04 <> Heaven

280 10 4
                                    

PINAIKOT-IKOT muna ni Nate ang bola pagkatapos niyang umikot sa likod ni Dustin. Pagkatapos ay kumuha siya ng lakas upang bandahin ang likod nito at itapon mula sa may ere ang bola. Then shoot! "3 points!" Sigaw niya habang hinihingal. Halos kalahating oras na silang nag ba-basketball. Ito na ang naging past time nila pag katapos ng kanilang mahaba at nakakabagot na klase. 

Pagkabagsak sa may lupa ay kinuha muli ni Nate ang bola ngunit nakuha iyon ni Dustin at ito naman ang nag dribble. "Pre teka pupunta kaba sa vicory party natin mamaya?" Tanong nito. Nasa defense position siya ng sumagot. "Nako baka hindi. Wala ako sa mood." Nakaalpas siya sa pagkaka kulong ni Dusitn sa kanya at bigla niyang nakuha ang bola. Bigla niyang binilisan ang kanyang galaw upang ma shoot na ito kaagad sa may ring.

"Bakit naman hindi pare? Dahil ba kay Yana?" Tinulak na ng kamay ni Nate ang bola papataas. Pero tila nagkamali siya ng tiyempo ng narinig niya ang pangalan ng dalaga. Sa totoo niyan ay maaga siyang naligo at nagbihis ng kaswal na damit mag aalas syete ng gabi kahapon. Kung tutuusin ay maaring ito ang unang date nila kaya naman ay ayaw niyang ma-late sa tagpuan nila. Suntok sa buwan ang pag invite niya dito na magkita sila sa pomosong mall sa Alabang pero malakas parin ang fighting spirit niya na pupunta ito. Ginamit pa nga niya ang pabango na binigay sa kanya ng isa niyang fan. Hindi kasi siya mahilig sa maalisang-sang na amoy. Naa-Allergic siya dito. Pero para lamang sa gabing iyon ay gagawin niya ang lahat to make remarkable and memorable ang gabing magkasama silang dalawa ni Yana.

Pero ang seven o'clock ay naging eighth, ang eight ay naging nine, at ang nine ay naging ten pero ay hindi siya sinipot nito. Ni kahit na duling na text ay wala siyang natanggap sa kampo nito.

Hindi pumasok ang bola sa may ring! "O what happened?" Tanong ni Dusitn na may pagtataka. Bigal kasing nag iba ang ora niya at nagpunta sa may bench upang uminom ng tubig.

"Pare yung totoo. Anong nangyari sa inyo kagabi ni Yana? Bi-nusted kaba?"

Tumingin siya sa nakakaloko nitong mukha."Paano naman ako bu-bustedin kung hindi naman ako sinipot."

"Ouch!" Pumangit ang mukha ni Dustin. Parang nakakain itong ng dumi ng hayop. "Eh bakit daw?"

"Aba malay ko sa kanya. Ni hindi nga nag text eh!"

"Eh di i-text mo siya?" Suggestion nito.

"Anong i-text. Ayoko nga! Baka sabihin panun eh hinahabol-habol ko siya."

"Bakit Pre hindi ba? Eh nung sinabi ko lang yung pangalan niya kanina eh hindi kana diyan maka shoot. Teka totoo nabang inlababo kana duon kay Yana huh?"

"Tinatanong paba yan?" Sabay inom ulit niya ng tubig.

"Aba malay koba kung isa nanaman yan sa mga toys mo."

Napangisi si Nate. "Ewan koba pre, eh nung una ko palang siyang nakita  eh parang gusto ko na siyang makilala ng lubusan. Pero muk'a namang hindi ako type."

"Sus. Wag kang pumayag. Ika nga eh kung hindi mo siya madaan sa normal na pakiusapan eh dapat mo na siyang daanin sa santong paspasan."

"Huh! Anong big mong sabihin? Hindi kita makuha." Wika ni Nate sabay bigay niya dito ng isang suspisyosong tingin.  

"ITO ah! Ilagay mo sa mukha mo. Para naman mamula yang mukha mo ng konti." Binigyan siya ni Maru kinabukasan ng isang mamahaling face toner. Ayon kay Maru ay one week lang daw nito iyong ginamit pero namula nadaw na parang atrista ang mukha nito. 

Angels with Dirty FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon