Chapter 8: Surprise Quiz

80 6 0
                                    

Naglalakad ako ngayon papuntang school at naka-tsinelas lang ako. Hindi pa kasi ako nakabili ng tsinelas eh. Baka bukas pa ako makabili ng bagong sapatos.

“Bilisan ko na at baka ma-late pa ako,” papasok na ako ng gate ng school.

Bigla akong hinarangan ng isang security guard. “Miss, bakit kayo naka-tsinelas? Alam mo naman na bawal pumasok ng nakasuot lang ng tsinelas.”

“A, kuya! Pasensiya na po kayo kasi nawala po yung sapatos ko. Pwede po ba na papasukin niyo ko? Kahit ngayon lang po at promise, hindi na po ako papasok ng naka-tsinelas bukas,” paliwanag ko sa security guard.

“Hindi niyo ko madadaan sa palusot niyo. Alam niyong bawal yan pero ginawa niyo pa rin. Hindi ka pwedeng pumasok,” seryoso ang mukha niya.

“Parang awa niyo na po talaga. Papasukin niyo na po ako,” pakiusap ko.

“Kuya, papasukin niyo na po siya. Nawala po kasi yung kalahating pares ng sapatos niya.”

Si Claud pala yung dumating.

Lumapit siya sakin at bumulong. “Ilabas mo yung kalahating pares ng sapatos mo.”

“Oo.” Inilabas ko ang kalahating pares ng sapatos ko sa bag ko at ipinakita sa guard ang katibayan.

“Hmmm…Sige na nga. Pero kailangan bukas ay naka-suot ka na ng sapatos.”

“Maraming salamat po.” Ngumiti ako.

Ngumiti rin si Claud. “Salamat po kuya.”

“Hindi niyo ko kailangang pasalamatan. Basta bukas ay hindi na kita papapasukin bukas kapag naka-tsinelas ka pa rin.”

“Opo.”

Pumasok na kami ni Claud ng school.

“Salamat talaga kanina. Kundi dahil sa’yo ay hindi na ako nakapasok.”

“Walang anuman,” nginitian niya ako.

Ang gwapo niya talaga at gentleman pa. Certified Bishounen talaga siya. Crush ko na talaga siya.

“Pumasok na tayo kasi baka nandiyan na si Ms. Pineda.”

“Mabuti pa nga,” pagsang-ayon ko.

                                *****

Pagkatapos ng English class ay bumaba muna ako at pumunta sa locker area para kunin yung textbook ko.

“Sana makabili na ako ng sapatos,” pumunta na ako sa locker area at binuksan yung locker 157 at merong pink na kahon na nakalagay. “Ano naman kaya ito?” Binuksan ko yung laman nung kahon at nakita ko na isang pares na leather black shoes na size 9 at may design na bulaklak sa gilid. “Wow! Ang ganda naman nito! Kanino naman kaya galing ‘to?” Kinalkal ko yung buong kahon kung may nakalagay na sulat kung sino ang nagbigay pero wala akong nakita.

Si Claud kaya ang nagbigay nito? O kaya naman ay sila Rika? Imposible namang si Shiro ang nagbigay. Pero kung sino man ang nagbigay nito ay salamat.

Tinanggal ko na yung suot kong tsinelas at sinuot yung bagong sapatos. Inalagay ko na lang sa loob yung tsinelas at kinuha yung isa kong textbook at bumalik na ng classroom.

                              *****

“Yura, nakabili ka na pala ng bagong sapatos,” napansin ni Hana ang suot kong bagong sapatos.

“Hindi ba ikaw ang nagbigay nito?” sabay turo ko sa suot kong sapatos.

“Uyyy! Kailan mo binili yan? Nung weekend? Sana man lang ay niyaya mo kami para masamahan ka namin sa pagbili niyan.”

Otaku Girl MayuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon