Chapter 32

1.2K 38 4
                                    

Chapter 32

Simula nang madiskubre ko kung anong klaseng nilalang ako, tila nagbago ng tuluyan ang buhay ko, dati ang pinoproblema ko lang ay ang kung pano ako magkakaroon ng pera ngunit ngayon? iniisip ko kung sino ba talaga ko at ano ang koneksyon ko kay Victoria.

Sino? sino ang totoong kakampi at sino ang totoong kalaban? sa twing malapit nako sa katotohan ay tila ba may naglalayo sakin upang hindi malaman yon.

May traydor ba? Sila ba o ang aking isipan? hindi matatanggap ang anumang bagay na pwedeng malaman.

Sino ba talaga si Victoria? Anong tunay na nangyari sakanya? naging isang malaking suliranin sa mundo ng bampira ang pagkawala ng isa sa pinakamahalagang tao dito.

Sino ang mga magulang ko? Totoo bang patay na ang mga ito? kung hindi, nasaan sila?

Sino ako? Athena nga ba talaga ang tunay kong pangalan? Anong klaseng bampira ba ako at ano ba ang kakayahan ko bilang isang ganitong nilalang?

Palakpakan ang tanging umalingasaw sa buong gym, walang nagpangahas na buksan ang kanilang mga bibig upang magsalita, tanging ang nasa harapan lamang ang binibigyan ng pansin ng bawat isa.

Kilala ang mga bampira dahil sa kanilang kanya kanyang kakayahan. Bilang bampira mas malakas ang pandinig, pang amoy at pangkita namin kesa sa mga normal na tao, kaya't hindi hirap samin tignan ang isang bagay kahit na napakalayo nito.

Nagbubuga nang nakakakabang awra ang pamilyang Viel, sigurado akong kung magkakaroon ka ng pagkakataong kausapin ito ay may tyansang maihi ka sa suot mo.

Hindi ako interisado sa mga sinasabi nila sa harapan, ako lang ata ang walang interes dahil ang mga mata at tenga nila ay nakatutok sa harapan. Hindi ako mapakali sa upuan, natigil yon nang makuha ni Ms. Viel ang akinv interes, Tumikhim muna sya bago magsalita. "We have a good news and also a bad one.." wika nya. Bulong bulungan ng mga estudyante ang namayani sa buong gymnasium.

"Our daughter is alive and she's inside this University.." Lalong nagbulungan ang mga estudyante, gulat na napabiling ang HEADS sa bawat isa,

"Kapag nalaman to ng grupo na dumukot sakanya few years ago, siguradong itong Univeristy na to ang magiging unang pakay nila, hindi na ulit nila hahayaan na makaligtas ang anak ko, at hindi ako papayag don.." Matalim ang titig nya, "Starting tomorrow, lahat ng estudyante kanya kanyang praktis sa training room, sanayin nyo ang mga pinagkaloob sainyong abilidad, because...This is war, mark my words." pagkatapos nyang sabihin yon ay nawala na sya na parang bula. Nagkagulo ang mga estudyante sa nalaman, hindi makapaniwala.

May mga estudyanteng nagulat, may mga walang pakielam, may mga parang wala lang tulad ng mga HEADS, habang ako umasim ang mukha. Anong bang espesyal sakin?

***

Ilang minuto din ang lumipas ng matapos ang pagsalubong, at sa mga minutong nagdaan, may mga bumabagabag sa isip ko. Hindi ito ang buhay na ginusto ko. Pero kahit na ganon, wala akong magagawa. Wala akong nagawa kundi mapa buntong hininga nalang.

Come think of it, sa mga nangyayari saakin—sa panaginip ko, nakakakita ako ng past ng isang tao, nalalaman ko din kung anong klaseng tao o bampira ang isang tao, at minsan—nakikita ko ang future pero madalang mangyari. Halos limang beses ko lang nakita at limang beses lang din tumama. Siguro dahil sa kakulangan ng ensayo? Hindi. Pero, baka nga.

Ang sabi nila, ang common na kakayahan daw ng bampira ay ang malinaw na mata at matalas na pandinig. Siguro meron na kaming lahat non.

Pangatlong buntong hininga ko na 'to, Kainis. Ano ba kasing espesyal sakin? Special child lang ata ang alam ko.

Kung bumalik nalang kaya ako sa mundo ng mga tao? No, no, balita ko ay nawawala ang susi ng portal na nagsisilbing lagusan na konektado sa mundo ng bampira at ng mga tao. Haaaay.

Ang lugar na tinutungtungan ng eskwelahan namin ngayon ay walang ibang kahit na anong gusali. Eskwelahan lang talaga. Wala pading takas.

Ang alam ko, sa mga nababasa ko sa libro, may lugar ang mga bampira kung saan talagang may mga palasyo. Mayroon silang 5 palasyo na makakapangyarihan at sa bawat isang palasyo ay may sakop silang lugar na kanya kanya nilang pinamumunuan. San kayang lugar nabibilang ang pamilya ko?

Nabanggit din saakin ni Zeki na, pagkatapos daw ng pag aaral dito ay ibabalik kana sa palasyo o lugar kung saan ka nabibilang at dito ka ieensayo para sa mga tungkulin na meron ang bawat bampira na elite.

May reyna at hari kaya sakanila? Eh prinsipe at prinsesa? Bampira at Lobo lang ba ang meron sa lugar na 'to?

Pag nakarating ka sa lugar kung saan may iba'i ibang palasyo ay mababago ang pananaw at nakasanayan mo. Ibang iba daw ang lengguwahe dito. Mas malalim ang mga salita.

Lalong sumakit ang ulo ko. Hindi ko keri!

Maya maya pa ay may lumapit saamin na isang lalaki, Yung kuya ni Victoria! Si Cali!

Sinalubong sya ng mga heads, kung ano ano ang mga pinag usapan nila. Dati palang nag aral dito yung Cali, MVP player pagdating sa mga sports lalo na sa basketball. May mga pagkakataon na lumilingon sya sakin na sya namang ikinailang ko.

Hmm, halata nga na magaling maglaro ng bola, pati mambola ng babae.

Napairap nalang ako.

TO BE CONTINUED

The Vampires LoveWhere stories live. Discover now