NAKITA ni Yana na nagmamadaling naglakad si Maru papunta sa kanilang favorite hung-out ngayong tanghali. Ang usapan kasi nila ay sabay silang kakain pero inidian siya nito at hindi nagpunta sa canteen. Mag isa tuloy niyang kinain ang pineprera niyang sandwich na nilagyan pa niya ng three different chesse, hum, bacon at mayo dressing. Hindi naman niya maistorbo si Malcom na sabayan siya dahil may meeting nanaman ito. "Oh ano? Dumating kapa!" Inunahan na niya kaagad si Maru na magsalita.
"Friend naman oh. Tampo na kaagad. Alam mo namang may practice kami kanina ng ballet diba?"
"Anong alam! Eh sana eh hindi na kita hinintay sa cafeteria kanina. Alam mo bang halos mamuti na yung mata ko kakahintay sayo!"
"Ano? Bakit? Hindi mo nakuha yung text ko?" Nagtataka si Maru. Hindi siya pwedeng magkamali na tinext niya si Yana kanina. Nag excused pa nga siya sa kanilang ballet teacher para lamang ma i-text nito siya. Kinuha ni Maru ang kanyang cellphone mula sa secret pocket ng kanyang designer bag. Pagkatapos makuha ito duon ay agad naman niyang pinindot ang send items at wala nga duon ang ti-next niya para kay Yana kanina. "Oh shit!" Napatampal siya tungo sa kanyang noo. "Hindi nag send. Sorry talaga friend ah! I'm very very sorry!" Wika nito na kulang na lang ay lumuhod ito sa harapan niya.
Tumingin naman si Yana dito. "O siya siya. Kung hindi lang kita mahal eh." Tuluyan ng umupo si Maru sa tabi niya pagkatapos. "Oh ito?"
"Ano yan?" Bigla siyang inabutan ni Yana ng isang bagay na naka-plastic pagka upo niya.
"Sandwich yan friend. Yan yung pangako ko sayo kahapon."
"Talaga friend! OMG!" Kinuha kaagad ni Maru ang naturang sandwich at agad na kinain. Tila gutom na gutom.
"Oh bakit? Anyare sayo? Bakit parang gutom na gutom ka?"
"Eh friend eh kasi hindi pa ako kumakain, kahapon pa."
Nagkunot ang noo ni Yana. "Ano? Bakit?"
Tila nabulunan naman si Maru. Napabuga ito. Kaya naman bigla niya itong inabutan ng tubig. "Ano bang sabi ko sayo friend?" Tanong ni Maru sa kanya.
"Sabi mo na hindi kapa kumakain kagabi pa? Wag mong sabihing nag bankrupt ang yaman ninyo kaya hindi na kayo makabili ng pagkain? O nag di-diet ka?"
"Nako friend. Hindi naman sa ganun. Saka tama ka, nag di-diet nga ako."
"Ahh ganun ba. Eh bakit ka kumakain ngayon?"
"Ahhh ehh. Na realize ko kasi na hindi ko pala kayang mag diet. Yes ganun na nga! I love to eat kaya." Sabay kinagatan nito ulit ng isa pag beses ang naturang sandwich.
"Ewan ko sayo. Napaka wierd mo kung minsan." Napatawa naman si Yana sa mga akto nito. Para kasi itong wala sa sarili nito. Kaya naman tinuon nalang niya ang kanyang diwa sa kanyang ginawang pagbabasa.
"Eh ikaw friend. Ano naman yang ginagawa mo?"
"Ito?" Sabay turo niya sa kanyang libro. "Binabasa kotong Rizal. May exam kami dun mamaya."
"Ayyy favorite ko yan. Patingin nga ako. Saan naba kayo?" Biglang kinuha ni Maru ang notebook niya.
"Akin na yan. Nasa chapter 3 palang kami. About sa mga kapatid ni Rizal."
"Ahh ganun ba?" Wika ni Maru sabay balik niya sa kanina niyang pwesto. "Ayy friend maiba ako. Alam mo ba. Kanina habang nagbibihis ako sa locker room namin. May narinig akong chismis?"
Hindi lamang siya inintindi ni Yana. Sige lamang ito sa pagbabasa. "Hoy friend ano kaba! Wala ka naman sa sarili mo. May kinekwento ako!"
"Ano ba kasi yun? Kitang nag rereview eh!"
BINABASA MO ANG
Angels with Dirty Faces
Teen FictionOne night stand ang ginawa ni Yana at ang Estranherong si Malcom ng magkita ang kanilang mata sa isang videoke bar. Sino ba naman ang hindi makakahinti sa angking kagwapuhan nito at kakisigan. Then the fire burning within her and him ended there. Ng...