Chapter 12.5

2.3K 82 13
                                    

Chapter 12.5

Nakatayo ako ngayon dito sa harapan ng kwarto ni sir Ethan. nagdadalawang isip kung kakatok bako o hindi. sa daddy nya nalang kaya ako magpaalam? ayos lang kaya? hay. ang hirap.

"Oh, anong ginagawa mo dyan?" nagulat nalang ako ng may biglang nagsalita sa harapan ko. si Victoria.

"Ahh. magpapaalam lang po sana ako kay S-Sir Ethan." kabadong sabi ko. napairap naman sya.

"Sure ka? bakit naman?"

"Aalis na po kasi ako."

nakita ko namang napangisi sya.

"oh. good. sige na. pwede ka nang umalis. ako nalang ang magsasabi sa kanya." nakangiting sabi nya sakin.

"sure po kayo?" tanong ko pa

"oo naman. sige na. layas na."

nakakaisang hakbang palang ako ng makarinig ako ng bukas ng pintuan.

"Where are you going?" Ethan. hindi ko alam kung bakit tila nanginig ang tuhod ko. dahil ba sa kanya?

"M-Mag r-reresign n-na p-po kasi a-ako." kabadong sabi ko.

"Without my permission?" kahit na nakatalikod ako ay sigurado akong nakakunot na ang kilay nya.

"No. hindi po sir. hindi po sa ganon. si Ms. Victoria napo ang tanungin nyo"

"What?! why me?"mabilis na sagot nya.

"Sainy---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng sumingit si Ethan.

"No. hindi ka muna aalis." hindi ko alam kung bakit ganon ang kabog ng dibdib ko ng sambitin nya ang mga letrang iyon, na parang musika sa aking tenga. hindi sya pumayag. hindi sya pumayag na umalis ako.

"Ipagpabukas mo nalang yan."

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now