Chapter 12

2.5K 73 1
                                    

Chapter 12

Maliwanag ang gabi, Malamig ang simoy ng hangin, at tahimik. Wala namang pinagbago. Ganon parin tulad ng sa dati. Pinakiramdaman ko ang paligid. Wala kang ano mang ingay na maririnig dibali nalang sa pagwagayway ng mga puno kasabay ng pagihip ng malakas na hangin.

Inisip ko ang kalagayan ko. Nakakaawa ako. Walang kaibigan, may pamilya pero parang wala. Walang nag mamahal sakin.

Akala nila ay ganon ako kalakas. Ganon kalakas para kayanin ang mga problema. Ang hirap na kasi eh. Ang hirap kasi na ipakitang mahina ako sa kanila. Isa sa mga kinakatakutan kong bagay. Na baka, bukas o sa makalawa, hindi na nila ko kailanganin. Maging wala na kong silbi.

The hardest part about being too strong is that nobody might care to ask if are hurt.

Meron akong isang notebook. Doon ko lahat sinusulat ang mga problema ko. Lahat lahat. I write because no one will listen. Alam ko naman kasi yon. Bakit ba kasi ang hina hina ko? San ko ba makikita ang halaga ko?

***

Nagising ako ng narinig kong mag ring ang cellphone ko. Agad akong bumangon at tinignan kung sino ang tumatawag. Nakita ko naman ang pangalan ng pinsan ko.

"Hello?" Mahinahon kong sabi.

"Kakausapin kadaw ni Mommy." mataray na sabi nya saakin. sa pananalita nya palang, halatang nakabusangot na ang mukha nya.

"Pangken..." malambing na wika ang sumunod na sumalubong sakin. alam ko na ang kailangan nya. pera.

"Alam mo ba, ang tagal tagal ka naming hinintay. Hindi ko alam nagtrabaho kana pala.." Ang sabi nya. Ah, kaya pala pinalayas nya ko sa pamamahay nya. "May pera kaba dyan? wala na kasi kaming makain eh. pautangin mo naman ako pangken." dagdag nyang sabi saakin.

"Wala pa kong pera. hindi papo ako sumasahod." banggit ko.

"Jusmiyo naman! Ang tagal tagal mong nawala tapos sasabhin mo sakin na wala kang pera?! ano ba talaga? nagtatrabaho kaba talaga?!" ang kaninang mahinhin nyang salita ay napalitan ng inis at galit. sabagay hindi ko naman sya masisi. since birth ata tong galit sakin eh.

"Oh ano? bat hindi ka makasagot?" dagdag pa nya.

"Eh tita, wala pa po akong isang buwan na nagtatrabaho. hindi pa ho ako sumasahod---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nya nakong pinagpatayan. sabi na nga ba eh. kaya lang sila ganon sakin dahil maykailangan sila. ganon naman lahat ng tao eh. wala na kong dapat pang ipagtaka kung magiging bago ang pakikitungo nila saakin.

napabuntong hininga nalang ako sa nangyari. ilang minuto pa ang nagdaan ay nakatanggap nanaman ako ng tawag. tawag mula sa pinsan ko.

"Umuwi kana dito at mag impake kana dyan. kailangan mong maghanap ng bagong trabaho. yung mabilis ang sahudan ng may napapala naman kami sayo. lintek!" pagkasabi nyang yon ay pinagbabaan nya nanaman ako. mukhang kailangan kong puntahan si sir Ethan. para makuha ang sweldo ko. hayy. ang kapal kapal naman siguro ng mukha ko kung gagawin ko yon hano? wala pa kong isang buwan pero kukunin ko na agad ang sahod ko. haist. bahala na. makapal na ang mukha, pero kukunin ko padin yon. kesa ako naman ang bulyawan ni tita kapag nakauwi nako.

pero kung aalis kaya ako dito? pipigilan kaya ako ni Ethan? ano kayang gagawin nya? pipigilan kaya nya ko o hahayaan lang? siguro hahayaan nya lang ako. andyan naman na kasi Victoria. hindi nya na ko kailangan.

~To Be Continued~

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now