CHRISTIAN'S POV
KINABUKASAN...
Salamat sa alarm clock na gumigising sakin. Bago ko pindutin ang 'Dismiss' may nakalagay na detail,
"Meeting with Ella"
Ay oo nga pala! Muntik ko ng makalimutan yun. Kumuha kagad ako ng papel at ballpen, isip...isip...isip ng sweet na bagay....
E kung magsorry kaya muna 'ko? Ah alam ko na.
Tinext ko si Ella. Sabi ko magkita ulit kami sa Greenwich, pero wag na siya magre-reserve. Sayang pera. Sabi naman niya, "okay."
Sumakay na 'ko ng motor. At umalis.
Okay. Andito na 'ko sa tapat ng pintuan ng Greenwich. Nakita ko yung isang babaeng naka-shades. Parehong-pareho ng itsura ng mukha ni Ella.
Simple pa rin. Si Ella siguro 'to.
Umupo ako sa harap niya. Ibinigay ang isang papel sabay sabing,
"Ibigay mo 'to ng deretsahan kay Emilie a. Wag mo ng ilagay sa shoebox. Baka may makapulot na naman e." May halo yung pagbibiro pero di man lang siya tumawa.
Galit pa rin ba siya?
"Okay." Yun lang. Umalis na kagad siya pagkatapos nun. Bakit ganun?
ELLA'S POV
Andito ako sa Greenwich, hinihintay si Christian. Ilang minuto na nakalipas, wala pa rin siya.
Bakit kaya lagi siyang late?
Oh ayan na siya. Hinahanap ako. Nakashades ako ngayon kasi namamaga mata ko. Bwisit kasi. Pinapaiyak ako.
"Ibigay mo 'to ng deretsahan kay Emilie a. Wag mo ng ilagay sa shoebox. Baka may makapulot na naman e." Eto mismo sinabi niya. Ewan ko ba kung maiinis ako o hindi.
Kung mahal niya yung tao, dapat siya mismo yung nagbibigay. Kung torpe ka, loser ka.
Pero ako naman 'tong tanga. Sumunod. Syet.
Habang nakaupo ako sa kotse. Kinuha ko yung papel, binasa ko yung nakasulat.
"Hi Emilie! Sorry sa ginawa ko nung isang araw ah. Di ko na kasi kayang itago pa yung nararamdaman ko kaya sinabi ko na sayo. Walang pumilit sakin. Pwede ba kitang maging girlfriend? I love you... --Christian"
Pagkatapos 'kong mabasa yung laman ng letter na 'to. Punong-puno ako ng pagka-inggit. Sana ako nalang si Emilie.
Naiiyak na naman ako. Hinde. Kailangan ko 'tong pigilan.
Pumunta na 'kong department store at hinanap si Emilie. Hindi naman ako nabigo. Binigay ko na kagad ang papel at umalis na.
Araw-araw 'tong nangyayari. Simula ngayong araw hanggang magpakailanman.
Kinabukasan, binasa ko ulit yung letter,
"Emilie, gusto kita. =)))) --Christian"
Yun lang? Natawa ako dun ah. Laptrip. Ang haba nito a. Haha!
Kinabukasan..binasa ko ulit yung letter,
"Emilie, I love you with all of my heart, and my soul. Sagutin mo na 'ko please. =))))) --Christian"
Ayoko na. Masyadong mapilit. Eto na ang huling beses na babasahin ko yung mga letter na binibigay niya sakin.
Nasasaktan ako e.
EMILIE'S POV
Waaaa! 3 araw na 'kong binibigyan ng letter ni Christian! Nakakainis!
Di ko nga siya gusto! Duh! Masyado siyang simple. Ayoko sa kanya. Yuckkies. Eww. Di kami bagay.
Sayang ako 'pag napunta ako sa kanya. Haay nako. Masyadong mapilit 'tong Christian na 'to. Nakakainis talaga.
Atsaka sino ba yung babaeng laging nagpapadala ng letter sakin? Lagi siyang naka-shades. Ano ba siya? Aswang? Bampira? Or what?
Pinag-uusapan tuloy ako ng mga ka-trabaho ko. Nakakainis.
Eto na ang pang-apat na araw. Sigurado akong bibigyan ulit ako ng letter ni Christian. Patay na patay sakin e. Ang ganda ko talaga.
Pero nung pagkabasa ko sa letter, I was like... HUH?! Bakit ganun yung laman ng letter? Watda?!
TBC...
------------------------------------------------------------