Chapter 4

25 0 0
                                    

Theo's POV

Theo's girlfriend.

Kung nakakamatay ang pag-ismid at pag-irap, malamang kanina pa ako patay. Inis na inis pa din siya saken hanggang ngayon.

"Dude, si Rachelle na sa baba. Nagkita na ba kayo?" tanong ni Chase.

Uminom muna ako ng beer bago siya sinagot "Oo. Pinuntahan niya ako sa hotel kanina." tapos uminom ulit.

"Then?" tanong naman ni Charles.

Alam ko na ang ibig nilang sabihin. Pinapaligoy ligoy pa nila.

"Anong nangyari?" tanong naman ni Azrael.

"Magkasama lang kame kanina. Tapos-" sinadya ko talagang hindi dugtungan ang sinabi ko.

"Tapos ano?" sabay sabay silang tatlong nagsalita.

"Kiss. Yun lang." simple kong sagot.

"Yun lang?" tanong ulit nila.

"Oo nga. Kulit niyo. Nasa labas kame ng hotel nung hinalikan niya ako. Alam niyo naman ako. Lalaki lang, hindi makatanggi." sinadya ko talagang lakasan ang pagkakasabi nun kase alam kong nakita ni Malia ang nangyari.

"Where's your balls Dude? Naiwan sa States?" tanong ni Azrael sa tonong pang-aasar.

"Ang tagal niyang naghintay sayo tapos yun lang?" sabi naman ni Chase.

"Eh ayoko." simpleng sagot ko sa dalawang kaibigan ko.

Habang umiinom ako, nakita ko sa gilid ng mata ko ang mga tingin ni Malia. Mga tingin niyang sinasabing "What a playboy."  Nag evil smirk ako sakanya.

"Tss." sabi ni Malia.

"Malia, saan ba kayo nagkakilala nitong si Theo?" tanong ni Azrael sa katabi niya.

"Oo nga." sabi naman ni Klare. "Nagtataka din ako."

Lahat ng attention nila na sakania. Nag-antay sila ng sagot galing kay Malia. Nag death glare muna siya saken bago nagsalita.

"Sa parking lot ng J.E hotel. Binunggo niya ako. Kaya natapunan yung suot ko ng damit. Hindi man lang nag sorry." sagot niya. Tumingin muna siya saken saka ako inismiran.

"Dahil kay Theo kaya maghapon kang badtrip?" tanong ni Klare kay Malia.

"Dahil kay Malia kaya ka late kanina?" tanong naman ni Phil saken.

Hindi sinagot ni Malia si Klare, tumango lang ito. Hindi ko naman sinagot si Phil sa halip humarap ako kay Malia na nakataas pa rin ang kilay saken.

"Excuse me, Miss. Nag sorry ako. Pero sabi mo hindi mo kelangan nang sorry ko." at tinaasan na rin siya ng kilay.

"Nag sorry nga. Hindi naman bukal sa loob niya. Asshole!" galit na sabi niya.

Magsasalita pa sana ako pero nauna ng magsalita si Charles.

"Nah-ah. Not here. Wag kayo ditong mag-away."

"Oo nga. Where here to have a party." dagdag naman ni Chase.

"Tss." sabay kami ni Malia at nagkatitigan pa kame. Pero sa huli inismiran niya ulit ako.

Sungit. bulong ko sa sarili ko.

"Malia, may boyfriend ka na ba?" tanong ni Charles.

Uminom muna si Malia ng beer, saka sinagot ang tanong ni Charles.

"Wala." simple niyang sagot. Tapos nag smile pa siya sa kaibigan ko.

Smile siya nang smile sakanila tapos ako sinusungitan niya. UNFAIR! Hindi ko naman siya masisisi alam namin pareho kunf bakit.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon