin. Please!"

Medyo naiinis siya sa akto nito na parang nag be-baby talk pero okay narin yun. Okay narin itong pag tiyagaan. Tutal eh hindi naman ito mukang harm full kagaya ng mga nakita niyang malalanding babae sa hallway kanina. "O sige sige para sayo. Isususot ko."

Pagkatapos ng kanilang unang klase ngayong araw ay si Maronette ng nag tour sa kanya sa buong school. Nag first sem na kasi ito dito hindi kagaya niya na transferri lang. Gamit ang isang pamplet ay sinamahan siya nito sa may science lab, Gymnesium, Library, at Canteen. "Alam mo napaka ganda mo? Pakiramdam ko eh pati yung mga professor natin dito eh magkakagusto sayo."

"Wag mo nga akong binobola. Oh ito sayo natong french fries ko." 

"Hindi kita binobola Yana! Totoo itong mga sinasabi ko. Bakit? Wala bang salamin sa bahay ninyo? at hindi mo alam."

Angels with Dirty FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon