Chapter 9

21 0 0
                                    

Malia's POV

Malia Samantha Lagdameo.
Theodore Daniel Martinez.

Saturday Morning. Buti na lang wala akong shift ng weekends. Ang dami kong gagawin dito sa bahay. Ang tagal ko ng hindi naglinis ng bahay at medyo makalat na. Dami ko ding dirty clothes na kelangan ng labahan. Buti na lang may washing machine akong binili. Buti na lang pala hindi pumasok si Theo dito, kagabi or else. Nakakahiya! Ang daming kalat. Speaking of Theo. Naalala ko na naman yung scene sa parking lot. Muntik na akong mahalikan ng mokong. Bakit parang nadismaya ako? Kase hindi natuloy. Bakit? Shit! Bakit may kakaiba akong nararamdaman pag anjan si Theo sa paligid? Bakit pag wala siya? Hinahanap ko siya. Shit! What happen to me?

"I think you like him na Malia." sabi ng utak ko.

"No! No! It's bad. Agapan mo agad yan, Malia." sabi naman ng kabilang parte.

Oh-uh. Hindi to maganda. Hindi to pwede. Hindi dapat ako mag kagusto sa mokong na yon. Oo. Kelangan kong agapan agad to bago pa tuluyang mag ka gusto sakaniya. Hindi tama. Iiwasan ko siya. Tama yan ang dapat gawin. Iwasan. Prevention is better than to be sorry.

Inabala ko ang sarili ko sa paglilinis at kung anu-ano pang gagawin para mawala ang mga iniisip ko. Ang mga pagtatalo sa isipan ko. Narinig ko tumunog ang cellphone ko.

KRING. KRING. KRING.

Itinigil ko ang ginagawa ko . Naupo ako sa sofa at tiningnan kung sino ang tumawag bago ito sinagot.

KLARE. Nakalagay sa screen.

Anong kelangan kaya ng babaeng to?

"Malia. Buti naman at sinagot mo."

"Sorry. Naglilinis kase ako ng bahay kayo ngayon ko lang nasagot."

"No problem. See you in 5 minutes." 

Magsasalita pa sana ako pero nawala na ang nasa kabilang linya. Great! Ano na naman kayang plano niya?

"Kasama niya kaya si Theo?" biglang malaking tanong na pumasok sa isip ko.

Bakit ko hinahanap si Theo? Gusto ko ba siyang makita?

"Oo." simpleng sagot ng utak ko.

Shit! Shit! Shit! Pinilig ko ang ulo ko sa sofa para mawala ang iniisip ko. Maya-maya narinig kong may kumatok.

KNOCK. KNOCK.

Inayos ko muna ang sarili ko saka binuksan ang pinto.

Pagkabukas ko ng pinto niyakap agad ako ni Klare. Nadismaya ako ng siya lang at wala itong kasama. Pinapasok ko siya sa loob para maka-upo.

"Maligo ka na." aniya pagkaupo sa sofa. Inabot niya ang remote at binuksan ang tv.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Hindi niya ako sinagot. Sa halip tumawa lang siya.

"Tss." sabi ko at dumiretso na ako sa banyo para maligo nang mabilis.

Binilisan ko din ang pag bi-bihis at pag a-ayos ng sarili. Nagsuot lang ako ng shorts short and polo shirt. Flat shoes and shoulder bag. Saka lumabas na ng kwarto. Naka shorts din si Klare pero high-waist ang suot niya.

Pinatay niya ang t.v. at tumayo mula sa sofa. "Let's go." aniya.

Tumango lang ako saka sumunod sakanya. Sinarado ko ang bahay at pumasok na sa kotse ni Klare.

"Buti naman kinuha mo na ang kotse mo." sabi ko pagkapasok ko. "Para hindi na ako makikisabay kung kanino."

"Sinadya ko tong iwan kagabi." tumawa siya ng makahulugan at kinindatan pa ako. Saka niya pinaandar ang sasakyan niya.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon