Chapter 7

2.7K 89 0
                                    

Chapter 7

Pabagsak kong inibaba ang lahat ng gamit ni Ethan. Talagang ipinarinig ko sa kanya kung pano ko 'to binagsak. Hindi porket personal maid nya ko, ganito na ang gagawin nya sakin. Lawit na ang dila ko kung maghapon nya kong pahihirapan. Idagdag mo pa ang isang bakulaw na babae dito! Ang lakas ng loob, sumama sama pa dito. Walang iba kundi si---Chelsea! Nagpumilit na sumama kay Ethan! At nang nasa byahe kami ay panay ang irap sakin.

Sabagay, anong mapapala ko sa irap nya? Wala diba? So hindi ko nalang pinansin. Hipan sana ng hangin yung nga mata nya ng forever ng ganon. Nakaka imbyerna!

"Faster! Ano ka ba?! Mas makupad kapa sa pagong, Gosh!" Bulyaw sakin ni Chelsea. Habang ako naman ay pilit na binibitbit ang mamahalin nyang maleta. Akala mo dalawang taong mag iistay dito sa bayan ng Maden.

Nang nabuhat ko ay pumunta nako mismo sa main door, at hinarap sya.

"San ko to dadalin?" Tanong ko. Napa irap naman sya.

Taas kilay na humarap sya sakin. "Nakoo! Ang tanga tanga mo! Malamang sa kwarto ni Ethan! Boba!" Sabi nya sabay irap.

Dahil sa kwarto naman pala ni Ethan dadalin, ibinigay ko sa kanya ang 'mamahalin' daw nyang maleta para sya mismo ang magdala sa kwarto ni Ethan. Hanggang ngayon kasi ay hindi nya ko pinapansin, galit parin dahil naputol ko ang ginagawa nilang kaligayahan ni Chelsea.

"Sige Athena, mauna nako. Si Ethan na ang mag dedesisyon kung saan ang kwarto mo." Naka ngiting sabi sakin ni Master Fier. (Ethan's Daddy)

"Salamat po." Sabi ko. Sinabi narin pala ni Master Fier na dito sa Bayan ng Maden muna ako pansamantalang mag aaral. Sagot naman nila ang gastusin kaya walang problema saakin.

Alam ko naman ang kwarto ni Ethan kaya kumatok nako. Itatanong ko kung saan ang kwarto ko.

~*TOK! TOK!*~

Dahil hindi nya naman binubuksan ang pintuan, ako na ang bumukas. Hindi naman din yon naka lock. Pagbukas ko ay andoon sya, nakaupo sa King Size Bed na walang pantaas. Agad akong yumuko at agad na tumalikod. Pano ba naman kasi, walang pantaas! Sinong bababe ang hindi magiging komportable aa suot nya?

"Bakit ka andito? Anong kailangan mo?" Malamig na tinig ang narinig ko mula sa kanya.

"San ang kwarto ko?" Sa ganitong sitwasyon, nilakasan ko ang loob ko. Hanggang ngayon ay galit parin sya sakin.

"Sa taas. Now, leave." At walang sabi sabi'y pinagsaran bya ko ng pinto.

                             ***

"Pasensya na anak kung nagsinungaling ako sayo, hindi ko sinasadya." Tila nagpintig ang tenga ng dalaga sa narinig mula sa kanyang ama. Tinuring na ama.

"Hindi sinasadya?! Ano nanamang kalokohan yang pinagsasabi mo?! Hindi na ko maniniwala sa kalokohang sasabihin mo! Papaikutin mo nanaman ako sa matatamis mong salita! Pareparehas lang kayo!" Nanggagalaiting sabi ng isang dalaga. Kasabay ang pagkulog,pag buhos ng malakas na ulan at pagkidlat.

Dahil sa galit ay wala syang ginawa kundi tumakbo. Tumakbo ng tumakbo. Hanggang makarating sya sa Gubat ng Maden.

"AAAAHHHHH!" malakas na sigaw nya, wala na syang maramdaman ngayon kundi galit at awa naman para sa sarili nya. Sumigaw sya ng sumigaw hanggang sa mapagod na sya. Nang mapagod sumigaw ay saka naman sya humagulgol. Sumabay bumuhos ang luha nya sa ulan na pumapatak. Nahinto nalang sya ng may narinig syang kakaibang tinig. Tinig ng lobo. Sa madilim na parte ng gubat ng Maden nakita nya ang mapupulang mata ng lobo, na tila handang handa syang sunggngaban.

Napabalikwas ako ng bangon ng hindi ko malaman ang dahilan. Tila sa hindi malaman na dahilan, bigla nalang kumirot ang ulo ko. Habol hininga, pinagpapawisan ako ng malamig at kumikirot ang ulo ko. Hindi ko maintindahan kung bakit. At ayon nanaman ang misteryoso kong panaginip. Gabi gabi ay napapanaginipan ko yung babae nayon. Na parang humihingi ng tulong mula sa nakaraan.

~To Be Continued~

A:N/ Don't forget to VOTE,COMMENT and Follow me, for more updates! Thanks!

Question: Sino ang babae sa panaginip ni Athena?

Comment your thoughts!

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now