Chapter 10

2.6K 85 0
                                    

Chapter 10:

Pagkauwi ko sa Mansyon ay pumunta nako agad sa kwarto at saka nagbihis. Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa kama at pabagsak na humiga. Ewan ko ba kung bakit parang pagod na pagod ako sa araw nato. Pakiramdam ko ay ang dami dami kong ginawa na pwedeng mapagod ng husto ang katawan ko. Alam kong gising ang isip ko pero tulog naman ang katawan ko...

Nakakapgtaka dahil mayroong batang babae sa harapan ko. Nakalahad ang kamay. Wala sa sarili akong humawak sa kamay nya. Pagkahawak ko ay biglang nagbago ang paligid. Ang kaninang madilim na gubat ay napalitan ng isang maaliwalas na hardin. Ang kaninang Mansyong luma na ay napalitan ng isang Mansyong napakaganda. Pero ang mas nakapagtataka, bakit nawala ang bata kanina? Kanina ay hawam hawak ko lamang ang kamay nya pero ngayon, naglaho na sya. Nawala ng parang bula. Nalingat lang ako, bigla na syang nawala. Andito ako ngayon sa gilid ng hardin, na para bang nanonood, naghihintay sa susunod na mangyayari. Para bang andito lang akong nanonood ng mga nangyari mula sa nakaraan.

Nakita kong napahinto ang isang babae at nang sundan ko kung saan sya napatingin ay don ko naman namataan ang isang makisig na lalaki, ang lalaking iyon...sya ang lalaking nasa panaginip ko! Sa unang panaginip ko! Sya ang lalaking dayuhan! Pamilyar na pamilyar sakin ang mukha nya, ang tindig at kung ano ang meron sa kanya pero hindi ko maalala kung sino sya. Wala akong matandaan.

"Mahal..." tinig iyon ng babae. Lumapit ang binata sa kanya at saka hinaplos ang kanyang kanang pisngi.

Sinubukan kong umalis ngunit ako lang ang nahirapan. Para bang may pumako sa paa ko, napakasakit. Ang sakit sakit, hindi ko alam kung saan galing ang sakit pero bakit parang unti unting naninikip ang dibdib ko? Bakit parang gusto kong umiyak at magwala? Sinubukan kong sumigaw pero ako lang ang kinilabutan. Walang lumabas na boses sa bibig ko.

"Mahal, ano ang nais mong sabihin?"

Mapait na ngumiti ang binata. Kasabay nang pag ngiti nya ang pagpatak ng namumuong luha sa mata nya. "Mahal, m-maghiwalay n-na t-tayo. M-May i-iba n-nakong g-gusto." Sabi ng binata na lalo namang nagpasikip ng dibdib ko. Hindi ko talaga alam! Parang konektado ang nakaraan ko sa panaginip na 'to.

Suminghap sa hangin ang babae, pagkatapos non ay humagulgol. Pinagsusuntok nya sa dibdib ang lalaki na hinayaan lang sya.

"M-Mahal...B-Bakit?" Mahinang sabi ng dalaga. Tuluyan nadin na dumaloy ang madami nyang luha sa kanyang dalawang pisngi.

"Kasi, h-hindi na k-kita mahal." Matibay na sabi ng lalaki. Pinunasan naman ng babae ang luha nya saka tumingin sa malayo.

"Sige, kung yan ang gusto mo. Pero  pwede bang sabihin mo sa huling sandaling kasama kita na hindi na ako ang iyong mahal?" Pagkasabi nya non ay saka ulit nagsilabasan ang mga luha nya sa mata. Tumingin ulit sya sa malayo at pigil ang kanyang pag hikbi.

"Hindi na kita Mahal."

Nang sabihin nya ang mga katagang iyon ay mas lalong sumakit ang dibdib ko. May tumutusok na hindi ko alam kung saan nagmula. Parang may pumupigil sa paghinga ko. Bakit? Bakit parang ako yung babae?

"Hindi na kita Mahal, Victoria..."

Bakas sa mukha ng sinabi nyang Victoria ang panlulumo. Parang may pumipigil sa paghinga nya. Sa madaling salita, nasasaktan sya. Katulad ko.

Pero bakit? Bakit ako nasasaktan? Bakit parang ako sya? Pano? Ako nga ba si Victoria?

***

Nang tignan ko ang orasan ay ala singko palang pala ng umaga. Masyadong maaga para maghanda. Pero bakit parang may naghahanda sa ibaba? Nang tuluyan na akong bumaba ay bumungad sakin ang mga katulong na hindi makanda ugaga sa paghahanda.

Kinuha ko ang atensyon nila at saka palang nagsalita. "Ano pong meron?" Tanong ko. Napatingin naman sila saakin at bakas sa mukha nila ang hindi makapaniwala, nagulat.

May isang matandang hininto ang pag aayos ng lamesa at saka sabing, "hija, hindi mo ba alam? Ngayon ang dating nang fiancee ni Ethan."

~To Be Continued~

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now