Chapter 3
Ewan ko ba. Pagkatapos ng conversation namin na yun. Parang ang saya-saya ko. Ngayon ko lang 'to naranasan. Kakaiba.
Is this Love? Pero parang napakaimposible. Di ko pa nga siya nakikita e.
Tomorrow is the day. Excited na talaga ko. Sa sobrang excited di na ko makatulog. Ay bahala na si Batman.
Nagpadala na ko ng gatas kay yaya para makatulog na ko.
--- KINABUKASAN ---
Pagkagising na pagkagising ko, binuksan ko agad ang cabinet ko. Anhirap mamili. Wala akong masuot.
Pero, wait, but, ha? Anung nangyayare saken? Kakaiba na talaga 'to. Grabe.
Buong araw na kong naghahanap ng masusuot pero walaaaa! Nagpatulong na rin ako kay Yaya.
Until I found a dress. Green. Simple rin siya, yet, attractive. Bagay sa sapatos na nabili ko kahapon. Atlast, my problem is solved.
Ala-una na ng mag-ayos ako sa sarili ko. Alas-dos ako natapos.
2:30 pm. I'm now riding at my Innova on the way to SMF. Syet. Na-traffic pa.
3:00 pm. Here at Greenwich. Sisiputin ba ko ng Christian na yun?! Kapag hindi niya ko sinipot, hahanapin ko yung Emilie na yun at sasabihing di siya gusto ni Christian!
3:10. Oh gosh. May gwapo. Nakatayo sa pintuan. Wearing a green polo and maong. Napakasimple pero attractive din. Bagay kami. :">>
"Miss, pansin ko lang. Kanina ka pa nakatingin sakin. any problem with my presence here?" Sabi sakin nung lalaki. Kahit nakashades siya, I can still see his brown eyes that can melt me anytime. "Uhm..miss? Nga pala. Bat tayo lang customer dito? Reserved ba?"
"Oh I see. Kasi I invited my friend na pumunta dito. Gusto ko kasi siya ma-meet. Kakakilala lang kasi namin kahapon and I want our meeting to be special." Dire-diretso kong sabi.
"Ella?!" Sabi niya na may halong pagkagulat.
"Oh my gosh! Christian?! Is that you?" Gulat din ako infairness ha. Akala ko mukhang kanto 'tong Christian na 'to e.
"Oh yes. Ampangit mo pala sa personal no? Mas maganda ka lang katext."
"Oh come on. Sabi ko na nga ba di ka gwapo e. Astig ko talaga." Ako na sinungaling.
"I heard nothing. Bla bla. Tara na, kain na tayo."
"Tss. Di mo kasi matanggap na di ka gwapo. HAHA." In a bulong way.
"Ha? May sinasabi ka?" Tumingin na naman siya sakin. Ohmaygassh! Matutunaw na ko dito!
"Meron. Tao ako diba. Di naman ako pipi." Payuko kong sabi. Baka makita niyang nagba-blush ako.
"Ts. Pilosopo"
"Panget." Ganti ko. Patawarin niyo po ko sa pagsisinungaling ko. Ohemgee.
"Bahala ka na nga. Kumain na tayo."
"HAHA. Talo!!" Natawa na lang ako e. Di ko sinasadyang naangat ko ulo. Then...
"Uyy! Bat ka namumula? Crush mo ko no? Aminiin."
Owgad. Nahalata niya. Syet! Isip ng palusot! Bilis!! "Crush?! Kita?! ASA DRE! KELAN PA? HAHAHA!"
"Tsk. Bahala ka"
"Tsaka pano mo nalamang namumula ako? Nakatingin ka sakin?" Yeha. Kinikilig akooo.
Wow change mood ah. Di sumagot? Parang nanlanta 'tong Christian na 'to. Hmm.
"Oh." Pagsisimula ko. Napatingin na naman siya saken. Ayan na naman siya eeeeh. Yuko ulit. "Magkwento ka tungkol sa inyo ni Emilie." Awts.
"Ayun. Mukhang malapit na kong sagutin. HAHA."
Nainis ako sa sagot niya. Badtrip. "Weh. Kelan ka pa natutong manghula?"
"Nung makilala kita."
Waaaa! Ohemgeee. May naitulong ako sa buhay niya. Ohgosh. Saya ko. "Sowws. Di ka man lang nag-thank you. Pasalamat ka, kung di dahil sakin, may bago ka na namang natutunan."
"Thank you."
"You're welcome"
Pagkatapos naming kumain, binayaran ko na yung pagkain at yung rent sabay alis papuntang parking lot.
TBC...
------------------------------------------------------------
leave a comment and vote