08 <> Consequence

119 5 2
                                    

ISANG malakas na kalabog ang naramdaman at narinig nila Malcom at Yana sa may loob ng kotse habang binabagtas nila ang kahabaan ng Las Pinas. Isa palang lalaki ang hindi namang intensiyon ang nakagitgit sa kotse nila. Medyo madlim kasi ang daan at patay ang ilaw ng kotse ni Malcom kaya hindi nito sila masyadong nakita. Huminto kaagad si Malcom pati ang nakagitgitan nito. "Putang ina!"

"Oh Babe saan ka pupunta?" Tanong ni Yana na may labis na pag aalala. Medyo lukot kasi ngayon ang mukha ng binata kaya alam niya na merong hindi magandang mangyayari kapag may lumapit dito.

"Teka lang, titignan ko lang kung may gas-gas yung kotse." Sinarado ni Malcom ang pintuan ng kanyang sasakyan at muling sumilip sa bintana nito. "Diyan ka lang ah!" Sabi niya kay Yana.

"O sige." 

Gamit ang isang mini flashlight ay sinuyod ni Malcom ang tagiliran ng kanyang sasakyan. Konti lang naman ang nakita niyang gas-gas nito na sa kanyang palagay ay kaya pang remedyuhan pag nilagyan ng gloss paint. Maya-maya pa ay lumapit naman ang lalaking nakagitgitan nila. Isa pala itong Filipino-Chinese na patpatin. "Sir ayos lang ba yung kotse ninyo?"

Napatingin sa kanya si Malcom. "Ano? Pakiulit mo nga!"

"I said kung ayos lang hoba yung kotse..." Hindi na natapos pa ng tsinoy ang kanyang sasabihin dahil bigla itong sinuntok ni Malcom sa mukha. Sa angking kapayatan ng katawan nito ay agad itong napasubsob sa lupa, dumugo rin kaagad ang ilong nito sa sobrang lakas ng impak. "Tang Ina ka! Wag mo nga akong tatanungin kung okay lang yung kotse ko dahil kahit kailanman ay hindi magiging okay ang isang kotseng nagitgit ng isang bungol na katulad mo!!!"

"Oh my God Babe!" To the rescue kaagad si Yana. Agad na binuksan nito ang pintuan ng sasakyan ng makita niya ang pangyayari. Tumaas ang mga balahibo niya sa may batok ng makita niya na sinuntok ni Malcom ang isang kaawa-awang lalaki. "Kuya okay lang po ba kayo?" Pinaharap ni Yana ang lalaki mula sa kanya at nakita niya ang mukha nito na punong-puno na ng dugo. Kinuha niya agad ang kanyang panyo at pinunasan ang mukha nito.

"No, no I'm okay."

"Nako Kuya dumudugo yung ilong ninyo, dapat eh madala kayo kaagad sa ospital." Pagkatapos nun ay inalalayan ni Yana ang lalaki na tumayo. Pinasok niya ito sa loob ng kotse ni Malcom na mag isa.  "Babe naman. Bakit mo naman ginawa yun."

"Stupid eh!"

"Babe naman eh! Alam ko na galit ka dahil sa nangyari kanina pero wag mo namang ibunton sa ibang tao yung galit mo." Naiiyak na si Yana.

Bumuntong hininga lang naman si Malcom. Pinapakalma ang sarili dahil sa nangyari kanina sa may Dean's office. Pinatawag kasi silang dalawa ni Yana mag aalas singko na ng hapon. Kahit na hindi sa kanila sabihin kung ano ang magiging pakay nila dito ay tila may hint na sila. 

Pagkabukas ng pintuan ay nakita nila ang Dean na tila may kinakausap sa telepono. Biglang humina ang boses nito pagdating nila. Hindi man masyadong alam ni Malcom ang topic ng kausap nito sa telepono pero parang sila ni Yana ang pinag uuspaan nito dahil nabasa ni Malcom sa bibig ng Dean ang pangalan niya. 

"Okay please come in." Binaba na ng Dean ang telepono. Pagkatapos ay sabay silang pumasok ni Yana sa loob ng kwarto. Nagtinginan pa nga muna sila bago sila pumasok. Sa isip-isip ni Malcom eh kung noon eh pumapasok lang siya dito kung bibigyan siya nito ng papuri o parangal eh ngayon ay papasok siya sa Deans office para sa isang nakakatakot na kaso.  

"Para saan po ang pag usapan natin ngayon Mrs. Dean?" Hindi na nagpaliguy-liguy pa si Malcom habang nararamdaman na ang pressure sa loob ng silid.

"Okay. Hindi na naman siguro sa inyo bago yung larawan na kumakalat sa buong campus ngayon diba?"

Angels with Dirty FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon