Chapter 1

37 1 1
                                    

Malia's POV

No way. No. No. No.

"Malia, kamusta naman ang trabaho mo?" my Mom asked.

Yes. Im working. Ma swerte nga ako at maganda ang trabahong napasukan ko kahit hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral. Hindi naman kame mayaman para hindi mag trabaho. Kahit aminado akong lumaki sa mga luho. Pero pinilit kong kalimutan ang nakasanayan ko. Kaya nag decide akong mag trabaho para maging independent. Ayoko na kaseng umasa sa Nanay ko. Tiyaga lang talaga. Assistant chef ako sa isang resto sa loob ng hotel. Passion ko talaga ang pag luluto. Konting pagsisikap pa, makakamit ko na din ang pinapangrap kong maging head chef. Or magkaroon ng sariling restaurant at mas maganda pa magka hotel din ako. Halos mag dadalawang taon pa lang akong nagtratrabaho sa hotel chains na pag ma-may ari ng mga Martinez. Ang J.E. Hotels.

"Okay lang Nay. Nag eenjoy ako." nakangiting sabi ko. Habang nag gre-grate ng cheddar cheese.

"Buti naman." at umalis na siya sa kitchen.

Alam kong kahit hindi niya sinasabi, eh nanghihinayang siya kase hindi ko siya nabigyan ng diploma. Pero kahit ganun masaya siya para saken. Masaya ako at meron akong supportive mother.

TING

Pagkatapos tumunog ang oven. Inalabas ko na ang na bake ko at lumabas na sa veranda.

"Anjan na ang merienda." sabi ng inaanak kong si Kryptom. Anak ng pinsan kong si Phoebe.

Nagluto ako ng paborito ko at paborito ng lahat. Baked carbonara with three cheese on top. Cheddar. White cheese and Mozarella. May ginawa din akong garlic bread. Kahit ayoko sa garlic. Nilapag ko ito sa mesa at naupo na sa tabi ni Phoebe.

"Kelan ka mag-aasawa?" tanong ng isa kong Tita.

Dahil Sunday ngayon kaya andito ang buong pamilya namin. Nasanay na kase kami na magkakasama ang pamilya.

"Alam naman natin ang opinion ko tungkol jan di ba?" sabi ko habang umiinom ng juice.

"Alam namin. Pero 24 ka na. Right age na para mag settle ka. Tingnan mo si Phoebe, mag ka edad lang kayo. Pero may pamilya na. Hindi ka ba naiinggit?"

"Hindi." simple kong sinabi. At tumayo na para makipaglaro kay Kryptom.

Hindi naman sa hindi ako naiinggit pero... pero ayaw kong matulad sa Nanay ko at sa Tita ko na mga walang asawa. Na hindi nag work ang mga relationship. At ayokong matulad ang magiging mga anak ko saken at kay Phoebe. Hindi man kame lumaki na may kasamang Tatay meron naman kaming Tito na tumayong tatay naming magpipinsan. At punong puno kame sa pagmamahal ng buong pamilya.

"Hey! What's your problem?" Phoebe asked. Nang makita niya akong tulala.

"Yung mga Tita mo kase kinukulit ako about sa pag-aasawa." inis kong sabi.

"Eh di mag-asawa ka. Problema ba yun?" nang aasar niyang sabi.

"Of all people in this world. Pati ba naman ikaw?"

Nabwi-bwisit na talaga ako. Tumayo ako at aalis na pero bago pa ko makalayo. Nagsalita ulit siya.

"Sasayangin mo ba ang pagiging pretty? Hot? Sexy? Baka naman gusto mong gumaya kay Tita Lyn na walang asawa hanggang ngayon? At sa iba pang mga Tita naten." lalo pa siyang nang aasar. Nang evil laugh pa.

"Whatever you say. Back off." pinaulanan ko siya ng death glare.

Nagtaas pa siya ng dalawang kamay. Tapos ay nagsalita. "Pikon." at humagalpak sa tawa.

Hindi ko na siya nilingon at nag punta sa kwarto ko. Nag iisip ako habang nakatingin sa kisame Oh my gosh! Ayoko namang matulad kay Tita Lyn. Ayokong mag-isa sa buhay. Paano na pag tumanda na ako? Walang mag-aalaga saken? No way! No way! No. No. No. Admit it Malia. Na hindi mo habang buhay kasama ang Nanay mo? Paano ka pag nawala siya ng tuluyan? Ayoko. Ayoko. Ayokong mag isa sa buhay. In other half of my mind. Pag magpapakasal ako? Tapos hindi nag work ang relationship at maghihiwalay. No way. Kawawa ang magiging anak ko. Hindi ako sang ayon na magpapakasal tapos papa annul. My gosh! Yung mga anak nila ang mahihirapan. At nawawala ang essence ng marriage. Hindi man sa naranasan kong mahirap ang walang tatay pero nakikita ko sa ibang tao kung paano sila nahirapan at yun ang ayaw kong maranasan ng magiging anak ko. Pati paano ako magpapakasal? Wala naman akong boyfriend. Boyfriend pa nga lang pahirapan na para saken. Eh yung future husband ko pa kaya.

Flavours of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon