Chapter 6
CHRISTIAN'S POV
Grabe. Hirap magpaalam kila Mommy. Buwis-buhay e. Malaki naman na 'ko. Kaya ko na mag-isa. Tsk.
Sumakay na kagad ako sa motor ko pagkatapos magpaalam at dumiretso sa SMF. pinark ko na ang motor ko at pumunta sa Greenwich.
Bakit ba nila ko pinagtitinginan? Malulusaw ako sa mga titig nila e. Meron ba 'kong dumi sa mukha? Makayuko na nga lang.
Andito na ko sa pintuan ng Greenwich. Kakaiba. Bakit parang walang customer ngayon dito? Lugi ba?
Pumasok ako at nakita ko ang isang babaeng maganda, sexy, maputi at maamo ang mukha. Mas maganda 'tong babaeng 'to kay Emilie.
Simula ng pumasok ako, titig na titig sakin yung babae. Kanina pa a! Lapitan ko nga.
"Miss, pansin ko lang. Kanina ka pa nakatingin sakin. any problem with my presence here?" Sabi ko sa babae. Hindi pa rin sumasagot.. "Uhm..miss? Nga pala. Bat tayo lang customer dito? Reserved ba?"
"Oh I see. Kasi I invited my friend na pumunta dito. Gusto ko kasi siya ma-meet. Kakakilala lang kasi namin kahapon and I want our meeting to be special."
Kakakilala lang kahapon? Ella?!
"Ella?!" Siya ba talaga 'to? Akala ko mukhang palengkera 'tong babaeng 'to e.
"Oh my gosh! Christian?! Is that you?" Gulat din siya e. Ngayon lang siguro siya nakakakita ng gwapo.
"Oh yes. Ampangit mo pala sa personal no? Mas maganda ka lang katext." Bat ba 'ko lumaking sinungaling? Waaaa.
"Oh come on. Sabi ko na nga ba di ka gwapo e. Astig ko talaga." Sinungaling din siya e. Di siya marunong. Masyadong halata. Haha.
"I heard nothing. Bla bla. Tara na, kain na tayo." Sabi ko.
"Tss. Di mo kasi matanggap na di ka gwapo. HAHA." Bulong niya, pero malakas. Muntimang lang e.
"Ha? May sinasabi ka?" Sabi ko sakanya sabay tingin.
"Meron. Tao ako diba. Di naman ako pipi." Yumuko siya, nahihiya ba siya sakin?
"Ts. Pilosopo" sabi ko.
"Panget." Nakikipagbarahan siya.
"Bahala ka na nga. Kumain na tayo."
"HAHA. Talo!!"
Buong magdamag ko siyang tinitignan. Ang ganda talaga niya kahit simple lahat ng nasa kanya. Pero si Emilie, gusto niya laging magara.
Nung masabi niya yun, iniangat niya ulo niya. Nakita kong nagba-blush siya. "Uyy! Bat ka namumula? Crush mo ko no? Aminiin."
After 5 seconds, sumagot siya. Halatang-halata e. "Crush?! Kita?! ASA DRE! KELAN PA? HAHAHA!"
"Tsk. Bahala ka" kunyaring tampo ko.
"Tsaka pano mo nalamang namumula ako? Nakatingin ka sakin?"
Nahuli ako. Patay. Di na lang ako magsasalita.
"Oh. Magkwento ka tungkol sa inyo ni Emilie." Yumuko ulit siya nung tumingin ako sa kanya.
"Ayun. Mukhang malapit na kong sagutin. HAHA."
"Weh. Kelan ka pa natutong manghula?" Halata talaga, kumokontra e.
"Nung makilala kita." Sabi ko.
Nung makilala ko 'tong babaeng 'to, nahulog kagad ako sa kanya. Isang text. Isang tingin.
Simple siya. Hindi maarte. Hindi maitatangging mas lamang si Ella kay Emilie.
"Sowws. Di ka man lang nag-thank you. Pasalamat ka, kung di dahil sakin, may bago ka na namang natutunan."
"Thank you." Namimilosopo kong sagot.
"You're welcome" sumakay na siya sa trip.
Alam mo yung feeling na sabay kayo maglakad. Nagtitinginan. Nagke-kwentuhan. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya.
Pinagtitinginan kami sa mall. Meron pang kumalabit sakin, sabi niya, "Bagay kayo 'tol". Natuwa ako sa sinabi niyang yun. Napangiti ako.
Lumingon ako sa likod at nakita ko ang isang lalaki, ngumiti siya sakin. Nginitian ko na lang din.
At sa wakas. Nakarating din kami sa parking lot.
TBC...
------------------------------------------------------------
