Chapter 12

17 1 1
                                    

Theo's POV

We're not yet okay, Mr. Martinez.

"I-glue mo daw yung mata ng babaeng kasama mo." kantyaw ni Chase.

"Lagot ka! Nag transform na si Malia. Naging Malia the Tiger na siya." sabi naman ni Azrael.

"Wag ka ng sumama papunta kila Malia sa Friday. At paniguradong susungitan at aawayin ka lang nun." biro naman ni Phil.

Nagtawanan silang lahat. Hindi ko pinansin ang pang-aasar ng mga kaibigan ko at ng kapatid ko sa halip bumaling ako kay Klare.

"Galit kaya si Malia?"

"Malamang! Galit yun sayo. Ikaw ba naman ang dahilan kung bakit siya natapunan ng kape." singit ni Az.

Tumingin ako kay Klare. Tumango lang siya para sumang ayon sa sinabi ng kaibigan ko.

"Mag-sorry ka na lang.-" sabi ni Klare.

"Pero hindi naman ako ang nakatapon ng kape sakanya ah." putol ko sa nagsasalitang si Klare.

"Yeah. You're right. Hindi ikaw ang nakatapon pero ikaw ang dahilan kung bakit siya natapunan ng kape. Kaya dahil hindi niya ma-pag-bu-buntungan ng inis yung nakatapon sakanya, ikaw na nakikita niya at nakakasama niya ang pag-bu-buntungan ng inis niya. Idagdag pa natin na ikaw ang dahilan." paliwanag ni Klare.

Huminga lang ako ng malalim at nag-isip-isip. Balik sa dati na naman ang trato ni Malia saken. Kase naman. Bakit naman kase natapunan siya ng dalang kape. Kung kelan okay na kami. Kung kelan naman!

"SHIT!" sigaw ko. Sabay palo sa mesa sa harapan ko.

Napalingon sila saken at nagtawanan.

"Lagot ka! Kabahan ka na. Kung kelan naman nagkakamabutihan na sila ni Malia." si Charles naman ang nangatyaw.

Tawanan ulit sila. Nag high five pa.

"Shut up. Okay! Shut up. All of you." galit na sabi ko.

Nagulat sila sa sigaw ko. Tumahimik silang lahat. Tumayo ako at pumasok na sa loob ng bahay. Kung magtatagal pa ako dun maiinis lang ako sa mga kaibigan ko. Nang makalayo na ako sakanila, narinig ko ulit na nag-tatawanan sila. Hindi ko na sila pinansin at tuluyan ng pumasok sa bahay namin at umakyat na para pumunta sa kwarto ko.

Ilang araw na ang lumilipas, hindi ko nakikita si Malia. Hindi ko na din naman tinangkang magpakita sakanya, baka hanggang ngayon galit pa rin siya dahil sa nangyari sa Mall.

Ang bilis lumipas ng araw naging busy ako ang dami kong meetings na kelangang puntahan. Nakakapagod! I need a break. Ganto pala magpatakbo ng isa sa pinaka-sikat na Hotel chains.

"Let's go! Sunduin na natin si Malia. By this time, nakauwi na yun." yaya ni Klare.

Andito kame sa cafe na lagi naming pinupuntahan. Nagsilabasan na kami at nagpunta na sa mga sasakyan namin. Alas otso pa lang ng umaga. Ganto kame kaagap na aalis para maagap din daw kameng makadating kila Malia. Halos na apat na oras kase ang biyahe at i-dagdag pa na nag handa ng lunch ang mga Tita ni Malia.

Ilang sandali pa lang nasa tapat na kame ng tinitirahan ni Malia. Pagkadating namin, saktong sinasara na ni Malia ang pinto ng apartment niya.

"Malia." tawag ni Klare. Habang papalapit sa kinaroroonan ng kaibigan.

"Klare." ganting bati naman ni Malia. Sabay beso sa matalik na kaibigan.

Bumati na din sakanya ang mga kaibigan ko at si Phil. Andito lang ako sa labas ng kotse ko, nakasandal lang ako sa pinto saka pinapanuod ang mga nagatatawanan kong mga kaibigan at si Malia. Ng mapansin niya ako, nawala ang mga ngiti sa labi niya. Babatiin ko na sana siya, pero bigla naman siyang umiwas ng tingin. Hindi na ko nagulat na ganun ang magiging reaksyon niya ng makita ako. Napa-iling na lang ako. Nakita ko din na lihim na nagtawanan ang mga kaibigan ko saka patagong nag high five. Parang tuwang tuwa pa sila sa ginawang pang-iismid sakin ni Malia.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon