Chapter 3

24 0 0
                                    

Malia's POV

You. Again.

Bwisit na lalaking yun. Ayan tuloy hindi ako nakapunta ng function room. Hindi ko tuloy nakita yung bagong mag ma-manage ng hotel. Dahil dun sa bwisit na lalaking bumangga saken kanina. Siya na nga may kasalanan hindi man lang mag so-sorry. Bwisit talaga! Pag nakita ko ulit siya. Hay nako! Grr. Bwisit. Bwisit. Bwisit. Mura ko pa rin sa isip ko ng papunta ako sa locker room namin para magpalit ng damit. Pabalik na sana ako ng biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Malia." tawag saken na kaibigan at katrabaho kong si Klare.

"What?" inis kong tanong sakania.

"Oh-uh. Init ng ulo mo teh." sabi niya habang nag re-retouch ng make-up. Receptionist siya dito sa hotel. Nakilala ko siya nung nag-aaply pa lang ako at siya nag trabaho dito. Sabay kameng nag apply. Sabay din kameng na hire. "Party tayo later? May nag invite saken. Sumama ka ha." dugtong niya.

"Ayoko. Tinatamad ako."

"Sige na. Please." nag puppy eyes siya. At pinagsaklob pa ang dalawang niyang palad. "Pretty please."

Kung happy-go-lucky ako at may pagka-party girl. Mas lalo na tong bitch na to. Kung saan-saan nakakapunta. Minsan sinasama niya ako, minsan ako na din yung hindi sumasana kase lagi na lang niya akong nililibre. Pasalamat na lang talaga ako at mayaman ang pamilya niya. Pag wala akong makasama, anjan siya palagi para samahan ako. Lahat ng kalokohan niya alam ko. Lahat din ng kalokohan ko alam niya. Pwede kaming bestfriends pero para saken mas magandang tawagin kameng PARTNERS-IN-CRIME.

"Fine. Sasama ako." sabi ko

"Good." sabi niya at hinigit niya na ako palabas ng locker room.

Pagkalabas namin. may narinig kameng usapan ng mga babaeng nagtratrabaho din dito sa hotel.

"Siya na talaga ang magma-manage ng hotel?"

"Oo. Gaganahan na talaga akong pumasok kung araw-araw ko siyang makikita." kilig na kilig habang sinasabi yun sa kasama niyang babae.

"Anong meron?" nagtataka kong tatanong kay Klare nang nalagpasan na namin yung dalawang babae.

"Alin? Yung pinag-uusapan nung dalawang babae kanina?" balik tanong niya. Na para bang hindi nakita kung paano kiligin yung dalawang babae kanina.

Hindi ako nagsalita at hininintay ko na lang ang susunod niyang sasabihin.

"Yung anak na bunso ni Madame na kase ang mamahala dito sa hotel. So gwapo. Kaya yung mga malalantod ay kilig na kilig. Feeling! Akala mo naman ay papansinin sila. Hindi sila papansinin nun. Asa pa sila!" paliawanag niya. Na akala mo'y kilalang kilala niya yung bagong boss namin.

"Ah. That's why." simple kong sinabi.

"Bakit nga ba hindi ka nakapunta sa function room kanina? tanong niya saken.

"Meron kaseng bwisit na lalaki na bumangga saken. Ayun! Natapunan ako ng juice na dala ko. Kaya tinamad na akong pumunta." paliwanag ko. At naalala ko na naman ang nangyari saken kanina. Naalala ko din yung mukha ng lalaking nakaaway ko kanina. Nung tinitigan ko siya ng malapitan.

"Too bad." sabi niya. "See you later." sabay kindat at umalis na bigla.

Hindi ko pa siya natatanong kung sino ang kasama namin. Nilayasan na agad ako. Naalala ko na naman yung mukha nung lalaki. Ang matangos niyang ilong, mapupungay na mga mata with matching curly eyelashes yung perfect jaw niya at yung red lips niya. 

"Ang gwapo." bulong ko sa sarili ko. 

Nakarating na pala ako sa kitchen, hindi ko namalayan. Pinilig ko na lang ang ulo ko para hindi maalala yung mukha ng lalaking yun. Pinilit kong alisin sa utak ko ang picture ng lalaking bumangga saken. At pinilit ipasak sa utak ko na kahit gwapo pa siya nakakabwisit pa din siya. Inabala ko na lang ang sarili ko sa buong maghapon.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon