“Heh? Talaga? Tomboy siya? At panget? Eh ano yung mga itsura niyo? Kayo naman ay mga clown. Tingnan niyo nga yung mga itsura niyo, sobrang kapal ng make-up niyo tapos parang espasol. Tingin-tingin din sa salamin pag may time,” malumanay yung pagsasalita at nakangiti pa nga ako pero hindi yung mga mata ko.
Nag-iba yung itsura nila. Yung tipong nakakita ng multo at nanginginig na sila sa sobrang takot.
“K-kanina ka pa ba nandiyan?” tanong niya na halata sa boses ang sobrang pangangatal.
“Actually, kanina ko pa naririnig yung usapan niyo. Na-curious kasi ako sa topic ng usapan niyo kaya nakinig ako. Sorry ha. Alam ko kasi na masamang makinig sa usapan ng iba. But I can’t help it.” Kaswal na sagot ko at nakangiti pa rin ako ng pilit pero syempre hindi halata.
“Pasensiya na. Mauna na kami.” At hinila niya yung kasama niya sa braso at tumakbo na sila ng mabilis. At naglaho na sila na parang bula.
“Pfffft! Hahahaha!!!” Tumawa ng napakalakas si Rika.
“Huwag niyo na nga akong pagtawanan diyan!” nag-pout naman ako.
Nandito nga pala kami ngayon sa canteen dahil wala yung teacher namin sa Chemistry.
Nasa lamesa kami ngayon at kumakain.
“Nakakatawa ka kaya. Parang tanga lang,” pagsang-ayon naman ni Hana kay Rika na lalong ikinainis ko.
“Tigilan niyo nga ako! Eh, mga tsismosa kasi sila eh.”
“Naiimagine ko na kung ano yung itsura mo habang kausap mo sila,” tumigil na rin sa pagtawa si Rika. Sa wakas!
“Ikaw naman kasi eh! Hindi ka man lang nagpapaganda,” sabay subo ni Rika sa kinakain niyang hamburger.
“Huh? Ako, magpapaganda? Hindi ko na kailangan ‘yan? Maganda na ako,” uminom ako ng Cola-cola na nasa tin can.
“Talaga?” pang-uuyam ni Hana at kumain siya ng Lucky! Lucky! na pancit canton, yung chili mansi flavor.
“Oo na. Ako na yung pangit!” sabay kagat ng Hansel and Gretel biscuits, yung mcha flavor.
“Mag-ayos ka kasi! Magpaganda ka”, payo ni Hana at pinagpatuloy ang pagkain ng pancit canton.
“Magpaganda? Yung pagma-makeup na sobrang kapal na parang espasol ang mukha at maglagay ng pulang lipstick na parang maga.”
“Hindi naman yun yung gusto naming eh. Ayusin mo yung hairstyle mo. Maglagay ka ng kahit konting foundation sa mukha mo para medyo pumuti,” at inubos na ni Rika yung kinakain niyang hamburger.
“Saka lang ako maglalagay ng pampaganda pag magse-selfie ako.”
“Hindi ka ba nakakaintindi? Mag-ayos ka ng itsura mo hindi yung haggard na haggard ka. Kaya ka napagkakamalang tomboy eh,” dugtong ni Rika.
“Pati yung kilos mo eh parang lalake. Kung ako lalake, paniguradong matuturn-off ako sa’yo,” dugtong ni Hana at tinigil muna ang pagkain ng pancit canton.
“Ang sama mo! Nakaka-hurt ka ng feelings.”
“Kaya nga sabi namin diba? Magpaganda ka! O kaya ay kumilos ka na parang isang Maria Clara na hindi makabasag-pinggan,” payo ni Rika.
“Ako? Magpapaka-Maria Clara? Nagpapatawa ba kayo?”
“Joke lang! Kumilos ka na isang tunay na babae. Gawin kaya natin yung katulad sa Yamato Nadeshiko Hachi Henge para maging isang tunay na babae na siya,” paliwanag ni Hana.
“Seryoso?” pagtatakang tanong ko.
“Syempre hindi,” sagot naman ni Rika.
Tinusok ko sa tagiliran si Hana. “Aawwww!” Umiwas siya sakin. “ Tigilan mo nga ako, Yura. Nakikiliti ako.”
BINABASA MO ANG
Otaku Girl Mayura
Teen FictionSi Mayura Roxas ay simpleng high school student at may mga kaibigan.Hilig niyang manood ng anime, magbasa ng manga at maglaro ng visual novel. Pero ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong mayayabang at masungit. Hanggang sa isang araw...