"Oh ayan ah! Alam kong na-miss mo yan!"
INILAPAG ni Maru ang dalawang box ng cookies na pinabili pa niya sa kanyang ina. Galing daw iyon sa France na talaga namang gustong -gusto ni Yana ang lasa. Mag aalas diyes ng umaga ng may kumatok sa pintuan nila Yana. Pagkabukas ng pintuan ni Nanay Clara ay nakita niya duon si Maru na sobra ang ngiti. Nakakatawa pa nga ang reaksiyon nito dahil hindi na ito nagpatupik pa na hanapin si Yana. Gusto na niya daw itong mayakap ng mahigpit.
"Grabe ka naman. Diba mahal to?"
"Oh ano namang bago dun? Basta i-enjoy mo nalang yan friend. Eat all you can yan. I'll buy it just for you."
Napapangiti si Yana kapag nakikita niya ang ibinigay ni Marung mga cookies. Ibat-iba kasi ang Kulay ng mga buklak niyon sa gitna na gawa sa icing. Muntikan pa nga siyang mapaluha sa isang banda ng makita ang mga 'yun. Pakiramdaman niya kasi eh wala na ni isa ang nakakaalala sa kanya. Mag dadalwang linggo na kasi ang nakaraan pagkatapos pumotok ang issue tungol sa litrato na kinasagkutan niya at ni Malcom pero hanggang ngayon eh wala paring resulta ang imbestigasyon.
"Oh bakit? Ano nanamang kadramahan yan friend." Lumapit na si Maru kay Yana at niyakap ito ng patagilid.
"Wala lang. Akala ko kasi eh wala ng nakakaalala sa akin."
"Sus pwede bayun! Im always here friend. Diba nangako tayo sa isat-isa na walang iwanan. Marami lang talagang pinagawa yung mga evil professor natin kaya ngayon lang kita napuntahan."
"Baliw ka. Syempre iba parin yung sa personal. Saka speaking of professor, kamusta na pala yung school natin? Anong balita?"
"So yun na nga. Besides sa mga project ng mga evil professor natin eh nagpa long exam pala tong si Mrs. Oriardo. My heaven!" Napahawak pa sa kanyang ulo si Maru. "Friend ang hirap. Nakakaluto ng braincells!" Natawa naman si Yana sa mga kwento nito. "Eh teka friend maiba pala ako. Kamusta kayo ni Nate?"
BIglang napawi kaagad ang mga ngiti ni Yana at napalitan iyon ng kalungkutan. "Eh yun hindi parin niya ako pinapansin. Deadma ang lolo mo." Bumaling si Yana ng upo tungo sa harapan ng kanyng malaking salamin at biglang sinuklay ang kanyang buhok.
"Ano!? What!? Bakit daw?"
"Hindi ko alam. Masyado yatang dinamdam yung issue."
"Nako ah selos to the max yang si Papa Nate ah. Pero Friend yung totoo. Totoo bang ikaw yung nasa video?"
Biglang napatigil si Yana sa kanyang ginagawa. Gusto man niyang ipagtapat na kay Maru ang kanyang lihim eh hindi pa pwede. "S-s-syempre hindi!" Wika ni Yana. Pagkatapos niyang mag deny ay tumingin siya kay Maru pero ang mga tingin nito sa kanya ay tila nagpapahiwatig na hindi ito sa kanya naniniwala.
"Oh bakit ganyan ka makatingin? Hindi ka naniniwala sa akin?"
"Hindi." Wika nito.
"Okay kung ayaw mong maniwala eh hindi kita pipilitin. Basta ang alam ko eh malinis ang konsensiya ko. Tapos!"
Napangiti naman sa isang banda si Maru. "Joke lang freind! Ofcourse hindi mo yon gagawin. Kilala kaya kita." HInawakan ni Maru ang magkabilang kamay niya at tumingin ito sa kanya ng direcho. "Hayaan mo friend. Makikita rin yung nagpakalat ng video nayun then siya mismo ang magsasabi na hindi ikaw at Prof. Malcom yung nandon."
"O-o-oo naman. Difinitely. Alam mo friend eh sana nga mahuli nayung nagpakalat nung video kasi malaki na yung epekto nun sa pag aaral ko."
Bigla siyang niyakap ni Maru. "Nako freind dont worry. Nararamdaman kong malapit na." Habang nakayakap ay bigla namang napatingin si Maru sa orasang nasa kwarto. Ala una na pala ng hapon at tatlong oras na silang nag kekwentuhan ng kanyang kaibigan. "Oh my God friend." Bigla siyang bumitaw mula sa pagkakayakap niya dito.
BINABASA MO ANG
Angels with Dirty Faces
Novela JuvenilOne night stand ang ginawa ni Yana at ang Estranherong si Malcom ng magkita ang kanilang mata sa isang videoke bar. Sino ba naman ang hindi makakahinti sa angking kagwapuhan nito at kakisigan. Then the fire burning within her and him ended there. Ng...