03 <> His Place

314 8 2
                                    

(BABY where are you?) Isang katanungang nabasa ni Yana sa text habang nag u-unwine sila ni Maru sa may favorite hung-out nila. Ang School Garden. Pagkatapos ni Marung ipakilala sa kanya ito mag iisang linggo na ang nakararaan ay naging favorite hung-out niya narin ito. Paano ba naman. Maliban sa mahanging atmosphere dito at malambot na surface ng bermuda grass na naroon ay parang nararamdaman niya sa pwestong hinihigaan niya ang probinsiyang pinagmulan niya. 

(Nandito ako ngayon sa may school garden. Ikaw? Wala kabang ginagawa ngayon?" Sagot naman niya sa text nito.

(Wala sa ngayon. Wala pa kasi yung mga ka-meeting ko.) Sagot naman nito. 

(Ah ganun ba?) Sabay lagay niya ng isang malungkot na mukha pagkatapos ng salita.

(Oh bakit sad ang Hon ko? Kasi nami-miss mona ako?)

(Oo. Na mi-miss ko na yung Hubby ko.) Nakakakilig naman na message niya. (I want you here now. Here by my side.)

(Sus! Na mi-miss mo lang yung mga Tsup tsup ko sayo eh!) Text nito sa kanya with a greedy smile.

Biglang napabalingkwas ng higa si Yana. Pumaharap siya kay Maru habang nag tetext. Ang kanyang sinulat sa text. (Loko ka! Pero tama ka na mi-miss ko mga tsup tsup mo sakin.) Napapangiti siya habang tinitext niya iyon. 

"Oy oy oy! Ano yan Yana ah? Bakit parang punong puno ka diyan ng pag ibig?" Bahagya rin itong lumapit sa kanya. "Sino bayan ha!? Si Nate ba?"

Tuluyan na siyang napaupo. Tila nagkamali siya ng pagbalinkwas dito ng ayos kanina. "Anong Nate? Hindi kaya? Saka bakit moba ako tinutukso sa Nate nayun? Hindi ko siya type pwede ba!"

"Wala lang. Kasi I think na bagay kayong dalawa. And you know what? Sa palagay ko rin naman na may pagtingin din si Nate sayo!"

Maya maya pa ay muling tumunog ang kanyang cellphone. Dali dali naman niya itong binuksan mula sa may message box at nakita niya ang isang not a text message but a vioce mail. Biglang tumaas ang excitement niya. Tinatanong sa sarili kung ano kaya ang sinabi ni Malcom sa kanya. "Wait lang Maru ahh. May papakinggan lang ako."

"Huh bakit may nag padala ng voice message no?. Oh my God!" Halos lumuwa na ang mata nito.

"Oo may nagpadala nga pero for my own ears only. Kaya diyan ka lang." Mabilis siyang kumaripas ng tukbo tungo sa may puno ng acasia. Pagkarating niya duon ay agad niyang pinindot ang buton mula sa kanyang cellphone at pinakiggan ang tinig ni Malcom. "Baby ko... Miss na miss na kita ohhh baby ko!!! Miss na miss na kita!!!" Kumakanta pala ito sa loob ng banyo. Nakuha pa nitong mag private concert saglit para mapadalan siya nito ng isang nakaka up-lift na awitin. 

Super kilig naman siya. Kulang na nga lang ay sumigaw siya ngayon sa kinalulugaran niya dahil sa labis na nararamdaman. Sa totoo niyan ay unlimited ang tawagan at text-ingan nila sa isat isa. Mula yata pag gising niya hanggang sa pag tulog ay nakakakuha siya dito ng libreng concert, love quotes at kung ano ano pang gimik ni Malcom para lamang kiligin siya. Minsan nga eh binalaan niya ito na baka magkasawaan sila sa isat-isa pero isa lamang ang sagot nito sa kanya. That he is never been weary to give her his best. 

Hindi parin maalis sa isip ni Yana ang boses sa kung anong kwartong pinasukan ni Malcom kanina. Kinikilig-kilig parin siya habang naglalakad pabalik sa pinanggalingan niya kanina. "O saan ka nagpunta at bakit ang tagal mo?

"Diyan lang sa tabi -tabi." Umupo siya sa tabi nito at inayos ang bahaba niyang buhok. Napatingin naman sa kanya si Maru. "Yung totoo friend sino yung nagpadala ng voice mail? Siguro si Proffesor Malcom yun no?"

Bigla siyang nagulat. Sa dinami-dami ba naman kasi ng hula nito eh bakit si Malcom pa! "Oy  Issue ka ahh! Bakit naman si Professor Malcom pa?" Inirapan niya ito at tumingin kunyari sa ibang direksiyon ng parke. 

Angels with Dirty FacesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon