chapter 5 ....

29 0 0
                                    

Chapter 5

CHRISTIAN'S POV

"Emilie.." Nag-aalinlangan ako. Baka masira ang pagkakaibigan namin kapag ginawa ko 'to. Ay bahala na.

"Oh baket?" sagot ni Emilie saken sabay tingin. Yumuko naman ako.

"May sasabihin sana ako sayo.."

"Ano nga?" Naiinip niyang sabe.

"Gu..gusto kita. Ay mali. Mahal na pala ki--"

Tumayo bigla si Emilie. At nagsimulang lumakad palayo. Dapat di ko nalang talaga sinabi. Waaaaa. Anung gagawin ko ngayon? Leche. Bahala na.

"EMILIE! PWEDE BA 'KONG MANLIGAW?" Sinigaw ko na. Syet. Nakakahiya ako. Malapit na ko malusaw sa kinatatayuan ko.

Atleast nahinto siya sa paglalakad. Humarap sakin at umirap. Syet nagalit siya.

Bakit ba ganun? Kapag nalaman nilang gusto o mahal ka ng isang tao, lalayuan ka? Kung ayaw niya sakin, sabihin niya na. Hindi yung magpapaasa siya. Haay. Mga babae talaga.

Umuwi na kagad ako pagkatapos kong masawi. Ang drama e.

Dumiretso na ko sa kwarto ko, wala nang kain-kain. Buong araw kong inisip yun. Para na naman akong nalulusaw sa pwesto ko. Nakakaloko. 

Tinawagan ako ni Chel, repa ko. May sasabihin daw saken. 

Wow. Ambilis kumalat ng balita ah. Trending kame. Sabi nila nagpalit daw ng number si Emilie dahil sa ginawa ko. 

Tapos... *TING* bright idea pre. Nanghingi ako ng papel sa kanila at ng ballpen. May sinulat ako.

Nagpaalam na ko sa kanila pagkatapos nun. Pumunta ako sa pinagtatatrabahuan ni Emilie at nilagay yung papel sa isang shoebox. 

Nagpaload ako pagkatapos ko gawin yun. Para kapag nagtext siya, BOOM. Mission success. Haha.

Umuwi na ko at natulog.

Pagkagising ko sa umaga. Si Emilie pa rin ang nasa isip ko. Mula kagabi hanggang ngayon. 

Lagi kong naiisip yung irap sakin ni Emilie. Parang galit siya at kinakahiya ako. Ano bang meron sakin? Haay.

Natulog na lang ulit ako ng may kumatok sa pintuan. "TOK TOK TOK! TOK TOK TOK!" Wagas makakakatok? May balak atang sirain yung pinto.

"Andyan na..." Yun nalang nasabi ko. Binuksan ko na yung pinto.

"Kain na." Sabi ng mama ko.

Sus. Yun lang pala ang sasabihin. Nako. "Mamaya na. Di pa ko nagugutom." Sabay sara ng pinto. Sa totoo lang, gutom na ko. Itulog ko nalang muna 'to.

***

Nakita ko si Emilie, papalapit sakin. Galit pa rin ba siya? O sasagutin niya ko? 

Kahit malayo pa lang siya, nakikita ko ang ngiti niya na ubod ng tamis. 

Pero... Bakit parang nawawala unti-unti? 

Unti-unti ng sumisimangot si Emilie habang papalapit siya ng papalapit sakin. 

Ng makarating siya sa harap ko, nagsalubong ang kilay niya. Galit siya! 

Nakakatakot.

Itinaas niya ang dalawa niyang kamay, at ngayon, sinasakal na niya ko. Hindi ako makahinga.

"Emilie..aaarrrggggghhhhhh" "E....MI....LIEEEEE!"

***

Napatayo ako bigla sa kama. Panaginip lang pala. Bakit ako binangungot? 

Tumingin ako sa orasan, 5:00 pm na pala. Makakain na nga. Dala siguro 'to ng gutom. 

Bumaba na ko at kumain ng hapunan, agahan, at tanghalian. Gutom na gutom e. 

Kinapa ko yung bulsa ng short ko kung andun yung cp ko. WALA! Dali-dali kong hinanap yung cp ko dahil napaka-importante nun. Baka magtext si Emilie.

Pumunta 'ko sa kwarto ko at nakita ko naman kagad ang cellphone ko. At saktong pagpulot ko, may nagtext.

Galing 0919069****. Siguro siya na 'to. Nagreply ako pero sa kasawiang palad. Hindi siya si Emilie. Awts. 

Nakakatuwa siya kausap. Kung di lang siya nag-unlicut. Kakausapin ko siya hanggang bukas, kahit wala akong tulog. 

Kung pwede ko lang sana siya loadan. Kaso baka sabihin niya may gusto ako sa kan---

Teka...teka. Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Gusto ko siya?! Oh fck. Nababaliw na 'ko. Kakakilala ko pa lang sakanya tapos gusto ko na siya?! Imposible.

Sa buong oras ko siyang kausap, nakangiti ako. Pakiramdam ko ang saya ko. Nakalimutan ko ang lungkot na naramdaman ko kay Emilie. 

Salamat Ella. Salamat.

TBC...

------------------------------------------------------------

vote and comment <3

''shoebox''Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon