"Yura, anak," pagtawag sakin ni mama.
"Bakit po?" tanong ko.
Nandito kami ni mama ngayon sa lamesa at kumakain ng almusal. Wala kaming pasok ngayon dahil sabado.
"Gusto mo ba ng bagong cellphone?"
"Syempre po."
"Bibigyan kita ng pera para makabili ka ng bagong cellphone. Okay ba sa'yo yun?"
"Talaga po?" tanong ko na hindi makapaniwala sa narinig.
"Oo naman. Nakita ko kasi na hirap na hirap ka sa luma mong cellphone."
"Okay na okay po. Thank you po," ngumiti ako.
"Walang anuman. Mamaya ko na lang ibibigay yung pera. Pwede mo ring isama yung sina Rika at Hana."
"Sige po. Thank you po talaga."
Ngumiti siya. "Sige, kumain ka at lalamig na ang pagkain."
"Opo," pagsang-ayon ko.
*****
Tinawagan ko muna si Rika ngayon.
Nag-dial ako ng number ni Rika sa cellphone ko. "Hello. Rika."
O, napatawag ka.
"Kumusta?"
Parang ang tagal naman nating hindi nagkita. Namiss mo agad ako?
"Pwede ka ba bukas? Punta tayong tatlo ni Hana sa Smile Mall?"
Oo naman. Bakit?
"Eh kasi, binigyan ako ni mama ng pera para daw makabili ng cellphone."
Talaga? Naks naman. Magkakaroon ka na ng bagong cellphone. Android phone yung bilhin mo ha.
"Kaya nga magpapasama ako sa inyo eh, para tulungan niyo ko na makapili ng magandang phone."
Okay sige. Mga anong oras ba?
"1pm, sa harap na ng main entrance ng Smile Mall."
Okay sige. Magkita na lang tayo. Btw, natawagan mo na rin ba si Hana?
"Hindi pa eh. Pero, tatawagan ko rin siya."
Tawagan mo na siya. Sige na. Babye na.
"Babye. Kita tayo bukas."
Okay.
Tinapos ko na yung tawag ko kay Rika. At nag-dial naman ako ng number ni Hana.
"Hello, Hana."
Yura?
"Oo. Ako nga."
Anong nakain mo at tumawag ka?
"Nakain agad? Hindi ba pwedeng napatawag lang?"
Sorry. Okay, sorry. *Insert Steffi Cheon's voice*
"Itatanong ko sana kung pwede ka bang sumama samin ni Rika na pumunta ng Smile Mall bukas?"
Bakit naman? May bibilhin ka ba?
"Oo. Binigyan ako ni mama ng pera para daw makabili ako ng bagong cellphone eh."
Wow! Nakanang bebe!
"Ano, pwede ka ba bukas."
Sure. Why not? Anong oras ba?
"1pm, sa main entrance ng Smile Mall."
BINABASA MO ANG
Otaku Girl Mayura
Teen FictionSi Mayura Roxas ay simpleng high school student at may mga kaibigan.Hilig niyang manood ng anime, magbasa ng manga at maglaro ng visual novel. Pero ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang mga taong mayayabang at masungit. Hanggang sa isang araw...