Chapter 7: The Missing Shoe

55 5 1
                                    

Naglinis na lang ako ng mga classroom dahil hindi ko talaga makita yung sapatos ko.

“Hay…Nasaan na ba yung sapatos ko. Anong gagamitin ko sa lunes? Buti na lang at may tsinelas ako sa locker kundi nakayapak na ako ngayon.” Bitbit-bitbit ko yung dalawang trash bag para itapon sa basurahan.

“Mayura!”

Lumingon ako sa likuran at nakita si Claud na palapit sakin.

“Anong ginagawa mo dito? Diba, uwian na?”

Lumapit na siya sakin. “Uuwi na ako pero nakita kita eh. Tulungan na kita diyan.” Kinuha niya yung isang trash bag sa kaliwang kamay ko.

“Salamat.” Nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang basurahan.

“Wala yun. At mukhang hirap na hirap ka na sa pagbitbit niyan. Bakit hindi ka nagpatulong sa mga kaibigan mo?”

“Tinanggihan ko sila eh dahil ayoko na silang maabala pa.”

“Ikaw naman ang nahihirapan.”

“Okay lang. Kasalanan ko naman yung nangyari eh.”

“Pasensiya ka na talaga kay Clariz. Huwag mo na lang siyang patulan.”

“Huwag ka na ngang humingi ng sorry. Wala na sakin yun. Nangyari na eh.”

“Okay.” Tumango siya.

“Btw, may nakita ka bang sapatos na itim sa ground?”

“Bakit? Anong nagyari sa sapatos mo?”

“Ah...Err…”

Wait lang! Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na si Shiro yung may kasalanan kung bakit nawala yung sapatos ko.

“Nahulog kasi sa rooftop yung sapatos ko eh. Tapos hinanap ko sa baba ay hindi ko makita.”

“Sorry, pero hindi ko nakita eh. Kaya pala nakasuot ka ng tsinelas ngayon. Gusto mo bang tulungan kitang hanapin ulit yung sapatos mo?”

“Huwag na. Hayaan mo nay un. Bibili na lang ako ng bago kasi luma na rin naman yun.”

“Sigurado ka?”

“Oo, okay lang. Salamat sa alok mo.”

Bibili? Wala nga akong perang pambili ng bagong sapatos eh. Paano na ‘to?

“Nandito na pala tayo eh.” Sabay turo sa basurahan.

“Oo nga,” pagsang-ayon ko sa kanya. Nilagay ko na sa basurahan na may nakalagay na non-biodegradable yung dala kong trash bag. Ganun din si Calud.

Otaku Girl MayuraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon