HAPON na ng makauwi si Yana galing sa University. Nag practice pa kasi siya kasama ang kanyang mga kaklase ng mini play sa Sociology. Ang siste eh mamimili sila ng mga anime character na nag re-reflect sa kanilang sarili. Aabot ang kanilang mini play ng tig dadalawang pung minuto kada isang estudyante. Si Elsa pa naman ng frozen ang napili niyang character. Katulad daw kasi ng kanyang katangian ay dominant yet may soft side din daw siya.
Inikot niya ang kanyang ulo habang binubuksan ang pintuan ng kanilang bahay. "Ma nandito napo ako." Nilagay niya ang kanyang bag sa may sofa at binuksan kaagad ang pintuan ng refirgarator. Uminom siya ng malamig na tubig. Bahagyang napabuga. Nagpapasalamat dahil sa malamig na sensesyon na kanina pa niya gustong tikman habang nag pa-practice sila. Pag kasara niya sa pintuan ng ref ay nakita niya ang isang maikling note na nakadikit duon. "Honey. Punta lang ako ng palengke saglit. Nakalimuitan kong bumili ng toyo --- Mama.
Sinilip niya ang kusina nila. Nandun parin ang mga gulay at hilaw na manok para sana gawing adobo batay narin sa mga sangkap na nakita niya roon. Habang papaakyat naman sa itaas upang magpalit na ng damit ay naalala niyang i-text si Malcom. Sa palagay niya ay may klase pa ito sa Humanities sa gantong araw at oras. Tumingin din siya sa relos at eksatktong alas sais na ng gabi.
Mahal ko. Kumain ka naba? Text niya dito habang umaakyat at hindi tumitingin sa dinadaanan. Ni wala siyang lingon sa paligid kung may matatamaan siya. Gabay na gabay na niya ang bawat kanto at lawak ng paligid. Binuksan niya ang ilaw ng kanyang kwarto pagkatapos. Inicha ang kanyang cellphone sa may kama at agad ng nagtanggal ng kanyang pang itaas na uniporme. Ngunit hindi paman niya ito tuluyang natatanggal ng bigla siyang nakarinig ng isang pag angil. "Aray!" Sa tila inaantok pa na boses. Bigla siyang napatigil saglit at dahan- dahang lumingon mula sa kanyang likuran.
"Hoy sino ka!" Mula doon ay isang paa ang kanyang nakita na nagtatago sa ilalim ng kanyang kumot. Medyo malaki ito at maugat.
"Huwag ka nga diyang maingay. Nakita mo ng natutulog pa yung tao eh."
Sa isip-isip niya eh ang kapal ng mukha na kung sinong kumag nato dahil sa kwarto niya ito natutulog. "Hoy! Ang kapal ng mukha mo para sabihan ako ng ganyan! Saka sino ka!? Huh!" Sa inis niya ay nilapitan niya ito at tinanggal ang kumot na tumatabing sa katawan nito. Pagkatanggal ay tumambad sa kanya ang katawan ng isang lalaki.
"Nate! Ikaw bayan!?"
"Hey! Bakit mo ba ako ginigising diyan? Nakita mong natutulog pa yung tao eh!"
"Hoy walang akong palielam kung natutulog ka or whatever basta ang gusto ko eh umalis ka ngayon din sa kama ko!"
"Ano? Anong kama mo? Nasa kwarto ko ako... stupid!" Tumignin din si Nate sa buong paligid. Pilit niyang hinahanap ang kanyang first jersey shirt na naka framed pa nung hish school pa siya ngunit hindi niya iyon makita. Instead eh puro mga poster ni Avril lavigne at konting Hello kitty staff ang nakita niya. "Oh my! Nasan ako?"
"Are you for real?! Nasa kwarto kita kumag ka!"
"P-p-pero pano ako nakapunta dito. Siguro ginayuma moko no? Tapos! Tapos!"
"Hoy Nate. In your face kung gagayumaihin kita. Saka teka... lasing kaba?"
Napakamot si Nate ng kanyang ulo. "Konti lang."
"Yun naman pala eh. Tapos magtatanong ka sakin kung pano ka napunta dito sa kwarto ko. Eh wala ka sa sarili mo."
Tumayo na si Nate upang makaalis na ng kwarto ni Yana pero meron pa siyang isang nakalimutan. Naka brief lang pala siya. "Oh my God!" Halos manlaki ang mata ni Yana dahil naka erect pa na hindi inaasahan ang harap nito. "Sorry sorry!" Pag papaumanhin naman ni Nate habang namumula na ang pisngi. Tinakpan nito ng dalawang kamay nito ang harapan nito habang hinahanap ang kanyang panalon. Hindi na niya ito makita sa sobrang kahihiyan.
BINABASA MO ANG
Angels with Dirty Faces
Ficção AdolescenteOne night stand ang ginawa ni Yana at ang Estranherong si Malcom ng magkita ang kanilang mata sa isang videoke bar. Sino ba naman ang hindi makakahinti sa angking kagwapuhan nito at kakisigan. Then the fire burning within her and him ended there. Ng...