Mayura's POV
"Dapat kasi ay hindi na lang ako pumayag eh. Ayaw ko na tuloy pumunta." Nakaupo ako sa sofa at nag-iisip kung pupunta ako o hindi.
Okay lang naman siguro na indiyanin ko siya noh? Nagdadalawang isip ako eh. Ugh! Ano k aba naman, Mayura? Pumayag ka nga di ba? Kaya dapat pumunta ka. Argh! Mou! Nakakainis na!
*****
Nandito ako ngayon sa banda sa Malaya Street at naglalakad papunta sa Malaya Fountain.
In the end, pumunta pa rin ako dito. Haaaay! Bahala na nga!
Pag tingin ko sa relo ko ay 10:10 a.m. na. Late na ako ng 10 minutes.
OMG! Late na ako! Ah basta, bahala siya!
Nagmadali na lang akong maglakad at natanaw ko na si Shiro na nakatayo at nakasuot ng shades. Casual lang yung suot niya pero mahahalata mo na maganda ang taste niya when it comes to fashion. Well, ako naman ay casual clothes din ang suot ko. Literal na napanganga ako dahil hindi maipagkakaila na gwapo talaga siya.
Sheeeet! Ang gwapo niya! Bakit ganyan ka, Shiro? I can't help myself not to stare at you. You're so unfair.
Nung nakita ako ni Shiro na papalapit sa kanya ay slow-mo niyang tinanggal ung shades niya.
Grabe! Ang gwapo niya talaga! Ayyyy! Hindi pwede 'to! Erase,erase,erase!
"You're 10 minutes late," then he gave me a death glare.
"Wow ha! Grabe! Nagmadali na nga ako eh."
"Huwag mong pairalin ung Filipino Time. Hindi mo ba alam yung kasabihan na 'Time is Gold'?" Tinitigan niya akong mabuti. "Bawat oras ay mahalaga. Hindi dapat sinasayang ang bawat minuto."
"Hugot! Eh di wow!" Yun na lang ang nasabi ko.
"Tsk!"
"Anong bang nakain mo at sinabi mo na kung sino ang mananalo ay makaka-date ka?"
"Mukha kasi na gusto talaga akong maka-date ni Clariz eh kaya naisip ko yun."
"Eh kung ganun naman pala, bakit sakin ka pa nakipagdate? Si Clariz naman pala ung gusto mo eh," inis na sagot ko.
"Heh? Don't tell me, you're jealous?" ngumisi siya.
"Huuuh? Nooo waaay! Mas gusto ko pa na maka-date si Claud kesa sa'yo, noh!"
Parang nagalit yata si Shiro sa sinabi ko.
"I'm leaving," sabi niya. Tumalikod na siya at naglakad na.
"Wait! Shiro, wait!" sigaw ko pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na para bang walang narinig.
Naku! Panu na 'to? Nagalit siya! Argh! Anong gagawin ko?
Bigla kong naalala yung sinabi niya sakin kung kailan ung date namin.
*flashback*
"Huh? Ticket sa Happy Dream Land? Seriously? Diyan tayo pupunta?"
"Siguro naman ay sasama ka na sakin?"
"Ah...eh..."
"Don't worry about that. I already bought tickets for us two of us and it's the 'Ride-All-You-Can' ticket."
"Isipin mo na lang ay nilibre kita ng ticket at hindi yun date. Yun lang."
"Huh? Seriously? How much? Babayaran ko na lang. Ayokong magkaroon ng utang sa'yo, noh!"
BINABASA MO ANG
Otaku Girl Mayura
Genç KurguSi Mayura Roxas ay simpleng high school student at may mga kaibigan.Hilig niyang manood ng anime, magbasa ng manga at maglaro ng visual novel. Pero ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong mayayabang at masungit. Hanggang sa isang araw...