CHRISTIAN'S POV
Andito na 'ko sa SM. Kinakabahan ako. Grabe. Papasok na 'ko sa Greenwich. As I expected, naka-reserve na naman.
May nakasabit na red curtains sa mga wall. The colors everwhere were Red, Pink, and White. Pati mga waiter ganun din yung suot na kulay. Angganda. Sinamahan pa ng romantic music.
Nakita ko siya, nakatingin sakin habang ako naman ay manghang-mangha sa nakikita ko.
"Flowers, for you." Buti nalang red din yung mga bulaklak na binigay ko sa kanya. "Hala ka. Magkanong pera ang binayad mo para dito?" Bakas pa rin sa mukha ko ang pagkamangha.
"Hmmm. Let me say, it's all free." Nakangiti niyang sagot saakin sabay kuha sa bulaklak.
Angganda talaga niya. Naka-dress pa rin siya at angganda talaga ng damit niya. Okay, it's plain red. Pero umiiba yung dating kapag tinitignan mo mukha niya.
Ang buhok naman niya ay naka-curl yung dulo, nagmeet yung dalawang side and cinlip. She looks like a princess. Kulang nalang yung maliit na korona sa ulo.
"Ha?! Free? Paano?" Nagulat ako. Libre?! Watda.
"My father is the owner of this Greenwich branch. That's why laging okay lang." Medyo nag-iba yung mood niya. Hmmm.
"Ah. Ella..."
"Ow?"
"Angganda mo." Napayuko ako nun. Nahihiya talaga 'ko.
Lumapit ang kamay niya sa mukha 'ko. Itinaas niya yung ulo ko. Nakita ko ang mata niyang itim na itim. Ang ganda tignan.
Nagsalubong ang mga mata namin na punong-puno ng ekspresyon.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin, palapit ng palapit. Inilalapit niya ang mukha niya sa mukha ko, gusto niyang halikan ko siya.
Nilapit ko rin ang mukha ko sa kanya hanggang sa napapikit na 'ko at naramdaman ko ang kanyang labing mapupula.
Ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo nung mga oras na 'yon.
At dahil sa salamin ang harap ng restaurant, madaming nagpicture samin, nalaman ko nalang dahil sa mga flash na sobrang liwanag. Di ko alam kung ano talaga yung pinipicturan e. Yung itsura ba ng restaurant o kami?
Yung iba sumisigaw ng, "Yiiiiieeeee!".
ELLA'S POV
Ako na ang pinakaswerteng girlfriend sa buong mundo.
Ang daming nagpicture sa amin habang nagkikiss kami. Bwisit naman e. Gusto ko siya masolo. Mga inggitero't inggitera 'tong mga 'to.
Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon, ng huninto na 'ko, huminto na rin siya.
"I love you Christian."
"I love you more Ella."
Sabay namin nasabing, "I LOVE YOU MOST!"
Pagkatapos nun, sumakay ako sa motor ni Christian at pinakilala niya ko sa magulang niya. Dun na 'ko kumain ng hapunan.
Pagkatapos nun, umuwi kami sa bahay namin at pinakilala ko siya kay Yaya. And via Facebook, pinakilala ko si Christian kay Mommy and Daddy.
EMILIE'S POV
Ha? Anung meron sa Greenwich ngayon? May artista ba? Andaming nagpipicture a. Naks.
Nakisingit ako sa mga tao sa harap ng Greenwich para malaman kung sino ang nandon.
Nagulat nalang ako ng makita ko si Christian at yung babaeng nagbibigay sakin ng letter. Angganda ng paligid ng restaurant. Grabe.
Walang kwento boyfriend ko, di man lang ako binigyan ng ganitong surprise tulad nito. Hmmp! Makikipagbreak na 'ko sa kaniya. Nakakainis!
Naiingit akoooo!
THE END?