Chapter 6

19 2 0
                                    

Theo's POV

Second son of J.E. Hotels.

"Theo is here." sabi ni Chase ng nakita akong dumating.

Umupo ako sa bakanteng upuan nasa isang cafe sila nung tumawag si Phil saken kani-kanina. Akala ko siya lang mag-isa ang maghihintay saken. Buti naman at nagpasama siya sa tatlo.

"Sobrang hot ni Malia." sabi ni Az.

"Oo nga. Kaso ayaw niya sa relationship Sayang!" iiling-iling na sabi naman ni Chase.

Mukhang kanina pa nila pinag-uusapan ang walang kamuwang-muwang na si Malia.

Tumingin saken si Charles saka nagsalita, "Mag-sorry ka na kay Malia." aniya

"Mag so-sorry naman talaga ako. Nag-iisip lang ako ng paraan kung paano ako mag so-sorry ng hindi niya ako tinatarayan. Kita niyo naman siguro kung paano ang treatment niya saken kanina." pagpapaliwanag ko.

"Oo. Para kang aso na natakot sa kanyang amo. Haha." pang-asar ni Chase.

"Dude, your balls are lost. haha." pang-aasar naman ni Az. Nakipag high five pa sakanya si Chase.

"Shut your mouth. The both of you." galit kong tiningnan si Az at Chase. Tinaas naman ni Charles ang dalawang kamay at iiling-iling na nagpipigil sa pagtawa.

"Pero honestly speaking yung feature ng mukha ni Malia, parang nakita ko na. Parang nakilala ko na siya dati." sabi ni Chase. Humawak pa sa baba niya para mag-isip.

"Pamilyar nga ang mukha niya. Pati ang pangalan niya. Kanina ko pa siya tinitingnan nung nasa bar pa lang tayo pero hindi ko maalala." sabi naman ni Charles.

Sa dami ng mga nakilala naming babae hindi na nila maala na nakilala na nga nila yun ages ago.

"Talaga? Bakit hindi ko siya matandaan?" takang tanong naman ni Azrael na nag-iisip na din. Hindi ko nga lang alam kung ano ba iniisip nito. Kung bakit hindi niya matandaan si Malia or saan nakilala si Malia?

"Alam ko na." sabi ni Charles at tumayo pa talaga. "Sa ano-" dugtong niya pero inunahan ko na siyang magsalita.

"Sa Quezon. Siya yung babaeng late na dumating. Friend siya nung chix ni Jayden. Tanda niyo na?" sabi ko at uminom sa bottled water na dala ko.

Natulala naman silang lahat saken nang tuloy tuloy kong sinabi na nakilala na nga namin si Malia. Nakita ko din na kanina pang busy kakatext sa cellphone na si Phil ay napatingin saken.

Naunang naka recover si Az at biglang nagsalita. "Talas ng memorya mo, Dude. Naalala mo pa. Tagal na nun ah."

"Kaya naman pala pamilyar siya." sabi naman ni Chase.

Si Phil naman ang nag react. " So she's the girl."

"Huh? What girl? What about Malia?" takang tanong ni Charles.

Kame nga lang pala ni Phil ang nakakaalam nun.

"Who caught the attention of my brother years ago." dugtong ni Phil. Saka bumalik sa pagtetext.

Sabay-sabay na napatingin saken ang tatlo na animo'y sabik na naghihintay sa sasabihin ko.

"She's the one." kibit balikat ko. Hindi pa rin nila inaalis ang tingin saken. Naghihintay pa sila ng ibang impormasyon. Tong mga taong to. Tss. "Meron kung ano sakanya na nakaagaw ng pansin ko nun. Kaya hindi ko siya nakalimutan kahit ang tagal na nung una natin siyang nakilala. Hindi ko naman inaasahan na yung babaeng nabangga ko kanina at yung nakilala natin sa probinsya ay iisa. Nang nag face to face kame kanina sa parking lot. Pinag aralan kong mabuti ang mukha niya. Halos iisa lang ang features ng babae sa probinsya at yung kaharap ko. Kaso yung babae sa probinsya chubby at yung nasa parking lot napaka sexy kaya hindi ko pa sigurado na iisa sila. Pero maraming pwedeng mangyari sa loob halos ng maraming taon. Pakiramdam ko talaga iisa lang sila. Kaya I asked Klare kanina kung taga saan si Malia ng malaman kong taga Quezon siya napatunayan ko na. Siyang siya kase yun." mahabang paliwanag ko.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon