“Good morning class,” bati ni Ms. Rivera.
Nagsitayuan ang lahat. “Good morning, Ms. Rivera,” at umupo na kami.
“Before we start our class, I will appoint the class officers. Please stand up Mr. Terashima, Ms. Roxas, Ms. Trinidad, Ms. Romero, Mr. Harrison, Mr. Hidalgo, Ms. Bautista, Mr. Fuentes, Ms. Jimenez, Ms. Pangilinan and Mr. Urbano and to the front.” tumayo naman kaming mga tinawag at pumunta sa harapan.
“Mr. Terashima will be the class president and the vice-president will be Ms. Roxas. Ms. Trinidad, you will be the secretary. Ms. Romero, you will be the treasurer and the auditor is Mr. Harisson. The Peace Officers are are Mr. Hidalgo, Ms. Bautista, Mr. Fuentes and Mr. Jimenez. And lastly, our muse and escort are Ms. Pangilinan and Mr. Urbano. Do you understand?”.
“Yes, Ma’am!” sagot naman naming lahat na nasa harapan.
“You may sit down now. We will start our new lesson.”
Ugh! What the the heck is happening to me? Bakit ako yung naging Vice-president eh wala nga akong experience pagdating sa mga ganyang bagay eh. Napabuntong hininga na lang ako.
*****
Breaktime na at naglalakad ako sa hallway.Hindi ko kasama sina Rika at Hana ngayon dahil pupunta sila sa C.R. para mag-retouch. Pero ako, hindi ko hilig ang magpaganda eh.
“Look who’s here? Our new elected freak vice-president of the class,” sarkastikong sabi ni Clariz.
“Huh? Anong problema niyo? If you have a problem with me being a vice-president you should’ve say so. Hindi yung magagalit ka. I’m outta here!” humakbang na ako palayo pero hinawakan ako sa balikat ni Clariz.
“And where do you think you’re going?” tanong niya sakin na may tono ng pagtataray.
Humarap ako sa kanya. “Malamang aalis na. Hindi ka ba marunong umintindi?”
“You’re so annoying!” sagot naman ni Michelle na kasama ni Clariz.
“Hoy! Hindi purket ikaw yung vice-president eh pwede ka ng magyabang.”
“Huh?! Kailan ba ako nagmayabang? Kung tutuusin nga ay ayaw kong maging vice-president eh. Wait lang! Naiinggit ka siguro kaya ka nagkakaganyan?” tanong ko sa kanya na may halong pang-uuyam.
“How dare you!” akmang sasampalin niya na ako.
Napapikit na lang ako pero wala naman akong naramdaman na may sumpal sakin kaya minulat ko ang mga mata ko.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Shiro at hinawakan niya sa kanang braso si Clariz para pigilan ang pagsampal sakin.
“Ah wala,” nagpumiglas siya sa pagkakahawak ni Shiro sa braso at lumapit sakin para pagpagan ang buhok ko. “Tatanggalin ko lang sana yung alikabok sa buhok niya. Ang dami kasing alikabok sa buhok niya eh,” Ngumiti siya pero halata sa kanya na pilit lang yung mga ngiti niya.
“Oo nga. Tama si Clariz. Wala naman kaming ginagawang masama sa kanya eh. Diba, Mayura?”
Sinungaling! Mga plastic! Hindi na lang ako umimik.
“Siguraduhin niyo lang. Maiwan ko na kayo.”
“Bye, Shiro!” kumaway siya kay Shiro.
“Bye, Shiro,” dugtong nila Michelle at Ryza. Tumalikod na si Shiro at lumakad na palayo kina Clariz.
“Kung akala mo ay tapos na tayo ay nagkakamali ka. Hindi pa tayo tapos. May araw ka rin.”
“Ang OA, huh?”
BINABASA MO ANG
Otaku Girl Mayura
Teen FictionSi Mayura Roxas ay simpleng high school student at may mga kaibigan.Hilig niyang manood ng anime, magbasa ng manga at maglaro ng visual novel. Pero ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong mayayabang at masungit. Hanggang sa isang araw...