Chapter 10

19 0 0
                                    

Theo's POV

They really looked good together.

"Andito ka na pala." bati ni Phil ng dumating ako sa bahay.

Pagkadating ko, nasa gazebo sila. Kasama ang mga kaibigan namin. Naupo ako sa bakanteng upuan.

"How's your date?" tanong naman ni Charles pag kaupo ko.

"Date?" takang tanong ko.

"Date with Malia." sabi ni Chase.

Tumingin ako kay Phil na kunyaring walang kaalam-alam.

"Hindi yun date. Yung magaling kong kapatid at si Klare iniwan kameng dalawa ni Malia." paliwanag ko.

"Date na din yun." sabi ni Phil ng tumatawa.

"Nililigawan mo na ba?" tanong naman ni Charles.

"Hindi no." sagot ko.

"Hindi daw. Ang sweet niyo kaya." singit ni Az, nakahawak sa cellphone niya habang may tinitingnan yata.

"Sweet?" 

"Try to check your instagram, Dude." sabi niya.

Kinuha ko ang cellphone ko, at chineck ko kung anong ibig sabihin ni Az. Laking gulat ko ng nakita ko ang picture namin ni Malia. Kami dalawa talaga. Sa restaurant kung saan kame kumain kanina, at ng papunta kame ng movie theater. Ang unang picture ay nung pinatikim ako ni Malia ng in-order niyang Spicy Tuna Flakes Pasta, tumatangi ako pero hindi niya ako tinitigilan. Kasunod naman ay yung picture na papunta kame sa movie theater, eto ay yung sinasabi niyang ibili ko siya ng popcorn. Ang galing! Si Klare ang nag post. Naka tag sa account ko, kay Malia, Azrael, Chase, Charles at Phil. May 500 likes and 100 na comments. With the caption na They really look good together. :)

Nakita kong nakatingin na silang lahat sa cellphone nila.

"500 likes na." sabi ni Charles.

"May nag comment ng, Who is she? Totohanan na ba to?" sabi naman ni Chase.

"Ang swerte naman nung girl. Keep it up,Theo." sabi ni Azrael.

"Im sure hindi yan totohanan. Flavor of the month lang yan." sabi ni Chase. "Tss. May negative comment agad."

Woah! Woah! Woah. Ni scroll ko pababa ang phone ko at nakita ko ngang ang daming nag comment at nag likes. Nag comment din sila Charles. May nag comment din na mga kakilala namin. Yung iba hindi ko na kilala.

"Phil, sinusundan niyo ba kami kanina?"

"Obvious ba?" balik tanong niya.

"Tss." tumayo ako at umalis ng gazebo.

"San pupunta yun?" tanong ni Az habang pinipigilan ang pagtawa.

Hindi ko na sila nilingon at nagpatuloy ako pag akyat ko ng kwarto. Naiinis ako sa ginawa ni Klare at ng kapatid ko. Naalala ko ang sinabi ni Malia na ayaw niya ng attention. Baka dahil dito, sa ginawa nila tuluyan ng umiwas saken si Malia. May naramdam akong kalungkutan ng sumagi sa isip ko. Iiwas si Malia, saken? Hindi pwede yun. Ang saya naming makasama kanina tapos mauuwi lang sa lahat ang wala. Hindi ako papayag. Naligo muna ako at nagbihis saka bumalik sa gazebo kung nasan ang kapatid ko at mga kaibigan ko.

"Phil, Klare's phone number?" tanong ko kay Phil habang nagbubukas ng beer.

"Huh?"

"Number ni Klare?" ulit ko.

Binigay naman niya.

Dinail ko ang phone ko at hinintay ko ang pag sagot sa kabilang linya.

"H-hello." sabi ni Klare.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon